Kabanata 19

939 38 0
                                    

"Oh J4, ba't dito ka na naman?"

'Di ko nilingon at sinagot si R3. Nanatili lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Shit, sa ginawa ko kagabi, talagang iiwas ako. Why the fuck I kissed him back? Nababaliw na yata ako. Napapikit ako nang mariin.

"Yow J4, ba't parang namumula ka?" Napaayos akong nang upo. Nakangising nilapit naman ni R3 ang mukha niya sa 'kin. Pinasingkit niya pa ang mga mata. "I smell something fishy."

"Tsk, loko. Wala no."

"Weh? Ba't nagiging madalas na rito ka na sumasakay ha?"

"Bakit? 'Di ba pwedeng dito ako? 'Di pwedeng magbreak ng ilang araw sa pagiging PB ni sir?"

Sumimangot ang loko at umayos nang upo. 'Di pa rin naniniwala. "May something talaga, alam na alam ko 'yan."

'Di ko na lang pinuna at tahimik na bumaba ng kotse nang makarating. Pero shit, nagdadalawang isip ako kung susunod ba ako. May tumulak naman sa'kin kaya napahakbang ako.

"Mukhang naniniwala na ako sayo R3," si R1 at binigyan ako ng nakakalokong ngisi. Inambahan ko siya ng suntok, tumawa naman siya.

"J4," si R2 at nginuso ang direksiyon ni Gov. Napapikit ako sa inis at walang choice na humakbang nang may humawak sa braso ko.

"You can take a break, J4. Si R4 ang swap mo ngayon." Napalingon ako kay T1. Kinidhatan niya ko bago nilingon si R4. "R4, ano pang hinihintay mo?"

"Ah, yes Sir."

"Thank you, Sir. Napaboring naman talaga sa opisina ni Sir Gov." Tinapik ni T1 ang balikat ko at naunang naglakad sa katabing elevator.

"Yah, kumunot ang noo ni Sir Gov, may something talaga sa inyo." Binatukan ko na talaga si R3, ang tsismoso.

"Aray, sakit ha, J4."

"May something man sila, wala na tayo ro'n. Tara na," nakangiting sinabi ni R1 at sumunod kay T1.

"Kita mo, ikaw talaga ang pinakatsismoso."

"Lah, akala niyo naman 'di kayo nakikitsismis sa 'kin!" Sigaw ni R3. Tinulak ko naman siya para lumakad na siya.

Buong umaga sa cafeteria kami tumambay hanggang sa nagpaback up si R4 sa taas para raw may makausap.

"Oh, alam niyo na kung gaano kahirap ang walang makausap do'n."

"Sus, madalas mo namang kausap si Sir eh." Sinipa ko ang paa ni R3 sa ilalim ng mesa, napaungol naman siya sakit.

"Aish, nakakailan ka na talaga."

"Madadagdagan talaga 'yan, mang-asar ka pa."

May sasabihin pa sana siya nang may kumalabit sa'kin.

"Oy agent C5, bakit kayo nandito?" si R2.

"Nandito ang binabantayan naming kliyente," nakangiti niyang sagot at bumaling ang tingin sa 'kin. "Pwede ka bang makausap."

Napalingon ako sa team C. Tumango si T1 kaya tumayo na 'ko at sumunod sa kanya. Tahimik lang kaming bumaba ng hagdan hanggang sa basement.

"Hello, J4," bati ng babaeng nakalaban ko no'ng una.

"Anong pag-uusapan natin?"

Ngumisi naman 'yung babaeng nakalimutan ko ang codename. "'Yan ba ang sinabi sayo ni C5?"

Ginalaw ko ang peripheral vision at tiningnan ang ilang kasamahan nila sa likuran na unti-unting lumalapit.

"Alam mo, gigil pa rin kasi ako sa'yo."

Agent J4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon