Chapter Three

245 9 1
                                    

Kim Taehyung's POV

"WELCOME to Korea!"Bungad sakin ng ilang tauhan dito sa airport. Nginitian ko nalang sila bilang sagot at naglakad na uli papunta sa destinasyon ko.

Alangan namang yakapin ko yon diba? F.C masyado?

Napakaraming tao at naaalibadbaran ako pero anong karapatan ko magreklamo diba? Presidente ba ko? Sakupin ko kaya to- charot di pala ko Chinese, Koreano pala ko hehe.

Hapon na ngayon at ilang minuto nalang ay pagabi na. Nagsisimula na rin dumilim ang kalangitan na mas ikinatuwa ko naman. Mas gusto ko kase talaga ang gabi kesa sa umaga.

Pero eto na nga, kasalukuyan na kong nakasakay sa taxi papunta sa bahay namin. Kaso wala atang balak makisama sakin ang lugar na to sa sobrang traffic. Kung anu-ano na nga ata nakutingting ko sa phone ko wag lang mabored. 

Habang patuloy ako sa pagso-scroll sa Instagram ay may biglang tumawag sakin. Tiningnan ko yung caller's ID at nakita ko pangalan ng kuya ko. 

Ano naman kayang pasabog neto?

Agad kong tinanggap yung tawag nya. HIndi ako nagsalita at hinintay ko nalang na sya yung bumungad sakin.

"Asan ka na? Hanap ka na ni dad."Pormal na tanong nito, wala manlang bakas ng saya sa tono ng boses nya. "Wag mo nang hintayin na magalit pa sayo yon."

"Pano kung ayokong umuwi?"Tanong ko nang pabiro, pero sa totoo lang, nagdadalawang-isip na talaga ko.

"Tss... The typical pasaway na Kim Taehyung."Sabi nito na bakas naman ang pagka-asar.

"Oh, edi ikaw na masunurin na anak, Kim Jongin."Sagot ko pabalik. Napabuntong-hininga sa pagka-asar si kuya at di na ko nagtataka. "G na g ka na naman dyan. Wag kang mag-alala pauwi na ko, kuya ha? Iready mo na pasensya mo."

Hindi ko na sya hinintay na sumagot pa at binabaan ko na sya ng tawag. Lagi naman mainit ulo non sakin, kulang na nga lang lagyan ng mantika yon tapos pwede nang pagpritusan eh. Kala mo naman binagsakan sya ng langit at lupa.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na rin ako sa bahay namin. Agad na bumungad sakin ang mga katulong sa bahay at lahat sila ay nagbigay galang. Nginitian ko sila at kinawayan pa yung iba.

Kim Taehyung po, number 1 sa puso mo.

Nang makarating ako sa office ni dad ay saktong nandon din si kuya. Bumaling ang atensyon nila sakin pero wala manlang bahid ng excitement yung mga mukha nila. Muka pa ngang pang-undas tingin nila sakin.

"Wow, wala manlang reaction dyan? Andito na ko oh, wala bang paparty manlang?"Bungad ko at sinamaan agad ako ng tingin ni kuya.

Kingina, ano ba problema nito sakin? Pinaglihi ba to sa sama ng loob?!

"Formalities, Kim Taehyung."Stern ang tono ng pagkaksambit non ni kuya kaya ngumiwi nalang ako bago umupo sa katapat na sofa. Komportable lang akong naka-upo dito pero hindi pa rin talaga nawawala yung sama ng tingin sakin ni kuya.

Ano ba trip neto sa buhay?

"Hindi ko na to patatagalin para makapunta ka na sa kwarto mo,"Sambit ni dad kaya sa kanya ko nalang binaling atensyon ko. "Starting tomorrow, you're going on training sa company natin. Para ka na ring magta-trabaho."

Napakunot ang noo ko at umiling ako sa kanya. "Dad, alam mo namang wala akong hilig dyan sa business na yan--"

"Then what do you wanna do?"Putol ni dad sakin. "Magparty nang walang umay? Magwaldas nang magwaldas? Kim Taehyung, you're a business man's son, for goddamn's sake!"

Nang sinabi yon ni dad ay kita ko ang galit sa kanya. Nanatili akong kalmado dahil ayokong palakihin pa yung gulo pero gusto kong masabi yung side ko.

"Dad, ganyan lang ba talaga tingin mo sakin?"Sabi ko at nagbigay ng humorless laugh. "Sabagay, you never really took any interest in me anyway."

"Kim Taehyung."Bakas na talaga ang inis sa boses ni dad kahit na pinipilit nyang maging kalmado. "Go do that job training... Kung ayaw mong ibalik na naman kita sa States."

This time, hindi na ko pumalag. Napabuntong-hininga nalang ako at pinilit na ngumiti. Ayokong ipakitang apektado ako, hanggat kaya ko idadaan ko nalang lahat sa pagpapanggap.

"Fine, just make sure na may sweldo ako ah?"Biro ko at kumunot ang noo sakin ni kuya.

Agad akong tumayo sa pagkaka-upo ko at kinuha yung mga bagahe ko. Umalis na ko ng office ni dad at tinanong sa mga tauhan nya kung saan ang magiging kwarto ko. Dumeretso naman ako don para ilagay don yung mga gamit ko pero agad din akong umalis ng bahay.

I rode at taxi to a bar at once na makarating ako ron, nag-order agad ako ng beer at nagsimulang uminom. Katulad ng sinabi ni dad kanina, walang umay akong nagparty. I mean, why not? Starting tomorrow masasakal na naman ako sa pamamalakad ni dad kaya susulitin ko na tong gabing to.

Lahat naman sila akala wala akong pakielam sa buhay. Akala nila lagi lang akong masaya kasi ginagawa ko gusto ko pero don sila nagkakamali. Ginagamit ko yung attitude ko ng pagiging childish para pagtakpan yung totoo kong nararamdaman. They say I don't take things seriously pero deep inside, andon lahat ng sakit.

Matapos ang ilang oras ng pag-iinom at pagpa-party, nakaramdam na ko ng pagkalasing. Bumibigat na yung pakiramdam ko at umiikot na yung paligid ko. Bago pa man ako tuluyang maknock-out dito ay nagbayad na ko at sinubukan na maglakad ng tuwid palabas.

"Pakeng sheEet~ bakit may hUmps dito sa loob?"Reklamo ko pero nagpatuloy pa rin ako palabas.

Nang makarating ako sa labas ay agad na sumalubong sakin ang natural na hangin. Sobra ang pagkaliyo ko at dahil don, bumibigat ang pakiramdam ng ulo ko. Mabuti nalang at may bench akong natagpuan, kaya agad akong umupo dom habang nakapikit nang mariin.

Habang nakapikit ako at pilit na inaalis yung sakit ng ulo ko, suddenly I saw a picture of a girl. It was only a spam of moment pero napamulat ako nang wala sa sarili at naramdaman nalang na sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

I don't know why pero kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ay ang pagsakit nito. It almost felt like a heartbreak, hindi ko na nga namalayan na may luhang pumatak mula sa mata ko.

Ano ba tong nararamdaman ko?

Nostalgic? Deja vu?

I don't know...

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now