Chapter Thirty-three

76 6 0
                                    

THE next day, nagising ako nang maaga pero laking gulat ko no'ng mas maagang nagising sakin si Taehyung para makapaghanda raw s'ya ng breakfast namin.

"Kamusta? Anong lasa?" Tanong n'ya, kita ang anticipation sa isasagot ko.

Umarte akong neutral lang ang muka. "Lasang... hmm... pa'no 'ko ba sasabihin 'to?" Pang-aasar ko. His facial expressions changed, parang medyo nadismaya at nalulungkot.

"Nevermind. 'Wag mo na 'yan kainin at pumunta na lang tayo sa resto dito sa resort─" He was about to stand up pero mabilis ko s'yang hinawakan sa may pulsuhan n'ya. Bahagya akong natatawa kaya nagtataka s'yang tumingin sa'kin.

"Hoy, gagi joke lang. Masarap kaya!" Bawi ko sa pang-aasar kanina.

"'Di mo naman kelangan magsinungaling," Sabi n'ya na parang bata. Lalo akong natawa kasi ang cute pero na-guilty ako kasi alam ko kung gaano s'ya nag-effort na magluto, and his efforts were not wasted kasi no joke, aakalain kong ordered yung pagkain sa sarap kung hindi n'ya sasabihing s'ya yung nagluto.

"Oy, joke lang yung kanina. Binibiro lang kita kasi no joke, masarap luto mo. Hindi ko nga aakalain na baguhan ka eh!"

"Talaga?" He asked at tumango ako.

"Promise. Oh, tikman mo mismo," Sabi ko at itinapat ang kutsara na may pagkain sa harap ng bibig n'ya.

He opened his mouth and ate. Ngumuya-nguya s'ya at ako naman 'tong ngingiti-ngiting nakatingin sa kaniya kasi I really wanna let him know na I appreciate him so much.

"Hala gagi... ako ba nagluto talaga nito?" Parang gulat pang tanong n'ya kaya lalo akong napatawa.

"Umupo ka na, sabay na tayo kumain," Sabi ko at tumango s'ya.

Nagsimula kaming sabay kumain at habang kumakain ako ay ramdam ko ang tingin nya sakin. May panis na laway bang naiwan sa may pisngi ko? May muta pa ba? Gago hala.

Bumaling ako nang tingin sa kanya at nagtama ang tingin namin sa isa't isa. Akala ko ay iiwas s'ya ng tingin pero imbis na 'yon ang gawin n'ya ay parang wala talaga s'yang balak na gawin 'yon.

"May... muta pa ba ko?" Nahihiyang tanong ko kase naman, yung mga tingin n'ya sakin.

"Wala," He simply replied.

"Eh, bakit ganyan tingin mo?"

"Ang ganda mo."

Parang hinugot yung hininga ko sa sinabi n'ya. My cheeks and ears don't really show a tint of red or blushing pero alam kong nag-init ang muka ko. Kasabay ng mga 'to ang parang pagkatunaw ng puso ko.

"G-gagi..." Sabi ko at ibinaling na lang ang atensyon ko sa pagkain kahit sa kaloob-looban ko gustong-gusto kong ngumiti nang malapad.

I heard him laugh before he started eating habang ako ay pigil na pigil ang ngiti dahil baka magmuka akong tanga dito.

Jennie, ano yon?! Sinabihan ka lang na maganda! Grabe, di naman ako ganito dati. Kung noon 'to baka wala akong pakielam pero si Taehyung... he just feels... different from anyone. Different but familiar.

"Are you good with water activities? Hindi ka ba nagkakaron ng seasickness?" He asked while munching his food.

"Hindi naman, bakit?" I asked. He showed me his bright smile before speaking.

"Water activities tayo mamaya? Jet ski gan'on, you up?"

I gotta be honest, I'm never really a fan of water activities. I hate to move a lot, siguro nasanay na 'kong hindi masyadong active sa mga ganito since noon pa lang naman marami ng restrictions sa'kin. Thanks to this congenital heart disease.

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now