Chapter Thirty-six

126 5 6
                                    

TW / death, angst, once again read at your own risk.


NAPAKADAYA ng mundo. Kung kailan nahanap ko na ang tahanan ko... Kung kailan nahanap ko na 'yung rason para mabuhay... Saka naman muling ipapaalala sa'kin ng mundo na nasa reyalidad ako. Nasa masakit at madilim ako na reyalidad.

"Tae... sabi ko naman sa'yo unahin mo 'yung trabaho mo, 'di ba?" She softly complained as her voice sounded hoarse and kind of weak.

"No, dito lang ako sa tabi mo," Pagmamatigas ko.

Nang sabihin n'ya sa'kin kanina na bumitaw na 'ko, parang pinagsakluban ako ng buong kalawakan. Nagmakaawa ako na huwag n'yang sabihin 'yon kasi alam n'ya na hindi ko kakayaning gawin 'yon. Ipinaliwanag din sa'kin ang lagay n'ya at hindi ko mapigilan na sisihin ang sarili ko dahil hindi ko manlang napansin na nahihirapan s'ya... Na may iniinda s'ya.

Lumipas ang maraming minuto na umaagos ang luha ko at luha n'ya. Kahit wala ng salitang lumalabas mula sa labi naming dalawa, parang ang sakit sakit pa rin. Looking at her at this state was something worse than a nightmare. 

Nawala na sa'kin ang nanay ko, pati ang tatay ko, s'ya na lang ang mayroon ako pero bakit naman ganito?

I went out for awhile kanina. Sinubukan kong ikalma ang sarili ko at pinipilit na patigilan ang mga luha ko. Sinabi rin sa'kin ni Jennie na unahin ko ang mga kailangan kong unahin pero paano? She is all that comes into my mind.

Kagaya ng sinabi ko, hindi ako umalis sa tabi n'ya. Dito na rin ako kumain sa ospital para sabayan s'ya at dito ko na rin piniling matulog. Jennie was against my ideas as I expected. S'yempre, she was asking me to let her go kanina but that was never in my options. I'll stay, I'll hope kahit na alam kong baka mabigo ako.

"Tae, hindi ka talaga uuwi?" Tanong n'ya. Nandito ako sa upuan katabi n'ya habang hindi bumibitaw sa kamay n'ya.

Umiling ako, "Hindi. Dito lang ako sa tabi mo. Kaya kahit matulog ka, gigising ka pa rin na nandito ako... Ayaw mo man o hindi."

She heaved a sigh. "Let's go?"

"Saan? Kailangan mo na magpahinga, anong oras na," Nakakunot ang noong tanong ko, nag-aalala.

"I've been stuck in this bed for who knows how long, hayaan mo na ko, please?"

"Jen, pero kasi... may sakit ka, eh."

"The skies are pretty today, may mga tala at buwan. Let's stargaze tonight and watch the sunrise, please?" She pleaded. "Last na 'to, hmm?"

Sa hindi malamang dahilan, parang sakit marinig sa'kin mula sa kanya yung mga salitang "last na 'to."

"Fine," Pagpayag ko. "Pero why would you say na last? We can stargaze and wait for the sunrise as many times as you like, okay?"

Hindi s'ya sumagot pero isang ngiti ang isinukli n'ya sa'kin. Still the most beautiful smile I could ever lay my eyes on. 

Tumungo kami sa rooftop ng ospital, sudlong ko ang dextrose na nakakabit sa likod ng palad ni Jennie. Suot n'ya ang jacket ko dahil gabi na at sigurado akong malamig na. Nang makarating kami roon ay hindi ako nagkamali dahil bumungad sa'min ang malamig na simoy ng hangin.

Umupo kami sa bench na naroon at napabuntong-hininga sa maganda langit na tanaw namin. Kitang-kita nga namin ang mga tala at ang buwan ngayon. The skies are clear, it was the perfect timing to admire them. Despite that, my eyes were set not to the stars and the moon up at the skies, but to someone who's drawn looking at those.

She had this faint smile, her eyes are holding the whole universe, and she was shining brighter than any star could. She's mesmerized with the skies but I was with the beauty she holds. Inside and out.

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now