Chapter Twenty-three

171 6 1
                                    

"HOW is our plan going?"

Narinig ko ang boses ng step-mom ko sa loob ng opisina ni kuya. Medyo may siwang ang pinto pero nanatili ako sa pwesto ko. Hindi ko rin alam kung bakit pero pakiramdam ko ay  dapat kong pakinggan yung pinag-uusapan nila.

"It's going as planned kaso..."Rinig kong sagot ni kuya pero parang hindi nya magawang ituloy. "Nevermind. Everything's going well. How's dad?"

"Don't worry, everything's going as planned too..."

Agad na nagsalubong ang kilay ko. Plano? Anong klaseng plano? Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin pero mas nangibabaw sakin ang pagkalunod sa sarili kong iniisip, dahilan para magulat ako sa biglang pagbukas ng pinto.

Bahagya pa kong napa-atras bago napagtanto na step-mom ko pala yon. Binigyan ko sya ng isang tipid na pagbow ngunit tinaadsan lang ako nito ng kilay na tila ba ay hindi nya gustong makita ako.

"Anong ginagawa mo rito?"

"May ibibigay lang akong mga papeles kay kuya,"Tugon ko at bahagyang itinaas ang kamay kong may hawak na files. She didn't looked convinced pero wala rin syang choice at tinalikuran na ako.

Napabuntong-hininga ako at saka kumatok sa pinto ni kuya kahit na bukas ito. Agad na napabaling sakin ang tingin ni kuya. Umagang-umaga ay ramdam na ramdam kong ayaw nya kong makita. Ako rin naman, kung hindi ko lang talaga kelangan ibigay tong mga papeles noh.

"What do you want?"

"Iaabot ko lang to,"Simpleng sagot ko at inilahad ang mga papeles. Ayoko nang makipag-away pa. Baka ako na naman sisihin neto, mahirap na.

Lumapit lang ako sa kanya na kasalukuyang naka-upo sa swivel chair nya at saka ko ipinatong sa ibabaw ng desk nya. Tumalikod na ko at akmang maglalakad paalis nang bigla syang magsalita, dahilan para mapukaw sa kanya ang atensyon ko.

"Balita ko kasama mo raw kahapon si Jennie?"Tanong nya.

Hindi ko alam pero sa pagbanggit nya sa pangalan ni Jennie, pakiramdam ko kelangan kong makinig. Agad akong napaharap sa kanya at bumungad sakin ang hindi nya magandang tingin. Nakasandal sya at nakapatong ang dalawang siko sa tigkabilang arm ng upuan habang magkahawak ang kamay.

"Oh, ano ngayon?"

He suddenly let out a humorless laugh at sinamaan pa rin ako ng tingin.

"Are you stupid, Kim Taehyung?"

"Hindi,"Agad kong sagot at bumulong. "Ewan ko lang ikaw..."

I mean, what's wrong kung kasama ko si Jennie? Sa totoo lang, hindi lang din naman kaming dalawa lang ang magkasama dahil nandon din sina Jungkook at Jimin. At isa pa, territorial? Bakit may sila ba? Oo, engaged sila pero alam naman naming lahat na kahit kapiranggot ay walang interes sa kanya si Jennie. So, anong pinaglalaban nya?

Gusto kong sabihin sa kanya lahat ng yon pero pinili kong manahimik na lang at ipinasok ang dalawa kong kamay sa tigkabilang bulsa.

"I'm warning you, Kim Taehyung. Do whatever the fuck that you want but stay out of my business. Don't you ever mess with what I'm doing,"Parang nagpipigil ng galit na babala nya sakin.

"Your business doesn't include making decisions for other people. Don't force someone who doesn't give a shit about you just because you need them for your own goddamn bullshit."





Jungkook
TOL, kain tayong tatlo
mamaya after work
sa labas?

Me
Libre mo ba?

Jungkook
Tangina.

Sino ba dito yung dapat
manglibre kasi kauuwi lang
ha? di ba dapat ikaw?

Buraot amp. yaman na
yaman.

Me
Waw bossing, obligasyon
ko bang palamunin ka
ha?

Asawa ba kitang piste ka?

Jungkook
Soon pa lang ata yie <3

Charot, si Jennie nga pala
type mo.

Me
Kwento mo sa tinapay.

Palibre ka sa sugar
mommy mo <3

Jungkook
HOY GAGO KA WALA
KO NON YAWA KA

Basta tol mamaya ha? Yie
mwaps <3

Hindi na ko nagreply at napangiwi na lang sa kagaguhan ni Jungkook. Sanay na sanay na ko tutal pareho lang din naman kaming naggagaguhan madalas. Ayon, kwitz lang.

Ibinulsa ko na ang phone ko at saka pumasok sa kwarto ng dad ko dito sa hospital. Sakto naman na nandito rin yung doctor, mukhang kachecheck-up din lang kay dad.

"Good afternoon po, doc. How's my dad?"Tanong ko habang nakatingin sa tatay kong kasalukuyang pikit ang mga mata habang mayroon pa ring oxygen na nakakabit sa kanya. Bahagya pang napa-iling ang doctor bago magsalita, dahilan para mapakunot ang noo ko.

"He's getting the right treatment at tinuturok na rin namin sa kanya yung mga gamot, expected na dapat ngayon he's recovering well na but ipinagtataka na rin namin ngayon na parang walang progress,"Sagot nya. Hindi ko maitatanggi na bigla akong na bahala. "As you can see, nagkakamalay na sya pero other than that, wala na. Which is very alarming. So, sa ngayon, we're trying to check him up daily at hanggat maaari, dagdagan namin yung gamot na ituturok sa kanya."

Tumango lang ako sa kanya at nagpaalam naman ang doctor na mauuna na. Napabuntong-hininga ako habang nakatingin kay dad. Aaminin ko, hindi maganda ang relasyon namin pero tatay ko pa rin sya. Nag-aalala pa rin ako.

Nilabas ko ulit ang phone ko para tawagan yung secretary ni dad dahil may mga bagay sana akong itatanong pero napasaltak ako nang makitang walang signal dito sa loob. Agad akong lumabas ng kwarto. Hindi na naman ako nag-alinlangan dahil may dalawang bodyguard naman na nakabantay sa labas ng kwarto ni dad.

Naglakad lang ako nang naglakad para makahanap ng maayos na signal na hindi ko na namalayang nakarating na ko sa may fire exit. Akmang pipihitin ko na ito pero napatigil ako nang marinig ang isang di pamilyar na boses mula sa likod ko.

"Yes po, sir Kim. Dala ko na po yung mga ituturok."

Agad akong napalingon at nakita ang isang babaeng nakasuot ng pang-nurse at may hawak na maliit na bote at panturok. Nasa hindi sya kalayuan at hindi lumilinga kaya siguro hindi nya pansin ang presensya ko.

Sa kanya napatuon ang buong atensyon ko habang ang puso ay tila sasabog na sa bilis ng pagtibok.

"Wala naman po atang bisita si mr. Kim ngayon, madali ko po itong maiilusot."

Iyon ang mga huling salita nya bago ibaba ang tawag. Hindi ko alam pero masama ang kutob ko pero wala naman akong basehan. Maraming Kim dito sa hospital, sigurado ako.

Tsaka hindi naman yon magagawa ni kuya diba? Sana nga...




_________

a/n: napapadalas late updates ko sksks huhu bawi ako sa susunod ang dami kong schoolworks kaiyaq :'))

n E WAYZ, STAN ENHYPEN MGA BHIE 4 KLIR IZKIN!! BASTA AKEN JAKEHOON TABE :DD

STREAM GIVEN-TAKEN TSAKA YUNG BUONG ALBUM!! ANG HINDI MAG-STREAM MAGIGING SISIW SA BALOT PAGGISING😇💛

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now