Kabanata 15

1K 40 0
                                    

Tatlong araw na ang lumipas mula nang makabalik kami. Back to normal na ang lahat. Tuluyan nang nahandle ang issue at pinagbigyan ng interview ang mga magulong reporters. After that, pumasok na uli si Gov sa kumpanya nila at mas lalo siyang naging busy. Maraming employees ang labas pasok sa loob ng opisina niya nitong nagdaang araw.

Kahapon naman, bumisita si Sarah Dominggo. Nag-usap sila ni Gov pero sandali lang. 'Di ko alam pero umiiyak na lumabas ang babae sa opisina niya. 'Di ko naman na pinagtuunan ng pansin.

Ngayon naman, mas busy sila. Labas pasok si Mae at Renz sa opisina niya. Wala naman akong ibang ginagawa kundi tumunganga. Umayos ako nang upo at tumingin sa suot na relo. Alas dose na. Tumayo na 'ko, hahakbang na sana nang bumukas ang pinto at lumabas si Gov. Napalingon ako sa kanya.

"Let's have lunch," aniya at naunang maglakad.

"Sir?"

"Tell your co-agent that we're having lunch."

Tumikhim ako. "Yes, sir." Pinindot ko ang ppt. "Team C, we're having lunch with Mr. Ryder."

"Whoa, seryoso 'yan J4?" 'Di makapaniwalang tanong ni R1.

"Yeah, magprepara na kayo, bababa na kami ng basement."

"Wow, ang bait naman ni sir ngayon."

Napangiti ako sa sinabi niya bago sumunod kay Gov papasok ng elevator. Tahimik lang naman kaming dalawa hanggang makarating ng basement. Pagbubuksan ko na sana siya ng pinto sa backseat nang buksan niya ang passenger seat at doon naupo. Kunot noong umikot ako at pumasok ng driver seat.

"Saang restaurant sir?"

"Han-han." Tumango ako, tahimik na pinaandar ang makina ng kotse at tinahak ang daan patungo sa restaurant na sinasabi niya.

Panaka-naka naman akong napatingin sa kanya pero nanatili lang naman siyang nakatingin sa labas. Huminto ako dahil nakared na ang lights. Napasulyap uli ako sa katabi pero mabilis ding nag-iwas nang lumingon siya. Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Shit, ba't bigla akong kinabahan. Dapat kasi sa likuran siya. Kainis.

Inapakan ko agad ang accelerator nang maggreen. Tumingin sa side mirror bago niliko ang kotse at nagpark sa parking space ng resto. Nauna nang lumabas si Gov kaya hindi ko na siya napagbuksan. Ang weird nanaman niya.

"Yow, medyo mabilis pagpapatakbo mo ha," puna ni R2. Nagkibit-balikat na lang ako.

"Mapaparami kain ko nito," si R3 na nakangisi.

"Lalo na't mas sumasarap kapag libre," sagot naman ni R4.

"Let's get inside," si T1 at naunang pumasok sa loob. Napapangiti na lang ako.

Naupo naman si Gov sa mesang pinagdugtong na ng mga crew. Uupo na sana ako sa tabi ni T1 nang unahan ako ni R2. Lumipat ako sa upuang bakante na katabi ni R4 nang unahan ako ni R3 sa paghila ng upuan. Napatitig ako sa kanya. Ginalaw naman niya ang mga mata.

"Kay Gov ka tumabi dahil walang tatabi sa kanya," mahina ang boses na sinabi niya. Napabuntong hininga ako bago umikot at naupo sa tabi ni Gov.

"Okay, order anything you want."

"Sir Ryder, lilibre niyo talaga kami ng lunch?" si R4.

"Yes. All of you did a great job in protecting me. Take this as my thank you."

Naghiyawan ang team C at sunod-sunod na nagpasalamat kay Gov. Natahimik lang nang bigyan kami ng menu ng waiter.

Steak ang inorder ko.

Ilang minuto lang, sinerve na ang mga inorder namin. Ako lang at si Gov ang nag-order ng steak. Teka, ba't parang pareha yata kami. 'Di ko na lang pinuna at nagsimula nang maghiwa. Seryoso ako sa ginagawa nang matigilan ako dahil hinawakan ni Gov ang kamay ko saka pinagpalit ang pinggan naming dalawa. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya pero parang wala lang sa kanya ang ginawa dahil nagpatuloy siya sa paghiwa at nag-umpisa nang kumain.

Agent J4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon