Chapter Twenty-six

258 12 10
                                    

"HINDI man tayo ganon katagal na magkakilala pero maasahan mo ko kapag may problem ka."

Sambit nya habang nakangiti, dahilan para bumilis ang tibok ng puso ni Jennie. Sa isang ngiti nya na yon ay parang naramdaman ni Jennie na mayroon syang masasandigan kung sakali mang patuloy na gumuho ang mundo nya.

Ngunit sa isang iglap, biglang lumabo ang lahat at tila ba napalipat sa ibang oras. Yung oras na hiniling nila noon na sana ay hindi na lang nangyari...

Muling bumungad ang imahe nya. Kita ni Jennie ang lungkot at pighati sa bawat pagpatak ng luha ng binata habang nakayapos sa kanya. Sinambit nya ang mga salitang "Wag kang susuko, please... kayanin mo."

Ngunit imbis na lumaban pa, pinili nyang sumuko dahil alam nyang kahit lumaban sya ay siguradong talo na.

'Salamat kasi nakilala kita...'

'Salamat kasi minahal mo ko sa kabila ng katauhan ko...'

'Salamat sa pagtanggap sakin...'

'Mahal na mahal kita...'

Kasabay nang pagpatak ng luha ni Jennie ay ang pagmulat ng mga mata nya. Ramdam nya kung paanong parang mabigat ang pakiramdam ng puso nya habang mabilis itong tumitibok. Her dreams felt so real that she even wondered kung nangyari na ba yon dahil sobra pa sa sobra yung sakit sa bawat pag-alala nya rito.

Muling bumalik sa isip nya yung ngiti ni Taehyung sa panaginip nya. She's so sure that it's him dahil aniniwala syang pwedeng magkaroon ng kamukha ang isang tao pero hindi kasing eksakto ngunit ang tanging pinagtataka nya ay kung paanong pakiramdam nya ay napakahalagang tao ni Taehyung sa kanya despite them just meeting each other lately.

Naputol ang pag-iisip nya nung biglang bumukas ang pinto. Paglingon nya ay sumalubong sa kanya ang kuya nya kaya naman agad nyang pinunas ang luhang kaninang tumulo at iniupo ang sarili.

"Oh, gising ka na pala,"Bungad ni Seokjin ngunit agad namang napansin ni Jennie na may kakaiba sa kapatid nya, matamlay ang boses nya pati na rin ang mga mata nya kahit na bahagya itong nakangiti. "Okay ka na ba? Nakakahinga ka na nang maayos?"

Bahagya ring ngumiti si Jennie at saka tumango. "Ikaw, okay ka lang ba?"

"Ha? Ako?"Agad na napakunot ang noo ni Seokjin. "Okay lang naman ako. Bakit hindi?"

Umiling si Jennie at sinabing 'wala lang' kahit sa loob nya ay alam nyang may mali. Napakagat sya sa ibabang labi habang parang walang buhay namang umupo si Seokjin sa upuan na katabi ng kama nya.

"Sorry, kuya..."

"Sorry saan?"

"Na... hindi ko agad sinabi sayong na-enggage ako kay Jongin."Mahinang sambit ni Jennie, umiiwas ng tingin kay Seokjin habang pinaglalaruan ang mga daliri.

"Wag kang mag-sorry... hindi mo naman kasalanan. Hindi mo rin ginusto yon. Masyado lang siguro akong nagulat dun sa balita kaya ganon ang inakto ko."Sagot ni Seokjin at napabuntong hininga. "Ako ang dapat mag-sorry, Jen..."

"Wala ka namang kasalanan--"

"Nalaman na ni dad na may... taning na buhay mo."Pahina nang pahina ang boses ni Seokjin na parang hindi na nya kayang tapusin yung sinabi nya. Napatungo sya at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang mga luhang tila nagbabadya na namang bumagsak, ganon din si Jennie.

Natigilan si Jennie pero agad din syang bumalik sa wisyo at hinawakan ang kamay ng kuya nya, dahilan para mapatingin sila sa isa't-isa. Hindi na nila nagawang pigilan ang mga emosyon nila at doon na nagsimulang lumuha ang magkapatid.

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now