Chapter Twenty-five

150 8 1
                                    

Third Person's POV

KASALUKUYANG nasa ospital si Taehyung para bisitahin yung tatay nya. Halos araw-araw nya itong pinupuntahan para malaman yung kalagayan nya ngunit laking dismaya nya palagi dahil parang imbis na gumaling ang tatay nya ay lalo pa itong lumalala.

Naka-upo sya sa upuan na halos katabi ng higaan ng tatay nya habang nagsscroll lang sa social media sites nya. "T-Taehyung..."Sambit nang may napakahinang boses.

Nanlaki ang mga mata ni Taehyung at agad na napabaling ang tingin sa kanyang ama. Napa-awang ang labi nya nang makitang nakamulat na yung tatay nya at parang pilit na nais nitong magsalita. Akmang tatayo na si Taehyung para tumawag ng doctor at mga nurse ngunit napatigil sya nung mahina syang hinawakan ng ama nya sa palapulsuhan at mahina nya ring sinambit muli ang pangalan nito.

"Dad? Okay ka lang ba? Naririnig mo ba ko? Nakikita mo ba ko? May masakit ba sayo?"Sunod-sunod na tanong ni Taehyung, puno pa rin ng pag-aalala.

"S-si.... Jongin..."

Napakunot ang noo ni Taehyung dahil biglang binanggit ng tatay nya yung kuya nya kahit na sya ang kaharap nito. Magsisinungaling sya kung sasabihin nyang parang nasaktan sya dahil sa tingin nya ay si Jongin ang hinahanap nito dahil sya ang anak na pinapaboran ng ama nya.

"Wala ho dito si kuya, busy ho asikasuhin kompanya nyo,"Sagot ni Taehyung, pilit na itinatago ang pagkadismaya. "Sandali lang, dad. Tatawag lang ako ng doktor-"

"M-may plano s-sila..."Sabi ng tatay nya, dahilan para magsalubong ang dalawang kilay ni Taehyung at kitang-kita ang pagkagulo sa isipan nya. 

"Plano? Teka, hindi ko maintindihan. Dad, anong sinasabi mo-"Biglang napatigil si Taehyung sa pagsasalita nang biglang pumikit muli ang mga mata ng ama nya at laking gulat nya nung biglang nag-flatline yung nasa monitor. "Dad?! Putangina.. doc! Nurse! Tulong!"

Sa pagsigaw ni Taehyung, hindi nagtagal ay dumating ang mga nurse at doktor. Naiwan na nakadikit ang mga paa nya sa may pinto, halos nanginginig ang buong katawan sa takot at kaba dahil sa nakikita nya ngayon.

Hindi nya alam kung ano ang gagawin. Kabado nyang ipinagdadasal na sana ay hindi pa ito ang katapusan. Kitang-kita ng mga mata nya kung paano sinusubukang isalba ng mga doktor ang buhay ng tatay nya.

"Dad... wag namang ganto,"Bulong ni Taehyung habang naluluhang nakatitig sa ama nya.

Maya-maya ay may lumapit sa kanyang mga nurse upang pansamantalang paalisin sa kwarto. Magpipilit pa sana si Taehyung na manatili roon pero hindi nya magawa dahil nanghihina ang buong pagkatao nya sa mga oras na to.

Agad na napa-upo si Taehyung sa isang bakanteng upuan. Kasabay ng bilis ng tibok ng puso nya ay ang takot na nagsisimula nang bumalot sa kanya. Ayaw na nyang mawalan pa ng magulang...

Ilang minuto pa syang nanatiling umaasa na sana naman ay hindi mangyari ang nasa isip nya at sa wakas ay lumabas na rin ang mga nurse at doktor mula sa kwarto ng ama nya. Agad na napatayo si Taehyung at lumapit sa kanila nang puno ng pag-aalala.

"D-doc, kumusta ho? Okay naman sya diba? Hindi naman mawawala si dad, diba?"Sunod-sunod muling tanong ni Taehyung ngunit imbis na salita ang lumabas sa bibig ng doktor ay isang buntong-hininga at parang ang mga mata nito ang nagsasalita para sa kanya. "Doc, sumagot ka naman. Okay naman si dad, diba? Doc..."

"We're sorry,"Yun ang unang lumabas na mga salita mula sa doktor na naging dahilan para mapa-awang ang labi ni Taehyung at matigilan.

"Bakit ho kayo nagsosorry?"Tanong nya na parang pilit na pinapaniwala yung sarili na ayos lang ang kalagayan ng ama nya kahit sa loob-loob nya ay alam na nya.

"You're father died... we're really sorry."





ON the other hand, nang mabilis na binuhat ni Seokjin ang kapatid nya ay ang pagtataka ng ama nito sa nangyari. Hindi nya nakita kung ano ang buong pangyayari ngunit sapat na ito para magkaroon sya ng hinala na mayroong nangyayari na hindi nya nalalaman.

"Sundan mo yung sasakyan ng anak ko."Utos nya sya driver nya at tumango ito bago pinaandar ang sasakyan.

Sa loob naman ng sasakyan kung nasaan si Jennie ay kasalukuyang kabadong nagmamaneho si Seokjin. Puno ng pag-aalala ang utak at puso nya para sa kapatid nya. Wala syang ibang nasa isip kundi masiguradong ligtas ang kapatid nya.

Nakarating din sila agad sa ospital at mabilis nyang isinugod ito sa emergency room kung saan natugunan agad ito. Hindi mapakali si Seokjin pero kahit ganon ay pilit nyang pinapakalma ang sarili nya. 

Simula bata sila ay ilang beses na nyang nakikitang inaatake ang kapatid nya kahit na madalas noon ay pinaghihiwalay sila ng kanilang mga magulang. Sa tuwing makikita nyang nakakulong lang sa apat na sulok na kwarto ang kapatid nya ay parang gusto nyang suwayin ang mga magulang nila at kahit papano ay samahan sya roon dahil sa sobrang pagmamahal nya sa kapatid nya.

Hindi pa rin masanay-sanay si Seokjin kapag nagkakaganito si Jennie at siguro nga ay kahit kailan ay hindi sya masasanay. Ang nais lang nyang makasanayan ay ang makitang masaya ang kapatid nya.

"Sir, are you the relative po nung babaeng may heart condition?"Tanong ng isang nurse sa kanya at tumango naman sya. "Kindly follow me para po magfill-up. We transferred her nga po pala sa isang room for monitoring purposes." 

Sumunod lang si Seokjin don sa nurse at katulad nang sinabi nito, nagfill-up sya nga mga kelangan. Dito naman talaga dinadala si Jennie sa tuwing aatakihin sya simula nung bata pa sya. Kalahati o kaya naman higit pa ng buhay nya siguro ay dito na sya nagsstay dahil sa kondisyon nya. 

"Sige po, nasa room 136 po sya. Nandon na rin daw po si Dr. Park, as you requested po."Huling sabi ng nurse bago magpasalamat si Seokjin at agad na naglakad para mapuntahan na si Jennie.

Pinili ni Seokjin na maghagdan na lamang dahil isang floor lang naman ang aakyatin nya. Ngunit kahit habang umaakyat na sya ng hagdan ay hindi pa rin mawala-wala yung pag-aalala nya kay Jennie. Magiging maayos lang siguro ang pakiramdam nya kung makikita nyang okay ang kapatid nya.

Nang makarating naman sa designated na floor ay agad nyang hinanap yung kwarto kung nasaan si Jennie. Habang papunta doon ay bigla nyang nakasalubong si Dr. Park.

"Doc, how's my sister po?"Agad na tanong nya.

"I'm so sorry, Seokjin but I can't talk today. May urgent patient pa ko eh, pero na-explain ko na sa dad nyo yung kalagayan nya. Sorry, got to go."

Napa-awang ang labi ni Seokjin nang marinig nya ang sinabi nito. Hindi na nagdalawang isip pa si Seokjin at agad na tumakbo papunta sa kwarto. Pagbukas na pagbukas ng pinto ay agad na bumungad sa kanya ang tatay nila habang si Jennie ay pikit pa at wala pa ring malay.

"Puta..."Hindi mapigilang mapamura ni Seokjin nang magkaharap sila ng ama nya. "Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na."

"Seokjin, bakit hindi mo sinabi samin?"His dad sternly asked as Seokjin let out a desbeliefed laugh.

"Bakit? Para ikulong na naman kapatid ko? Tangina, buong buhay ng kapatid ko pinagdudusa nyo lang sya!"Sigaw ni Seokjin habang muling nangingilid ang luha sa galit. 

"Ginagawa lang namin kung ano ang nakabubuti sa kanya. Wag mo kaming pinangungunahan, Kim Seokjin!"

"Nakabubuti? Puta, yung sinasabi nyong 'nakabubuti' ang nagpalala ng sitwasyon ng kapatid ko! Nang dahil dyan sa hinayupak na pagtrato samin hindi manlang maranasan ni Jennie maging masaya!"

Agad na tumulo ang mga luha ni Seokjin lalo na nung nahagip ng mga mata nya si Jennie. Hindi makapagsalita ang tatay nila dahil sa mga salitang narinig nya mula kay Seokjin.

"May taning na buhay ng kapatid ko pero wala kayong ibang ginawa kundi pahirapan sya. Nakakaputa na..."

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now