Chapter Six

214 13 1
                                    

"CALL fucking 911!"Sigaw ni kuya at lalong nataranta ang secretary ni dad kaya mabilis nyang kinuha ang phone nya para tumawag.

Pareho kaming nakaluhod malapit kay dad. Pinilipilit ni kuya na alugin nang konti si dad at tinatanong kung okay lang pero wala pa rin syang malay. Nanlaki ang mga mata ko, kabado ang tingin ko sa kanila. I don't know what to do kaya naman antigilan ako.

After a few minutes, sa wakas ay dumating na ang emergency rescue. Dad was immediately drove off to the hospital. Kasama si kuya sa loob ng ambulansya pero I decided na sumakay nalang sa kotse ko. Baka magka=initan pa kami ni kuya sa loob.

Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasang kabahan. Of course, da dko pa rin sya kahit ganon turing nya sakin. I already lost my mom years ago, I can't bear to lose my dad too.

Sumusunod lang ako sa ambulansya na nasa harapan ko at hindi rin nagtagal ay nakarating din kami sa ospital. Dinala agad si dad sa emergency room kaya kasunod kami ni kuya. At this moment, parang baliwala muna samin ang tensyon sa pagitan namin.

"We'll take care of him na,"Sabi ng nurse at ginuide kami papunta sa waiting area. "We'll call you after syang gamutin."

Wala kaming choice kundi manatili dito at maghintay. Kita ko ang kaba sa mga mata ni kuya. Ito na siguro ang unangn pagkakataon na magkasama kami at walang away na nangyayari.

Mula sa pwesto namin ay kita namin kung paano ginagamot si dad kaya lalong nakakakaba. I was hoping na matapos kaagad sila dahil gusto ko nang makasigurado na okay sya.

Tinawag naman si kuya ng isang nurse para magfill-up ng kung ano-ano. Good thing, hindi rin nagtagal ay natapos na sila kay dad. Nilapitan ako ng isang nurse at sinama ako sa private room ni dad.

May oxygen na naka-attach kay dad at dextrose siguro. Wala pa rin syang malay.

"Ano pong nangyari kay dad?"Tanong ko sa doctor nya.

"Mr. Kim's stable now,"Sagot ng doctor at kahit papano ay nakahinga ako nang maluwag. "He got mild stroked earlier, buti nalang at naagapan. I'll give you medicines at yung mga bawl and pwede nyang gawin later. Excuse me lang for a bit, I have a patient to attend to."

I nodded and made way for him at sa iba pang mga nurses. Naiwan akong mag-isa. Tumingin ako sa gawi ni dad at napabuntong-hininga. Ito na rin siguro ang first time na makikita kong mahina si dad. He always has this strong image.

"Dad, recover fast. First day ko pa lang kanina. Di pwedeng ganto,"Sabi ko kahit alam kong hindi nya ko naririnig. "Papagalitan mo pa ko."

Walang kahit anong sign ng paggalaw nya bukod sa pghinga. Napukaw naman ang atensyon ko sa pinto na bumukas at bumungad sakin si kuya. He glanced at me before walking near me.

"Anong nangyari kay dad?"Tanong nya nang walang emosyon at hindi nawawala ang tingin kay dad.

"Mild stroke daw. Babalik yung doctor dito mamaya para ibigay yung mga gamot at kung ano,"Sagot ko. "Una na ko."

Paalas ko sa kanya. Ayokong manatili don dahil alam kong malaki ang posibilidad na magtalo na naman kami. Ako na mismo ang iiwas.

Hindi sya sumagot kaya tumalikod na ko at umalis ng kwarto. I sighed, pakiramdam ko ay napagod ako bigla sa nangyari. Napagdesisyunan ko na pumunta na sa parking area at doon muna sa kotse.

Wala muna kong balak bumalik sa opisina dahil alam kong hindi ko rin naman magagawang ituon atensyon ko sa trabaho dahil nag-aalala ako. Kaya ngayong nasa loob ako ng kotse ko ay napatitig ako sa kawalan. Tinted naman ang mga bintana nito kaya komportable akong nakatingin sa paligid ko. Nasa labas kasi ang parking area dito. HIndi ko an rin namalayan na unti-unti akong napapikit at nakatulog.





Nang magising ako ay madilim na sa labas. Lumabas ako sa kotse at inikot ang paningin ko. Wala na kong napansin na kahit sino. Tahimik at madilim na ang paligid. Ilang oras din pala kong nakatulog.

Nakahinga na ko nang maluwag mula sa gulat kanina. Alam kong inaatake minsan si dad pero never kong nakita yon nang harap-harapan, unlike kanina. Syempre, nasa States ako at hindi ako pwedeng umuwi dahil utos nya mismo.

HUminga ako nang malalim at naglakad-lakad. Napatingala ako at walang nakita kahit isang bituin. Tanging ang buwan lang at ulap ang nakikita ko.

Napatigil lang ako sa pagtitig sa langit nung may marinig akong tunog ng paghikbi. Gulat ako tumingin sa paligid ko. Natatkot din ako, syempre. Baka mamaya may nagmumulto pala dito noh.

Agad na nahagip ng paningin ko ang isang babae. Nakadmit pang-pasyente. Naka-upo sya sa parang gutter at halatang na umiiyak mula sa hindi kalayuan sakin. Masyadong madilim don kaya hindi ko siguro agad napansin.

"Anak ng hotdog,"Bulong ko habang kinakabahan. "Jusko, masamang espiritu layuan nyo ko. Wala kayong mapapala sakin, wala akong kwenta. Amen."

Bakit naman ganto, Lord? Bakit sakin pa nagpapakita tong kaluluwa na to huhu.

Gusto kong tumakbo palayo pero parang nakadikit ako sa kinatatayuan ko. Konti nalang ay parang nararamdaman ko nang nanginginig ang mga tuhod ko. Napa-ilang beses tuloy akong nag-sign of the cross.

Baka maging abo na ko nito mamaya.

"Our f-father in heaven, h-holy- Ay putangina, anak ni satanas!"Napasigaw akao sa gulat dahil narinig ko ang phone ko.

Halos nanginginig kong pilit pinatay yung phone ko dahil narinig ata ako nungbabaeng nasa di kalayuan sakin. Tumigil bigla ang mga paghikbi nya, tumayo sya at akmang lilingon na sakin pero sa katakutan ay mariin kong pinikit ang mga mata ko at ginawang krus ang dalawang hintuturo ko.

"S-sorry po! Hindi ko po sinasadya na gambalain ka. Aalis na nga po ako! Ipagdadasal ko rin kaluluwa ny, promise ho! Wag nyo lang po akong sasapian o mumultuhin huhu wala kayong mapapala sakin, sa kuya ko nalang-"

"Who the hell are you?"Rinig kong tanong nya pero medyo mahina.

Nakakapag-salita sya? Malamang, narinig ko diba?

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko pero hindi ko pa rin sya makita nang maayso dahil nakatungo sya. Natatabunan ng buhok ang muka nya at nakahawak sa dibdib. Hindi ko alam pero parang nahihirapan syang huminga.

"O-okay ka lang ba?"Nag-aalalang tanong ko dahil sa kalagayan nya. Nakaka-guilty tuloy na pinagkamalan ko syang multo.

"I c-can't.. breath,"Hindi malinaw ang pananalita nya pero sa tingin ko ay sinabi nyang hindi sya makahinga. Na-alarma ako at agad na lumapit sa kanya. She's a complete stranger pero di ko naman sya pwedeng hayaan lang.

Kita ko kung paano sya nahihirapang huminga. Hindi ko alam kung kakayanin nya maglakad sa kalagayan nya kaya walang ibang pumasok sa utak ko kundi ang buhatin sya.

"I'm sorry pero kelangan kitang buhatin,"Sabi ko. Hindi nya magawang sumagot dahil na rin siguro hindi nya kaya. Agad ko syang binuhat nang pa-bridal style.

Nagulat ako dahil sa hindi malamang dahilan, sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Her presence at sya mismo ay parang napakapamilyar sakin.

Isinantabi ko muna ang mga yon. MAbilis akong tumakbo papunta sa emergency room dahil natakot ako nung makitang parang nawalan sya ng malay. Baka kung ano pang mangyari sa kanya.

"Nurse, tulong!"Tawag ko sa isang nurse at agad syang lumapit para alalayan akong ibaba sya sa stretcher.

Once na naibaba ko na sya, hindi maiwasang mapatitig sa kanya. Natigilan ako nang hindi ko namamalayan. Her hair finally got out from covering her face at kitang-kita ko na sya pero wala syang malay.

Napa-awang ang labi ko at parang may weird akong naramdaman. Napakapamilyar nya. Parang nakilala ko na sya noon pero sigurado akong ngayon ko lang sya naita buong buhay ko.

Nagulat nalang ako sa bigla kong inasta. May luhang biglang tumulo mula sa mata ko nang hindi ko manlang namamalayan. Hindi ko maintindihan. Mas lalo pang lumala dahil bigla kong nakita ang larawan nya sa isipan ko.

Nangiti sya na parang ang saya-saya nya. Sobra akong naguguluhan pero isa lang ang sigurado ko. Nasasaktan ako...

To My Last Life || TaennieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon