Chapter Five

209 7 2
                                    

"GOODMORNING po, s-sir!"Bati sakin ng barista. Nginitian ko sya pabalik, kita ko pa kung paano nanlaki ang ngiti nya at kung paano namula ang mga pisngi nya.

Alam ko namang gwapo ako. Dejoke.

Hindi ko na sya pinansin at binaling ang atensyon ko sa menu board. Ilang minuto lang ang nagtagal at napagdesisyunan ko na umorder ng take-out iced americano.

"A-ano pong pangalan mo, sir?"Tanong nya habang may hawak na marker at cup sa isang kamay. Hindi nawawala ang ngiti sa labi nya.

"Taehyung,"Sagot ko. Tumango naman sya at agad nyang sinulat yon sa cup.

"Sige po, sir. Here's your receipt and tawagin ko nalang po kayo later."Sabi nya at tinanguan ko nalang sya na may kaunting ngiti.

Naghanap muna ko ng bakanteng upuan at doon pumwesto. Sakto namang nasa may glass wall ako kaya hindi ako masyadong naiinip. Tumingin ako sa wrist watch ko para makita ang oras.

"Dapat gantong oras nakabalot pa ko sa kumot, tsk!"Reklamo ko pero syempre pabulong lang.

Ayokong mainis dahil umaga palang at ayokong mabadtrip agad. Kagaya nang sinabi ni dad kahapon, sisimulan ko nang magtrabaho sa company namin ngayon. Labag talaga sa loob ko yon pero wala rin naman akong magagawa since ayokong bumalik sa U.S, nakakasawa.

Ilang minuto rin akong nagscroll nang nagscroll sa Instagram bilang pampalipas oras ko. Hindi naman nagtagal ay narinig ko na ang barista na binanggit ang pangalan ko.

"Sir Taehyung,"Sambit nya kaya tumayo na ko galing sa upuan at lumapit para kunin ang order ko.

"Thank you,"Kinuha ko ang order ko mula sa kanya at todo ngiti na naman sya.

"Thank you po, sir. Balik po kayo."Tumango ako at bahagyang ngumiti bago lumabas ng coffee shop.

Habang naglalakad papunta kung saan ko pinark ang kotse ko ay nahagip ng paningin ko ang sticky note na nakadikit sa cup. Kinuha ko yon at agad na binasa.

Napatawa nalang ako nung makita kong number siguro yon nung barista at may nakasulat pang "Crush kita, sir ;)"

Crush ko rin sarili ko eh.

Nilagay ko nalang yon sa bulsa ko at nung makarating ako sa kotse ko ay agad akong nagdrive. Hindi rin naman ganon kalayo ang company mula sa coffee shop kanina kaya nakarating din ako agad. After parking the car, dumeretso ako papunta sa office ni dad.

"Hoy hala, bhe! OMG ang gwapo nitong katabi ko, sino to?!"

"Ay gaga, di mo yan kilala?!"

"Itatanong ko ba sayo kung sino sya kung kilala ko ha? Boba."

"Wow ha? Anyways, second son yan ni Chairman Kim! Hayst ang gwapo talaga nilang magkapatid."

Makapag-usap tong mga to kala mo di ko rinig, eh noh? Sana gumamit nalang sila ng mic, nakakahiya sakin eh.

Hindi ko na narinig yung iba nilang usapan dahil bumukas na ang pinto ng elevator sa floor kung saan ako papunta. Naglakad na ko paalis at dumeretso papunta sa office ni dad.

Pagbukas ko ng pinto ay ang desk ng secretary nya ang bumungad sakin. Tumayo ito para bumati sakin at tinuro ang halos katapat na pinto dahil nandun daw si dad. Agad akong pumasok don at kagaya nang inaasahan ko, andon nga si kuya kasama ni dad.

"Goodmorning--"

"You're 2 minutes late."Sabi ni kuya habang nakatingin sa orasan nya. Bahagya akong tumawa nang sarkastiko at umupo sa sofa na katapat nung kanya habang nasa gitna naman namin si dad.

"Para kang tanga."Bulong ko at biglang sumama ang tingin sakin ni kuya kaya naman napilitan akong ngumiti na parang walang sinabi.

"Anong sabi mo?"Nakataas ang kilay na sambit nya.

"A-ah.. sabi ko para kang sanga hehe."

"Itigil nyo yan."Maotoridad na awat ni dad kaya naman napa-ayos ako ng upo pero sinasamaan pa rin ako ng tingin ni kuya.

Ano? Ano? Tapyasin ko yang kilay mo eh.

Natapos ang kauting pag-uusap namin nang buhay kami parehas ni kuya. Buti nalang di kami nagpatayan sa harap ni dad. Kalalabas palang namin ng opisina ni dad ay parang balak na kong ipatapon ni kuya paalis.

"May ipapaalala lang ako sayo, Kim Taehyung,"Sabi nya, dahilan para humarap ako sa kanya. "Don't even try getting on my way."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya dahil wala akong naintindihan. Ano bang trip nito? Bisitahin ko na kaya sa sementeryo yung namatay kong pake?

Ngumiwi ako sa kanya bago sya talikuran pero bago pa man ako makahakbang ay hinigit nya ko sa balikat ko. Nagulat ako dahil sa lakas ng pagkakahigit nya at higit sa lahat, hawak ko pa yung iced americano ko. Waso akong napa-ikot at nanlaki ang mata namin pareho nung matapon sa kanya yon.

"What the f-- Gago ka ba?!"Napuno ng galit ang mga mata nya at kahit yung secretary ni dad ay nagulat dahil sa pagsigaw nya.

"H-hoy, hindi ko sadya!"Depensa ko pero sa sobrang sama ng tingin sakin ni kuya napakagat ako sa ibabang labi ko.

Kingina, mag-eeskandalo pa ba to dito?

"You dumb piece of shi--"

Hindi natuloy ni kuya yung sasabihin nya nung may bigla kaming narinig na malakas na gumalabong mula sa office ni dad. Napabaling don ang atensyon namin pati na rin ng secretary ni dad. Dali-dali kaming pumasok don.

"Dad!"Sigaw namin parehas ni kuya nang makita si dad na walang malay at nasa sahig.

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now