Chapter Twenty-two

167 11 1
                                    

"LEAVE, please lang."

"I waited almost an hour for you, then you're just gonna ask me to leave?"Tanong nya na parang may sarkastikong tono.

"Ano bang kelangan mo?"Tanong ko at napasuklay sa buhok ko.

"My mom told me to tell you na our wedding will take place as soon as possible."Walang paligoy-ligoy na sagot nya, dahilan para mapakunot ang noo ko at bahagyang napa-awang ang labi sa inis.

"The hell?! Without even considering my decision?"Galit na tanong ko kahit na pilit kong kinakalma yung sarili ko.

"You're mom and dad already agreed to this, Jennie."

"Who cares?! They're not me and in the first place, I didn't want this stupid engagement to happen!"Inis na sagot ko at mahigpit na nakakuyom ang kamao ko.

"It's decided by our parents, what's more to complain about?"

"Tangina, ano? Aakto ka na lang na parang alagang aso na susunod-sunod sa amo, ha?! Wala ka bang sariling pag-iisip?! You're a fucking grown up man, for fuck's sake!"

I tried to contain my feelings kahit na punong-puno na ko ng galit, inis at kung ano-ano pa. Mukhang kalmado pa si Jongin at parang may ibabato na namang dahilan kaya inunahan ko na sya.

"What about Krystal?"Deretsong tanong ko.

Biglang nag-iba ang aura ng mukha nya. Parang lumambot yung tingin nya. It was almost like it was a trigger for him, ni hindi nga sya makapagsalita at biglang natigilan. I guess iba pa rin ang epekto nya kay Jongin.

"Ex mo sya diba? I heard you both loved each other so much, bakit hindi sya ang pakasalan mo, imbis na mag-tiis ka sa tanginang engagement na to?"Sabi ko habang humihiling na sana ay gumanang dahilan ng kahinaan nya.

"Let's not talk about that. It's not important."Sagot nya at umiwas ng tingin sakin, kagaya ng pag-iwas nya sa topic na yon.

"Talaga?"Tanong ko, unti-unting ngumingisi. "Kahit sabihin kong she's pregnant with your child?"









Kim Taehyung's POV

"YIE tarantado, type mo si Jennie, noh?"

"Ewtz. Kala ko ba ako lang? Kala ko ba Taekook lang malakas?"

"Mga gago kayo, tigilan nyo ko bago ko kayo pababain dito sa kotse ko."Sabi ko dahilan para mapanguso si Jimin na nasa backseat habang si Jungkook na nasa shotgun seat katabi ko ay napangiwi at kinuha na lang yung phone nya para magpatugtog.

Kasalukuyan kaming papunta sa magkakahiwalay naming trabaho. Dito sila mga nakasakay ngayon dahil wala yung mga sasakyan nila. Unang bumaba si Jimin dahil sa place nya yung pinakamalapit kaya naiwan kami ni Jungkook.

"Tol, eto seryosong tanong,"Biglang panimula ni Jungkook kaya tinaasan ko sya ng kilay. "May gusto ka kay Jennie noh?"

Ngalay-ngalay kong mapatapak sa preno pero dahil nasa tamang katinuan pa naman ako, nagdire-diretso lang ako kahit na parang bigla kong nagulat dun sa tanong ni Jungkook.

Napabungtong hininga ko. Wala namang masama kung magsasabi ako ng totoo diba? Ano pa't matalik kong kaibigan tong si Jungkook.

"Hindi naman siguro gusto.. siguro gusto ko lang syang kaibiganin dahil pakiramdam ko pareho kami ng sitwasyon."Sagot ko kahit na ako mismo ay hindi sigurado sa nararamdaman ko.

"Ayokong pangunahan ka, ah? Pero may nagawa kang bagay na sa kanya mo lang nagawa, hindi ba weird na sa tingin mo hindi mo sya gusto?"

"Katulad ng ano?"

"Pre, magkakaibigan na tayong tatlo simula bata pa lang tayo at ngayon ka lang nakipagkaibigan sa babae, alam mo yan."Sagot ni Jungkook at hindi ko maiwasang mapa-isip.

"For a change?"Pagrarason ko.

"Pwede pero may hindi ka matatago samin, pre,"Sabi nya, dahilan para mapakunot ang noo ko ngunit nasa daan pa rin ang tingin. "Iba yung pagtingin mo kay Jennie, nakikita namin yon. Yung tingin na parang kahit gaano kadami pa yung taong nasa paligid mo, nasa kanya pa rin yung paningin mo."

Paano? Paano kung magkaron nga ako ng nararamdaman para sa kanya kung sa mismong kuya ko sya ipinipilit ipakasal?

Hindi ko magawang sumagot. Kita ko mula sa salamin ang bahagyang pagngiti ni Jungkook.

"Mukhang nahanap mo na yung kokompleto sayo."

Iyon ang huli nyang sinabi bago ko sya ibinaba sa company nya. Kumaway pa sya bago saraduhan yung pinto ng kotse at ganon din ako sa kanya. Nagsimula na ulit akong magdrive at puno pa rin ng mga salitang sinabi ni Jungkook kanina ang laman ng isip ko, ni hindi ko na nga namalayang nakarating na pala ko sa kompanya.

Agad akong nagpark sa parking area at agad na naglakad. Akmang papasok na ko sa entrance nang may nakabungguan akong medyo matanda na babae na may hawak na box, dahilan para malaglag ito at matapon ang laman.

"Hala, sorry po, ma'am! Ayos ka lang po ba?"Nag-aalalang tanong ko habang pinupulot sa sahig yung mga papel bago pa ito liparin.

"Ay, nako, hijo. Ayos lang ako,"Sagot nito at saktong inabot ko na sa kanya habang may bahagyang ngiti. "Salamat!"

Sumagot ako nang walang anuman at tumalikod na ko dahil kaunti na lang ay malelate na ko. Ayoko namang mabungangaan ng kuya kong magaling, baka masuntok ko na naman yon kapag hindi ako nakapagpigil. Akmang papasok na ko sa malaking entrance nang marinig ko ang boses ng matanda, agad naman akong lumingon.

"Muli na naman kayong nagtagpo kahit na ipinagbabawal ng tadhana, mag-iingat kayo."




_______

a/n: sorry sa late update, siningit ko lang tong i-update kase baka mag-brownout dito. n e wayz, stay safe sa bagyooo! :((

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now