Kabanata 32

831 27 5
                                    

Kabanata 32

I'm still working in Tres agency. Wala e, kahit ikang beses akong nagsumite ng resignation letter, hindi niya talaga tinanggap. Nang-aasar pa ang gago na gusto kong magresign dahil nagseselos ako. Kaya to shut him up, I agreed working with him again.

I sighed as I remember that grin on his face. Wala e, nakakainis! Mas lalo pa akong nainis dahil he assigned me kay Gov. Ako raw ang pangawalang personal bodyguard, only if Gov needs me.

Umoo na lang ako kaysa madagdagan ang oras na nakaharap ako sa gagong Tres na hindi nawawala ang ngisi sa labi.

"J4," R3 threw me the car key. I swiftly caught it. "Sir Gov requested that you'll be the driver for today's vidyow!"

Himala! After days of ignoring me, nagrequest siyang ako ang maging driver? Isang himala talaga.

"Okay," sagot ko. Naglakad na 'ko patungong kotse at binuksan ang driver seat.

Bahagya akong natigilan nang makitang nakaupo si agent M sa passenger seat. I thought she's absent kaya nagrequest. I sighed and sat down on the driver's seat.

"Good morning, Sir."

I took a quick glance at agent M bago tumingin sa rearview mirror para tingnan ang lalaking busy kakatipa sa telepono niya. Hindi man lang sumagot sa pagbati ko.

Tahimik na pinaandar ko ang makina at nagdrive. Ilang minuto lang, nasa harap na kami ng kumpanya. Muling akong tumingin sa rearview mirror at tiningnan si Gov. Hindi man lang sumulyap!

I sighed as I pressed the accelerator and drive to the basement. Pinatay ko ang makina at agad na lumabas. I locked the car saka hinagis kay R3 ang susi.

"Bye, everyone!" Niwave ko ang kaliwang kamay.

"Hoy, saan ka pupunta?" Tanong ni R2.

"Agent M is present, so, I'm not needed."

"Pero baka hanapin ka ni Sir."

I shrugged my shoulders and looked at agent T1. He knows my terms with Tres. Sinadya kong may alam siya para madali lang sa akin na umalis.

"Let her."

"Bye..."

Napabuga ako ng hangin nang makalabas ng basement. Where to go, Amber? I have nowhere to go. Sab and Morgan are in a mission kaya mag-isa lang ako sa condo nila. Apat na araw na akong mag-isa kaya napaka-boring.

Oh, right, shooting range! Makapunta na nga lang do'n. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa shooting range na pinupuntahan namin ni Gov dati.

I placed the gun on the table nang tumunog ang celpon ko. It's Sabrina.

"Yow," bati ko at naupo sa plastic chair.

"Nagkausap na kayo?" Hindi ako sumagot. Napabuntong-hininga naman siya sa kabilang linya. "Hindi pa rin?"

"Hmm..."

"Suyuin mo kasi..."

"I did try 'di ba, pero napahiya lang ako. I told you, hindi ako marunong."

The night after I talked with Sab, the next morning, I visited Gov. Bumisita ako sa opisina niya at nagdala ng pagkain na ako mismo ang nagluto. Kahit hindi ako marunong, ginawa ko. Kasi I thought na ma-a-appreciate niya dahil nag-effort ako. Pero damn... mukha akong tanga na nakatayo sa opisina niya at hindi niya pinapansin. Then, agent M came with a paper bag. Pinansin niya agad samantalang ako, sinulyapan lang no'ng pagpasok ko then wala na. So, I went home that time.

Kahit nakakahiya iyong ginawa ko sa opisina niya. I still tried cooking for him for dinner. Bumalik ako sa opisina niya, gave him the food pero pinabitbit niya lang kay agent M. I offered to drive him home pero hindi niya ako pinansin. I wasn't hurt. I mean, nasaktan ako, pero hindi masyado dahil alam ko namang may kasalanan ako. Pero, sampal talaga sa akin ang nangyari na I'm not good sa pagsuyo.

Agent J4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon