Chapter Ten

146 8 1
                                    

PAGKAPASOK ko palang sa loob ng VIP room ng restaurant ay parang gusto ko nang tumakbo paalis. Alam kong hindi lang to isang simpleng salo-salo para mag-dinner. Siguro, isa tong pangyayaring inaasahan ko na pero ayokong mangyari.

Hindi na nag-abala sina mom at dad para batiin ako. Sinulyapan lang nila ko kaya pinili kong huwag na rin silang batiin at dumeretso na ko sa isang bakanteng upuan. Pabilog ang table at medyo marami ang upuan kaya lalong lumakas ang kutob ko sa pwedeng mangyari mamaya.

Nanatiling tikom ang bibig ko at kahit isang salita ay walang lumalabas. Hindi na siguro nagtataka sina mom at dad dahil aware naman siguro sila na ayaw ko rito.

Lumipas ang ilang minuto at muling bumukas ang pinto. Napabaling ang atensyon namin don at agad na bunungad ang isang babae na halos kasing edad na rin siguro ni mom. Nakasemi-formal sya katulad namin at naka-ayos.

Agad na tumayo sina mom at dad para batiin sya pero hindi na ko nag-abalang bumati pa. Sinamaan ako ng tingin ni nom at dad pero tinaasan ko lang sila ng kilay at binaling ang atensyon ko sa phone ko.

"Good evening, I'm sorry kung medyo natagalan ako. May meeting lang akong tinapos earlier,"Bahagyang nakangiting sambit nito at umupo sa katabi ni mom.

"No, it's okay. We just got here awhile ago too,"Sagot naman ni dad at bahagya silang tumawa. Yung tawa na alam kong peke kaya parang gusto ko nalang mapasuka sa kaplastikan na nangyayari sa harapan ko. "By the way, where's your husband?"

"Oh, he's still at the hospital, recovering. He got mild stroked a few days ago. Sorry, he couldn't make it, ha? But don't worry, tanda ko naman ang mga bilin nya sakin,"Sagot nya habang sumisimsim sila ng wine. Tumango naman sila mom at dad habang hindi nawawala ang ngiti. "My sons will be here in a few minutes."

"It's alright, we can wait,"Mom said at ngumiti naman ito sa kanya.

Patuloy ang pakikipag-usap nila sa isa't-isa tungkol sa mga bagay na wala naman akong pakielam. Wala akong ibang ginagawa kung hindi ang mag-scroll nang mag-scroll sa social media apps ko. Inip na inip na ko at wala akong gustong gawin ngayon kundi ang tumakas paalis.

"Kung alam ko lang na gantong mangyayari, kumain nalang sana ko ng damo, tss."

Ilang minuto pa kong nag-tiis ng gutom at inis ko. Muli namang bumukas ang pinto pero mukang wala pa ring magandang dulot yung bumungad sa mga mata ko. Isang pamilyar na lalaki ang nakatayo ngayon sa may pinto at may ngiti sa labi.

Kim Jongin.

"Good evening po, mr. and mrs. Kim. I apologise for being late,"Magalang na bati nito.

"It's okay, hijo. Have a seat,"Sabi ni dad at buong galak naman itong umupo sa tabi ng mom nya.

Tumingin sya sakin at nginitian ako. Mataray ko syang tinaasan ng kilay at umirap. Wala akong balak suklian yung peke nyang ngiti.

"Where's your brother?"Tanong ng mom nya sa kanya. Akmang sasagot na ito pero naudlot nung nay sumulpot na isa na namang pamilyar na lalaki sa may pinto. Ang kaibahan nga lang, Hindi ko mapagtanto kung saan ko sya nakita.

Napataas ang tingin ko sa kanya. Nagsalubong ang mga kilay ko at parang nasa dulo na ng dila ko ang pangalan at kung kelan kami nagkita pero hindi ko magawang ituloy. Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko pero kaiba ito sa nararamdaman ko tuwingi aatikihin ako. Ang nakakapagtaka pa, ngayon ko lang to naramdaman.

"Good evening,"Tipid na bati nya ba parang wala pang gana. Nginitian naman sya nina mom at dad, samantalang mukang inis sa kanya ang mom at kapatid nya.

Umupo na sya sa natitirang upuan. Dahil nga pabilog ang table ay nakapabilog din ang mga upuan. Isang sobrang upuan lang ang pagitan namin sa isa't-isa. Sumulyap sya sakin at biglang nagtagpo ang nga mata namin.

Natigilan ako at napa-awang ang labi. I suddenly felt another strange feeling at nararamdaman ko rin ang bantang pagbagsak ng nga luha ko. Mabuti na lamang at nagsalita si dad na naging dahilan para mawala ang tingin namin sa isa't-isa.

Gusto kong sampalin ang sarili ko para malaman kung gising ba ko o sadyang tanga lang ako para gawin yon. Hindi ko alam kung bakit ko sya tiningnan nang ganon. Parang bigla nalang sa kanya natuon ang paningin at atensyon ko.

"Bring the foods in,"Utos ni dad sa isang waitress. Tumango ito at lumabas saglit. Hindi nagtagal ay pumasok ang mga waiter dala ang mga pagkain. Agad naman nilang sinerve ang mga yon sa harap namin.

Umalis na rin sila matapos yon. Sumenyas sina mom at dad na kumain na kaya ganon ang ginawa namin. Kanina pa ko nakakaramdam ng gutom dahil panay damo lang talaga ang pinapakain sakin ni kuya.

"So, you're Kim Jongin, right?"Tanong ni dad. Tumigil ito sa pag-kain at tumango. "Could you tell us something about you?"

"Well, I'm the older one among the two of us. I graduated from Harvard a few years ago and I started working at the company right after that,"Sagot nito nang nakangiti. Muka namang natuwa sina mom at dad, pati na rin ang mom nito.

Napalingon ako sa kapatid nya at kita ang ngiti nyang sarkastiko kahit parang pinipilit nyang wag magpahalata. Ayokong mag-jump into conclusions pero pakiramdam ko ay hindi sila okay na magkapatid. Nawala naman ang tingin ko sa kanya nang tumaas ang tingin nito nang marinig ang pangalan nya

"By the way, he's Taehyung. He just came back from abroad a few days ago and nags-start na rin syang magtrabaho sa company,"Pakilala ng mom nya. Muka pa rin syang walang pakielam at tumuloy nalang sa pag-kain nya.

Nakita ko pang parang nay sinabi sa kanya si Jongin na hindi ko alam kung ano. Parang nainis si Taehyung dito at sinamaan naman sya ng tingin nito.

"I'm sorry for his attitude, he's still a bit immature-"

"Excuse me, I'll be heading out,"Sabi nya at biglang tumayo, na naging dahilan para mapatingin kami sa kanya

Hindi na sya naghintay ng sagot at agad na umalis ng VIP room. Bakas ang inis sa muka ng mom nya, pati na rin sa kapatid nya. Mukha namang nagtataka sina mom at dad sa inasta nya pero sa tingin ko ay alam ko ang dahilan.

"I'm really sorry, but anyways, she's Jennie, right?"Tanong nito habang nakatingin sakin.

Umirap ako at napatigil sa pag-kain. Nasakin ang atensyon nila at ayoko non.

"Oh, yes,"Sagot ni mom. "She's the youngest child. Her brother's probably busy sa work kaya hindi nakapunta.

"Sayang naman, pero that's okay,"Sabi nito at sakin naman bumaling. "Can you tell me more about yourself, hija?"

I looked away from her because of irritation. Hindi ako sumagot at narinig ko ang pag-tikhim ni mom. Nakaramdam siguro sya na wala akong balak na sumagot kaya sya na ang gagawa

"I'm sorry for that. Pagod pa siguro sya from her business trip but anyways, she's also a college graduate from one of the most prestigious schools here and she already runs her own company,"Pakilala nya sakin na akala mo at proud na proud. I just wanted to laugh at her, knowing yung tunay nyang ugali sakin.

"It's nice to know na successful na sya at her young age,"Sabi ni mrs. Kim at ngumiti sakin.

"Jennie, why don't you greet your future mother-in-law?"Sabi ni dad.

Humigpit ang hawak ko sa kutsara at tinidor. Nagpapasalamat na nga lang ako at bakal to, kung hindi ay baka kanina ko pa to nagawang sirain. Nag-igting ang panga ko at napakagat sa labi ko.

"Mother-in-law?"Tanong ko na bakas ang pagiging sarkastiko. Umiba ang tingin sakin nina dad na parang binabalaan ako.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko at gulat na tumingin sakin si Jongin at ang mom nya. Kinuha ko ang bag ko at akmang aalis na pero narinig ko ang pagtawag ni dad sa pangalan ko

"Jennie Kim, get back here,"Dad said in a stern tone. Humarap naman ako sa kanila at nagpakita ng isang pekeng ngitin

"Y'all, just stop acting nice, pwede ba? We all know na pagkatapos nito, you'll just stab each other's back for a damn company. Ang pa-plastic nyo, nakakasuka."


_______

a/n: Hi, SM baka naman gusto mo nang ilabas solo ni Kai bago kita balatan nang buhay :D

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now