Chapter Twenty-one

174 10 13
                                    

"HELLO?"

Sagot ko sa phone at pinindot yung loud speaker dahil kasalukuyan akong nag-aayos ng damit ko. Kagagaling ko lang galing sa bahay nina Taehyung almost 30 minutes ago dahil kailangan ko pang bumalik sa trabaho.

["Ma'am, n-nandito po si madam Kim.. hinahanap po kayo."]Narinig ko yung pamilyar na boses ng secretary ko. Agad akong nabadtrip nung nalaman kong may kinalaman sa mom ko yon.

"Paalisin mo, sabihin mo wala syang makikitang Jennie dyan kahit maghintay pa sya hanggang bukas."

["P-pero, ma'am.. papuntahin daw po kita dito kahit anong mangyari."]Sagot nya na parang natatakot kay mom. Napabuntong hininga ako.

"Wala akong pakielam sa kanya. Sabihin mo umalis na sya tsaka wag kang mag-alala, hindi ka masisisante nyan, ako boss mo,"Sabi ko bilang pagrereassure sa kanya. "Kung gusto mo, magpatawag ka pa ng guard mapababa lang yan, tss."

Walang nagawa si Sihyeon kundi sumang-ayon sakin at ibinaba na ang tawag. Napabuntong-hininga ako at para bang nawalan na ko ng ganang pumasok sa trabaho pero wala kong choice. Matapos kong gumayak ay agad akong sumakay sa kotse.

"Kuya Dongmin, idaan mo muna ko sa coffee shop na malapit."Sabi ko sa driver ko at agad itong tumango sakin bago magdrive.

Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasag mapatitig sa kawalan. I'm totally absent minded. Yesterday felt like a sweet escape but that escape was just a dream that I needed to wake up from at ngayo, muli na naman akong nasa reyalidad na parang imposible kong maranasan yung kasiyahan na naranasan ko kahapon kahit na panandalian lang yon.

I was instantly snapped out from my thoughts nung tinawag ako ni kuya Dongmin dahil nakarating na kami sa coffee shop. Agad akong bumaba ng kotse dala lang yung wallet at phone ko.

Once I entered the coffee shop, the smell of fresh brewed coffee immediately welcomed me at pati na rin yung barista sa counter na medyo mukhang nagulat pero napalitan ito ng warm smile, so I lightly smiled back at her.

Umorder lang ako ng isang iced americano dahil hindi pa naman ako gutom, though hindi pa ko nag-aalmusal. Gusto ko lang talagang magpalipas ng oras dito dahil ayokong maabutan sa office si mom. I also ordered pancakes at dalawa pang coffee para sa driver at secretary ko dahil feeling ko di pa sila kumakain ng breakfast.

"Miss J-Jennie Kim po ba pangalan nyo?"Parang nahihiyang tanong nya, hindi pa rin nawawala yung ngiti sa labi nya. Napakunot ang noo ko dahil alam nya pangalan ko pero tumango rin agad ako. "Sige po, ma'am! By the way... ang ganda nyo po lalo sa personal, grabe."

"O-oh, thanks,"Awkward na sagot ko pero agad din akong napangiti. "Can I know kung pano mo ko nakilala?"

"Nakikita ko po kasi kayo sa news, magazines at kung saan-saan po, fan nyo po ako actually!"She enthusiastically answered at kahit ayokong aminin, her words felt good. "P-pwede po ba ko magpapicture?"

I was lightly taken aback, alam kong kalat ang pangalan ko pagdating sa business world pero I never thought na may makakakilala sakin nang ganto. Agad din akong pumayag at naglabas sya ng phone para makapag-picture kami.

"Thank you po ulit ma'am!"She looked so happy at I smiled at her while saying that it's nothing. "Tawagin ko na lang po kayo pag ready na order nyo."

I nodded at her at naghanap naman ako ng restroom. Nang makita ko ay agad akong naglakad papunta ron. Habang naglalakad ay narinig ko ang pagtunog ng bell at pagbati nung barista kanina, signalling na may dumating na costumer.

"Isang iced americano lang."

Dahil medyo tahimik ang coffee shop ay rinig na rinig ko yung sinabi nya. The voice felt familiar, dahilan para mapatigil ako sa paglalakad at napabaling ang paningin ko roon ngunit hindi ko makita yung mukha dahil natatakpan nung likuran nung barista. Hindi ko na lang pinansin at agad na pumunta sa restroom.

To My Last Life || TaennieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon