Chapter Eight

177 8 0
                                    

"A-ANONG balak mo?"Nag-aalinlangang tanong ni kuya sakin.

Napatungo ako at hindi mapigilang mapabuntong hininga. Kahit ako kasi hindi ko alam ang gagawin ko. Pakiramdam ko wala na namang patutunguhan tong buhay ko.

"Baka magtrabaho lang ako katulad nang dati hanggang sa... mawala na ko,"Sagot ko at tiningnan ako ni kuya na parang naiinis.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan! H-hindi ako natutuwa,"Sabi nya at ngumiti ako kahit puno ako ng lungkot.

"Bakit? Totoo naman diba?"Tanong ko. Umiwas sakin ng tingin si kuya at sumaltak."Kuya.. kapag dumating na yung araw, sana ikaw magpalakad ng kompanya ko ha? Bilin ko sayo yon."

"Sabing wag kang magsalita ng ganyan. Hindi ka aalis. Hindi pwede..."

Napawi yung pilit kong ngiti nung tumulo ang luha ni kuya. Para kong sinaksak sa puso. Nasasaktan akong nakikita yung kuya kong umiiyak.

Napakagat ako sa ibabang labi ko at umiwas din ng tingin. Alam kong once na magsalita ako, hindi ko na mapipigilang umiyak sa harapan nya. Ayokong makita nya rin akong mahina.

Walang ibang maririnig kundi ang tunog ng machine at mahinang paghikbi ni kuya. Ilang minuto rin kaming nanatiling ganon pero natapos ang katahimikan nung napagdesisyunan kong magsalita.

"Sinabi mo ba kina mom at dad?"Tanong ko. Pinunas ni kuya yung mga luha nya at binaling sakin ang atensyon.

"Hindi pa. Hindi pa ko nakaka-uwi kaya--"

"Wag mo nang ipaalam sa kanila."Sabi ko, dahilan para magsalubong ang kilay ni kuya. "Ayokong malaman nilang may sakit ako."

"Bakit? Ano, balak mo nalang ilihim sa kanila hanggang sa..."Hindi magawang ituloy ni kuya yung mga salita nya.

Mahirap tanggapin pero may magagawa pa ba ko? Kahit hindi ko tanggapin, alam kong darating pa rin yung araw na mangyayari yon. Walang mababago kahit ano pang pananaw ko.

"Hanggat pwede, ayokong makarating sa kanila."

"Jennie, alam kong galit ka kina Dad. Ako rin naman eh pero ibang usapan na to,"Pangungumbinsi ni kuya.

"Wala naman silang pakielam sakin diba?"Tanong ko at ngumiti nang mapait sa kanya.

"Jennie..."

"Kahit magkasakit ako. Kahit makita nila kong naghihirap, wala silang gagawin. Bakit? Kasi alam kong kahit kelan, hindi nila ko tinuring na anak..."





LUMIPAS ang araw na nanatili ako rito sa ospital. Walang ibang nakaka-alam nito bukod kay kuya at sa secretary ko. Wala rin naman kasi akong balak ipaalam sa iba dahil ayokong makakuha sila ng kahinaan ko na gagamitin nilang panlaban sakin.

Madalas akong binibisita dito ni kuya. Dito ko na rin naisipan ituloy yung trabaho ko. Kesa naman mabagot ako dito at malunod sa kung anong isipin, ibubuhos ko nalang yung lakas ko sa trabaho.

Wala naman kasi akong ibang pwedeng pagbalingan ng atensyon. Parang umiikot nalang yung mundo ko sa trabaho. Kapag usapang relasyon ay wala akong masagot. Hindi pumasok sa utak ko ang magkaron ng boyfriend. Siguro dahil sa taas ng expectations sakin ng iba, wala na kong personal life.

Habang abala sa pag-aasikaso ng papeles ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad akong napabaling sa direksyon non at bumungad sakin si kuya. May bahagyang ngiti sya sa muka at may dala pang paper bag.

"Tsk, busy ka na naman dyan,"Parang dismayadong usal ni kuya. Lumapit sya sa sakin kaya inayos ko muna yung mga papel bago ipatong sa side table.

"Ano yan?"Tanong ko, nakaturo sa dala nyang paper bag.

"Pagkain,"Sagot nya.

Pinatong nya yung paper bag sa maliit na table na nakapatong sa harapan ko. Halos magdasal na ko sa lahat ng santo, baka sakaling masarap yung pagkain na dala ngayon ni kuya. Agad kong kinuha yung laman ng paper bag at bumungad sakin ang lunchbox.

Kahit anong ulam basta sana naman may kanin na!

Pagbukas ko ng takip ay bumagsak ang balikat ko at napangiwing tumingin kay kuya. Kumibit balikat si kuya at nginitian pa ko.

"Seryoso ba, kuya?"Tanong ko at ngumiti ng sarkastiko.

"Anong problema?"Tanong nya pabalik. Gusto ko tuloy ipukpok sa ulo nya yung lunchbox.

"Anong tingin mo sakin? Kambing ha?! Bakit puro dahon na naman to?! Pucha nahiya ka pa eh, sana nagdala ka na rin ng palay at damo!"

"Ay, oo nga. Bakit di ko naisip yan?"

Talagang nagawa pa kong asarin ha?

Akmang ipupukpok ko na sa kanya yung kutsara pero umiwas ang ungas at tumawa nang tumawa.

"Tss, di ko kakainin to."

"Aba, hoy, tanga ka ba?"Reklamo nya pero nginiwian ko sya. "Gusto mo ban dumating ka na sa puntong tatlong ubo ka nalang tapos mangangalas ka na, ha?"

Umirap ako kay kuya. "Nakakasawa na kasi! Lagi nalang salad dala mo. May sakit lang ako pero may panlasa pa rin ako!"

Napabuntong hininga si kuya. Yung itsura nya hindi ko alam kung gusto nyang sapukin yung sarili nya o ako yung gusto nyang sapukin eh.

Ilang beses pa nya kong pinilit na pakainin nung dala nyang salad pero nagmatigas ako. Wala akong balak maging kambing.

"Dali na kasi, kuya! Kahit chicken lang oh, maawa ka na,"Pamimilit ko sa kanya. Hinigit-higit ko pa sya sa braso nya.

Pag eto di pumayag, yung braso nya kakagatin ko.

"Sabi ng doctor, kelangan mo ng healthy na diet para sa katawan mo noh!"

"Wala namang sinabing pakainin mo ko araw-araw ng dahon, hoy!"

Napabuntong hininga na naman si kuya at inalis yung pagkakahawak ko sa braso nya. Bigla syang tumayo kaya naguluhan ako. Dinala rin nya yung wallet nya.

"Saan ka papunta?"Tanong ko sa kanya. Umaasa pa rin ako na baka sakaling pagbibigyan ako ni kuya hihi.

"Bibiling palay at ipapalamon sayo,"

"Eto ka, kuya oh,"Sabi ko at nakangiting pinakyuhan sya. Syempre kelangan magalang pa rin tayo.

"Bibili akong chicken mo, tss."

Nanlaki ang mga mata ko at parang nabuhayan ng dugo. Lumaki rin ang ngiti ko sa labi at gusto ko sanang tumakbo kay kuya pero naalala kong may nakakabit sa likod ng palad ko.

"Yie, labyu, kuya!"Sabi ko at binigyan pa sya ng isang katutak na finger heart.

Umirap lang si kuya at agad rin umalis ng kwarto. Naiwan na naman akong mag-isa pero hindi katulad nung mga nakaraang araw, mas magaan yung pakiramdam ko. Siguro kasi mas masaya yung usapan namin ni kuya.

Panandalian kong nakalimutan na may sakit ako. Sa simpleng bagay na ganon, nagiging maayos yung pakiramdam ko.

Kung sana lang araw-araw kong kasama yung taong pinahahalagahan ako...

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now