Chapter Sixteen

144 5 2
                                    

"MAY I know who are you?"

Kasalukuyan kaming magkatapat na naka-upo sa couch dito sa office ko. Umalis na sina kuya kaya kaming dalawa nalang ang natitira. It wasn't awkward pero pakiramdam ko ay may tensyon sa hangin. She sipped on her cup of tea at pinatong sa table bago magsalita.

"Jung Krystal, heiress of Jung Group,"Pormal na pakilala nya, walang emosyon sa mukha.

Pamilyar sakin ang pangalan ng kompanyang nabanggit nya pero hindi sya pamilyar sakin. Sa tingin ko ay ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang pangalan nya.

"I think you already know me pero I'm Jennie Kim, CEO of JNK Company,"Pormal din na pakilala ko. "May I know you're reason of seeing me today?"

"I'm not gonna go and beat around the bush,"Sabi nya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko habang ganon din naman ako. "Break off the engagement with Jongin."

Matapos nyang bitawan ang mga salitang yon ay bahagyang napa-awang ang mga labi ko. Ngunit unti-unti rin itong napalitan ng pag-ngisi ko.

"My pleasure."Sagot ko. Nagsalubong ang kilay ni Krystal, halatang hindi inaasahan ang sagot ko.

"Is the engagement perhaps... an arranged one?"Bakas ang pag-aalinlangan sa tono ng boses nya habang tumango naman ako sa kanya.

"Since nagtanong ka sakin ng information, gusto rin kitang tanungin,"

"Sure, go on."

"Ex ka siguro ni Jongin, am I right?"Tanong ko at bigla syang napatikhim. Napabaling sya sa ibang direksyon bago bumalik ang tingin sakin at tumango. 

I knew it. Hindi naman sya susugod dito nang ganto nang basta-basta lang. Lalo lang akong nakahalata nung tungkol sa engagement yung binungad nya sakin.

"Alright, I already know what I needed to know."Sabi ko habang may bahagyang ngiti sa labi.

"So, you're gonna cancel the engagement, right?"

The small smile on my lips slowly faded when I realized something. 

"As much as I want to, I realized that my opinion doesn't matter to them. My parents only listens to money and power..."







Kim Taehyung's POV

BORED, walang magawa at nakatanga. Yan lang yung nangyayari ngayon sa buhay ko habang kasalukuyan akong nagbabantay dito sa ospital kay dad. Kagagaling ko lang sa office kaya dito na rin ako naglunch. Masyado pa rin namang maaga para bumalik sa trabaho.

Nagkaron na ng malay si dad pero dahil sa stroke na umatake sa kanya, hindi pa rin sya makagalaw o makapagsalita nang ayos. Nurse lang ang nagbabantay sa kanya tuwing wala kami nina kuya. Bihira lang din naman dumalaw yung nanay ni kuya dahil may inaasikaso rin.

Tama kayo nang nabasa. Nanay lang sya ni kuya dahil step-mom ko lang sya. Actually, anak ako sa labas ni dad kaya hindi na ko nagtataka kung bakit ganon pa rin hanggang ngayon pakikitungo sakin ni kuya at ng nanay nya. Wala naman akong sama ng loob sa kanila, ewan ko nalang sila.

Kinuha ko ang phone ko at nagsimula nalang magscroll sa kung saan-saang social media platforms, mawala lang yung boredom na nararamdaman ko. Habang patuloy sa pag-iscroll ay napatigil ako nang mapukaw ang atensyon ko sa isang article.

Kim Jongin, heir of KIM Company, publicly announces his engagement with Jennie Kim, CEO of JNK Company.

Agad kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko na nagawang basahin yung buong article dahil mabilis akong napatayo mula sa kinauupuan ko. Kinuha ko yung coat ko mula sa pagkakasabit. Akmang bubuksan ko ang pinto pero laking gulat ko nung bumukas yon at iniluwal ang kuya ko.

"Get back to work-"

Hindi na nya natapos yung sasabihin nya dahil agad akong nakaramdam ng galit at nasuntok ko sya. Muntik pang matumba si kuya patalikod pero agad syang nakahawak sa pader, mabuti na lamang ay walang tao sa hallway dahil nasa vip room kami. Samantalang ramdam ko naman ang pangingimi ng kamao ko dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko sa kanya.

"Tangina, ano bang problema mo, ha?!"Galit na sigaw nya at agad akong kwinelyohan. Diretso ang tingin nya sa mata ko habang parang nanlilisik yon.

Gusto kong sumagot pero hindi ko magawa dahil ako mismo, hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Nang sumagi sa isip ko na maapektuhan si Jennie dahil kay kuya, hindi ko magawang pigilan yung galit na naramdaman ko. Yung galit na hindi ko rin alam kung saan nanggaling.

Imbis na sumagot ay marahas kong tinanggal yung pagkakahawak nya sa kwelyo ko. Sinamaan nya ko ng tingin bago ko sya tuluyang lampasan. Agad akong umalis sa ospital at mabilis na minaneho ang sasakyan ko.

Hindi ko maipaliwanag ang inaakto ko pero isa lang ang alam ko. Ayokong malaman na nasasaktan o nahihirapan si Jennie.

_____

Oo na, scam na ko lololol. Sabi ko mag-uupdate ako kahapon kaso nakalimutan ko sksksk, sorry sa late updates! Btw, skl may classes na kami next week kaya expect slower updates :'))

- Cha♡

To My Last Life || TaennieWo Geschichten leben. Entdecke jetzt