Chapter Thirteen

159 8 2
                                    

"HINDI ka talaga tatawag? Kahit text? Bakit kinuha mo pa number ko? Display?"

I kept on ranting habang nakatitig sa phone ko. Ilang oras na kong hindi mapakali kahit halos 10 na ng gabi.

"Teka nga, ano bang pakielam ko kung di sya tumawag? Wala diba? Wala,"Sabi ko sa sarili ko at pinipilit na tantanan na yung phone ko. "Hayst, bwisit na yan!"

Inis akong tumayo mula sa kama ko at piniling mag-shower nalang. Hindi rin ako nagtagal at agad na nagsuot ng pajamas. Nagtuyo ako ng buhok ko at uminom na rin ng gamot ko.

Pinatay ko na yung ilaw para pilitin yung sarili kong matulog pero wala pa atang isang minuto ay napabalikwas na ko sa higaan ko at kinuha ulit yung phone ko. Halos ibato ko naman yon nung wala pa rin akong makitang message o tawag mula sa kanya.

"Ha, natatanga na ba talaga ko?"Hindi makapaniwalang tnong ko sa sarili ko at sinapok yung ulo ko, baka sakaling matauhan ako.

Sinapian ba ko at kanina pa hindi tinatantanan nyan yung isip ko?!

"Wala akong pake sa Taehyung na yan, wala! Wala- ay santisima, sumalangit nawa!"

Halos mamatay na ata ako sa gulat nung biglang may tumawag sa phone ko. Pasalamat nalang ako at hindi pa ko ganon katanga para ihagis yun.

Tumikhim muna ko bago sagutin yung tawag. Medyo nag-aalinlangan pa ko dahil unknown number yon. Baka mamaya spam lang o kaya death threat yan. Pwede ring tawag ng demonyo.

"Hello, who's this?"

["Future mo,"]

My brows immediately furrowed, tiningnan ko kung sino yon pero unknown number nga pala.

"Kamatayan?"

["Gago, anong kamatayan? Si Taehyung to!"]

Nanlaki bigla ang mga mata ko at hindi ako mapakali. Parang may biglang kung ano akong naramdaman sa tiyan ko. Hindi naman ako natatae.

"Bakit natapatawag ang kapatid ng demonyo?"

["Baka kasi naghihintay ka, mahal na prinsesa,"]

Napataas ang isang kilay ko at napangiwi. Nakahithit ba to? O sadyang lakas tama lang?

"Prinsesa? Corny mo, boy,"

["May kamuka ka naman kasi talagang princess,"]

Hindi ako umimik at hinintay nalang yung kasunod nyang sasabihin. Papatayin ko talaga tong tawag kung pick-up line to.

["Si princess Fiona,"]Sabi nya at tumawa nang napakalakas habang nag-iinit naman ang ulo ko sa inis.

"Talaga? Kamuka mo si Shrek!"

["Yie, bakit? Kasi bagay tayo?"]

Sarkastiko akong tumawa sa kanya at tawang-tawa pa rin sya habang patuloy akong inaasar.

"Ibababa ko na to, wala kang kwentang kausap!"Reklamo ko at akmang ie-end call ko na pero tumutol sya.

["Teka, kalma!"]Sabi nya habang bahagya pang tumatawa.

"Ano ba kelangan mo ha?"Inis na tanong ko.

["Actually, hindi ko alam. Hindi ko rin alam kung bakit ako biglang tumawag,"]Sagot nya at kung pwede lang, nasapok ko na to, as in now na.

"Tanga ka pala eh,"

["Wow, tong tinatanga mo, nagsasayang ng load para sayo,"]

"Pake ko?"Mataray na tanong ko habang nakataas pa ang kilay.

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now