Chapter Two

324 11 5
                                    

"JEN, let's go."Tawag sakin ni kuya na katatapos lang makipag-usap dun sa production team.

Hindi ako nagsalita at sumunod nalang sa kanya. Baka kasi galit sakin si kuya, he's the person na ayoko talagang magalit sakin- although kasalanan ko naman.

Napapunta kami sa loob ng kotse nya pero wala pa rin akong imik. I'm a bitchy person pero not until galit si kuya. Magalit na lahat wag lang yan, titiklop talaga attitude ko dyan.

Nagsimulang mag-drive si kuya at wala talaga kong balak umimik hanggat hindi nya sinasabing hindi sya galit. Pipigilan ko tong bunganga ko kahit na sobrang hirap. Parusa talaga sakin ang hindi umimik, pakshet.

"Hoy, bat wala ka atang imik dyan?"Tanong nya na bumasag sa katahimikan pero nagulat ako kasi walang bakas ng galit yung boses nya.

"Hindi ka galit...?"Nag-aalinlangan na tanong ko at napatawa naman si kuya.

Sige, tawanan mo ko. Di ka pala galit eh, di na ko titiklop!

"I'm not gonna get mad with those things na sanay na ko."Sabi nya nang nakangiti pero parang pinaparating na akitin ako ng gulo- sige, di na ko magde-deny. "Mas matakot ka dahil sure akong nakarating na yon kay dad."

"Tss... Ano naman ngayon kung nakarating kay dad?"Tanong ko, umaapaw ang pagka-atichona.

"Seriously? Mas takot ka pa sakin kesa kay dad?"Di makapaniwalang tanong nya. "Anak ba kita? Pinapalamon ba kita?"

Napahalakhak ako sa sinabi ni kuya pero parang narinig ko na yan. Nagulat nalang ako nung bigla akong nakaramdam ng pagsakit ng ulo. Napapikit nalang ako dahil sa sakit pero hindi ko pinahalata dahil ayokong mag-alala si kuya.

"Hindi pa hehe sa totoo lang wala pa kong nahahanap,"Sabi ko habang ngingiti-ngiti at napabuntong hininga naman si Seokjin.

"So ako pa mag-aasikaso ganon? Ano anak ba kita? Pinapalamon ba kita?"Angal pa ni Seokjin.

[ Chapter 8 (Againts All Odds) ]

Biglang lumabas sa paningin ko yang scenario na yan, dahilan para mapamulat ako nang agad-agad. Napansin yon ni kuya at nag-aalalang sumulyap sakin.

"Oh anong nangyari sayo? Natauhan ka na ba?"Biro nito at pinilit ko na tumawa pero nandon pa rin sa scenario na yun ang atensyon ko.

Sure akong si kuya Seokjin yung nakita ko, nandon rin kami sa loob ng kotse pero ka-iba sa sinasakyan namin ngayon. Hindi ko maintindihan at naguguluhan ako sa bigla kong nakita pero sigurado akong that never happened, not even once. I looked at kuya and he looks the same from the one I saw, the difference is just the hairstyle which I have never seen on kuya.

Songs bro, nanaginip ata ako nang gising.

I shook off those thoughts nung nakarating na kami sa mansion. Agad kaming bumaba ni kuya ng kotse at dumeretso sa dining area. Sakto namang wala pa si dad pero masama na agad ang bungad na tingin sakin ni mom. Magkaratig kami ni kuya na umupo at walang gana akong naghintay hanggang sa makarating na si dad.

Agad kaming tumayo at nagbigay galang sa kanya. Katulad ng inaasahan namin ni kuya ay mukang nakarating na nga sa kanya yung balita. G na g na naman kasi muka sakin ni dad.

It's sermonan time! It's showtime is sheykin.

Umupo na kami at agad na sinerve yung dinner namin. Nagsimula kaming kumain nang tahimik at alam kong bumebwelo palang si mom at dad. Mamaya kasi sure akong daig pa ni mom si T.O.P at ratrat sa bilis nya magsalita habang daig pa ni dad ang pari kung magsermon.

Syempre bilang sanay na si kuya sa ganyan, wala na yang pake at makikipag-asaran pa sakin yan mamaya. At dahil ako ang laging target, di na ko naapektuhan. Pasensya na, inborn kase tong ugaling to, mana sa magulang.

Huminga nang malalim si dad at nagkatinginan na kami ni kuya. Hudyat na yan, eto na ang It's Sermonan time!

"Wala ka talagang balak magtino?"Kalmadong panimula ni dad pero andon ang galit. Tumigil ako sa pag-inom ng juice at kumibit balikat nalang kay dad. Napabuntong-hininga naman si mom sa ginawa ko.

"Fix your manners, kinaka-usap ka ng dad mo."Mom sternly said kaya naman nilapag ko ang kobyertos ko at tiningnan sila na parang walang nangyari.

"Go do that interview again, and this time ayusin mo."Sabi ni dad at tumingin nang deretso sakin. "I'll set you up with that family para maging maayos na ang lahat. You and that Jongin could be together para na rin sa business-"

"Tss... Pare-pareho lang naman kayong kompanya ang gusto."Pabalang na sagot ko, nakakaramdam na kong mati-trigger na nito sina mom at dad.

Eto namang si kuya walang ginawa kundi kumain!

"Kung gusto mo rin makuha company nila edi ampunin mo yung Jongin na yon."Sarkastikong sagot ko at dahil kapatid ko si kuya Seokjin, tumawa na naman syang parang salamin na kinukuskos.

Bwisit nadadala ako, teka!

Napatigil sya nung padabog na hinampas ni dad yung table. Aaminin ko, nagulat ako syempre kaya etong si kuya, napatigil sa pagtawa at uminom nalang nung juice nya.

"You even had the guts to make a joke?!"Galit na usal ni dad at umiling naman ako sa kanya.

"I'm not joking though..."Sabi ko at ngumisi na naging dahilan para matrigger na pati si mom.

"You and your nasty attitude!"Sigaw ni mom na galit na galit na tumingin sakin. "Ikaw naman, Kim Seokjin imbis na awatin mo, talagang kinunsinti mo pa!"

Napatigil si kuya sa paglamon nung madamay sya at gusto kong tumawa pero ansakit talaga sa tenga ng boses nila mom at dad kaya kumalma lang ako.

"Get out of my sight! Both of you!"Sigaw ni dad at bilang masunurin kaming mga anak, sumenyas ako kay kuya kaya agad na syang tumayo at sabay kaming naglakad paalis.

Pero bago pa man kami makalayo ay napangisi ako sa sarili kong iniisip. Tumigil ako sa paglalakd, dahilan para mapatigil din si kuya. Humarap ako kay dad at mom na may ngisi sa labi.

"Pero I'm not really joking..."Sambit ko, na dahilan para kumunot ang mga noo nilang dalawa. "I don't mind having a step-brother."

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now