Chapter Thirty-one

60 5 0
                                    

Jennie Kim's POV

TATLONG araw. Iyon lang ang hinihingi ko. Tatlong araw na walang iniisip. Walang ibang nararamdaman kundi saya at yung pakiramdam na malaya ka na noon ay hindi ko naranasan. Sa tatlong araw na yon, sya ang kasama ko. 

Bakit sya ang gusto kong kasama sa tatlong araw na yon? Hindi ko rin alam kasi kahit sarili ko hindi yon masagot. Gusto ko ba sya bilang kaibigan o higit pa? Hindi ko magawang sagutin.

The only thing I know is he feels different for me. He feels like the calming rainbow after a heavy storm. He feels like warm cup of drink in a cold winter. He feels like a warm hug after a tiring day. He defines home himself.

Words could never be enough to express how I feel when he's here. Sapat na ba yon para masabi kong gusto ko sya? O gusto ko lang ang presensya nya? Nakakagulo ng isip at puso ang sarili kong nararamdaman pero hindi na ko mag-aabalang isipin yon dahil bilang lang ang oras ko. 

Walang kasiguraduhan kung kinabukasan okay pa ba ko o baka kahit mamaya ay bawiin na ang oras na pinahiram sakin. Sa natitirang oras na yon, pinipili kong sumugal sa walang kasiguraduhan kung hanggan kelan dahil gusto maging masaya. Para akong sumusugod sa gyera na alam kong wala na kong laban pero ang mahalaga sakin, lumaban ako at sapat na sakin yon. 

"Alam ba ni Taehyung?" Tanong ni kuya habang tinutulungan nya kong mag-ayos ng mga gamit na dadalhin ko.

"Ang alin?" Tanong ko.

"Yung... sakit mo?" Tanong nya pero umiling ako. "Bakit hindi?"

"Hindi na nya kelangan malaman. Besides, ang dami na nyang pinagdadaanan, dadagdag pa ba ko?" 

"He deserves to know, Jennie." Sabi nya. Tumigil sya sa pag-aayos ng gamit ko at hinarap ako. "Plus, paano na lang kung bigla kang atakihin kasama nya?  Ano na lang mararamdaman at gagawin nya? At higit sa lahat..." Napatigil sya sa pagsasalita na parang ang hirap na ituloy to.

"What?"

"Wala tayong alam kung kelan ka aalis. Would you really want to leave him na walang kaalam-alam?" Sagot nya. "Fuck this. Can't believe na lumalabas mula sa sarili kong bibig na baka mawala ka."

Hindi ako makapagsalita. Umiwas ng tingin si kuya pero kita kong panong parang nagbabadya na ang luha mula sa mga mata nya. Nasasaktan ako pero alam kong mas masakit para sa kanya kasi sya yung maiiwan. Ayokong umalis dahil alam kong masasaktan si kuya pero may kaya pa ba kong gawin para pigilan to? Wala na. Ang tanging pwede ko lang gawin ay ang tanggapin ang nakatadhana sakin.

"Kuya..." Sambit ko, namumuo na ang luha sa mata. Bumalik ang tingin nya sakin at nang magtagpo ang mga mata namin ay hindi na napigilan ang mga luhang pinipigilan namin.

Lumapit sya sakin at binalot nya ko sa yakap nya. Bumuhos ang luha ko dahil sa halo-halong nararamdaman ko. 

I'll miss his hugs. I'll miss his nagging. I'll miss everything about him.

Kumalas sya sa yakap at nginitian ako ngunit naroon pa ring ang mga luha. "Be happy and free, hmm?"

Tumango ako. "I will."

Nang matapos akong gumayak ay hinintay ko ang pagdating ni Taehyung. Hindi iyon nagtagal at agad ding nakarating. Nang magtagpo ang mga mata namin, hindi ko mapigilang mapangiti. I feel at peace.

"Ingatan mo tong kapatid ko, ayusin mo! Talagang makaka-face to face mo tong kamao ko, sinasabi ko sayo!" Pabirong banta ni Seojin, dahilan para mapatawa si Taehyung at nag-'nyenye' na lang ako.

"Sir, yes, sir!" Sagot ni Taehyung, umakto pang sundalo kaya napatawa kami ni kuya.

"Joke lang, enjoy kayo at ingat. May tiwala ako sa inyo."

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now