Chapter Twelve

156 8 0
                                    

"SUBUKAN mo, talagang babasagin ko yang muka mo."

Napa-tikhim si Taehyung at umiwas ng tingin mula sakin. Nabalot kami ng katahimikan pero nag-iiwasan kami ng tingin. Sa madaling salita, puta ang awkward.

"Wala na ata yung humahabol sayo,"Basag nya sa katahimikan habang dahan-dahang umaayos ng tayo para tingnan ang paligid. Nang makasigurado ay nag-thumbs up sya sakin.

Umti-unti rin akong sumilip at nang makitang wala ng tao sa paligid ay nakahinga ako nang maluwag. Umayos na rin ako ng upo at sumandal.

"Uhm... Thanks for the help, una na siguro ko,"Sabi ko, pilit kong sinusubukan na hindi magtunog awkward. Napabaling naman sya sakin.

"Marunong ka mag-drive?"Tanong nya at tinaasan ko sya ng kilay.

"Duh, anong tingin mo sakin? Bata?"Malditang tanong ko habang naka-taas ang kilay.

Go, pride taasan mo pa!

"Tinatanong ko lang, napaka mo,"Sagot nya at umirap ako sa kanya. "Sige na, layas ka na, madam."

Akmang bababa na ko ng kotse nya pero naalala kong wala nga pala sakin yung susi. Nasa driver ko yon at yung driver ko naman, umalis kasi sabi ko sasabay ako kina dad, which is dumb of me. Hindi ko rin naman matawagan si kuya kasi busy sya.

Worst, hindi ako marunong mag-drive! Hindi sa tanga ako with directions or ayaw ko pero hindi ko kaya. Iba yung feeling ko kapag susubukan kong mag-drive. Ang hirap i-explain nung feeling, basta ang weird!

"Joke lang..."Bulong ko, nag-sisisi dun sa pinagsasabi ko kanina. Napakunot ang noo nya sakin, nagtataka. "Hindi ako marunong mag-drive... Labag to sa loob ko pero.. can you drive me home?"

Aha... Ang sarap mag-bigti. Lecheng pride chicken to.

Agad syang napatawa na akala mo joke yung sinabi ko. Kung hindi lang sya cute talagang ihahampas ko sya sa bintana!

Cute? Ha? How you like that? Dejk.

Inis ko syang tinitigan habang nakakrus ang braso sa ibabaw ng dibdib ko. Napansin ko lang, ka-iba sya kanina. Pagpasok pa lang kasi nya ay hindi sya ngumingiti pero ngayong nakikita ko syang ganto, pakiramdam ko ay ayaw lang din nya sa loob kanina.

Nang tumigil na sya sa pagtawa ay pumayag na sya. Lumipat ako sa shotgun seat at sya naman ay bumalik na sa driver's seat. Pinatype na rin nya sa phone nya yung address para hindi sya maligaw.

Nang magsimula syang magdrive ay nabalot na kami ng katahimikan. Magiging sinungaling ako kung sasabihin kong hindi sya awkward. Busy sya sa pagda-drive at nasa harapan ang tingin samantalang ako ay hindi mapakaling nakatingin sa labas.

Suddenly, naramdaman ko na naman yung weird na feeling. Para syang deja vu na medyo parang nostalgia. Ang hirap i-distinguish pero parang katulad yon nung naramdaman ko kanina nung una kaming magkita.

Hindi ko na kayang pigilan bunganga ko. Hindi naman ako silent type na kayang manahimik. Lahat ng gusto kong sabihin, sasabihin ko.

"Have we met before?"

Yan yung tanong na kanina pa bumabagabag sa isip ko. He looks familiar, his presence even feels familiar pero I can't point a finger on it. Baka naman nakita ko na sya States? O talagang ilusyonada lang ako.

"Gusto ko nga ring itanong sayo yan,"Sabi nya at bahagyang tumawa pero hindi nawawala yung tingin nya sa harap. "Bukod sa ospital, nagkita na ba tayo bago non?"

"Sa ospital?"Nagtatakang tanong ko.

Sumulyap sya sakin bago bumalik ang tingin sa harapan. "Hindi mo tanda?"

"Magtatanong ba ko kung tanda ko?"

"Tss..."Napa-iling pa sya. "Yung time na inatake ka sa labas, ako nagsugod sayo."

Napataas ang dalawa kong kilay at napa-awang ang labi ko. Parang bigla ko nalang naalala yung buong nangyari. Mula dun sa pag-iiyak ko sa kalagitnaan ng gabi at bigla nyang pagsulpot, talagang pinagkamalan pa kong multo! Gagong to.

Matapos non ay nagtuloy-tuloy ang usapan namin. Nagpasalamat na ata ako sa lahat ng santong alam ko dahil hindi na kami naging awkward kahit papano sa isa't-isa. Kung hindi ko siguro nakita yung ganitong side nya, baka akalain ko talagang masungit sya dahil dun sa kanina.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa bahay ko dahil hindi rin naman ganon kalayo yon mula sa resto kanina. Bumaba na ko mula sa sasakyan nya pero humarap muna ko sa kanya bago isara yung pinto.

"Thank you sa paghahatid.. and sa tulong na rin. I'll pay you sometime,"Sabi ko habang bahagyang nakangiti.

Ngumiti rin sya sakin pabalik. "Walang problema, lods pero.. ngayon mo na ko bayaran."

Napakunot bigla ang noo ko. "Wala kong cash..?"

"Hindi ko kelangan ng 5-6."

"Then, ano? Laman loob ko, ha?"Napa-amba tuloy ako ng suntok sa kanya. Bigla nyang inabot sakin yung phone nya kaya lalong napakunot ang noo ko sa pagtataka. "May phone rin ako, tanga."

"Grabe sa tanga!"Reklamo nya at ngumuso pa. Napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko para pigilan yung sarili kong ngumiti.

"Penge digits, miss."

To My Last Life || TaennieOnde histórias criam vida. Descubra agora