Chapter Seventeen

191 7 3
                                    

Jennie Kim's POV

"A-ANONG ginagawa mo dito?"

"Okay ka lang ba?"Hindi nya pinansin yung tanong ko at tiningnan ako na para bang puno ng pag-aalala.

Hindi ko magawang sumagot. Ramdam ko ang mga luhang nagbabadyang pumatak mula sa mga mata ko. Napakagat ako sa labi ko dahil alam kong isang salita ko lang, bibigay na ko.

Nagulat nalang ako nung dahan-dahang lumapit sakin si Taeyung at bigla ko nalang naramdam ang yakap nya. Natigilan ako pero sa hindi ko malamang dahilan, yung mga luhang pinipigilan ko ay biglang bumagsak. Pakiramdam ko ay nanghina na lang ako bigla.

"Wag mong pigilan luha mo.. tao ka lang rin, okay lang umiyak minsan,"Bulong nya habang dahan-dahang tinatapik ang likod ko. "Basta ang tatandaan mo, magpapahinga ka lang, pero hindi ka susuko."

Lalo akong napa-iyak nang hindi ko namamalayan. Nakabaon ang mukha ko sa dibdib nya habang mahigpit na nakakuyom ang mga kamay ko. Hindi ko mapagtanto na yung Taehyung na parang hindi nagseseryoso sa buhay, kaharap ko ngayon at sinasabi sakin tong mga salitang yon. His words were calming and warm, katulad ng yakap nya.

Never kong naisip na iiyak ako dahil nahihirapan na ko. Mas lalong hindi ko inakala na sa kay sa harap pa yon ni Taehyung. Si Taehyung na hindi ko pa lubos na kilala, higit sa lahat, kapatid nya yung taong isa sa dahilan non.

Lumipas ang ilang minuto na nanatili akong nasa yakap nya. Hindi sya nagsasalita pero pakiramdam ko ay sapat na yon para kumalma ako. Unti-unti rin akong kumawala sa yakap nya at agad na pinunas yung mga luha ko. Bigla nalanga akong nakaramdam ng hiya.

"Thank you..."Mahinang sambit ko habang nakatungo at umiiwas sa tingin nya.

"Walang anuman,"Sagot nya. "Grabe pala mamula mukha mo kapag umiiyak ka, noh? Mukha ka tuloy kamatis."

My mood abruptly changed dahil sa sinabi nya. Parang nawala yung nararamdaman ko kanina at napaltan ng inis. Agad ko syang sinamaan ng tingin at pinalo nang malakas sa braso pero imbis na umaray sya ay lalo pa syang tumawa.

"Alam mo, tangina ka!"

Patuloy syang tumatawa habang patuloy rin ako sa paghampas sa kanya. Tumigil lang ako nung naalala kong baka atakihin pa ko nito sa puso. Akmang tatalikuran ko na sana sya pero bigla nya kong hinawakan sa palapulsuhan.

"Bitaw."Mataray na sabi ko habang masamang nakatingin sa kanya pero umiling sya.

"May pupuntahan tayo."Sagot nya.

"Saan?"Tanong ko habang magkasalubong ang kilay.

"Sa lugar kung saan hindi mo kailangan itago yung totoo mong nararamdaman."Sagot nya habang nakangiti.

"Kung balak mo kong kidnappin, wag nalang. Hindi mo mapapakinabangan mga laman loob ko."

"Putang-- iyo na yang laman loob mo, meron din ako nyan!"







"KIM Taehyung, ngalay na ko,"Reklamo ko habang patuloy si Taehyung sa pagpindot ng doorbell. "Kapag yan hindi pa talaga bumukas, gigibain ko na yan!"

Akmang i-aangat ko na yung paa ko para sipain yung pinto pero mabilis na humarap sakin si Taehyung at hinarangan yon.

"Gago, mahal pa-maintenance nito kapag nasira, hoy!"

Napa-irap nalang ako at inis na pinasok ang kamay ko sa loob ng bulsa ng slacks ko. Saka ko lang na-realize na suot ko pa rin pala yung pangtrabaho ko.

Ilang minuto pa kaming tumagal dito sa harapan ng bahay na to. Mansion sya actually, though hindi ko alam kung bakit kami nandito ngayon. Nagtataka na nga lang din ako sa sarili ko kase hindi ako umaangal ngayon. Ginayuma ba ko nito?

Halos hindi ko na mabilang kung naka-ilang pindot na ba sa doorbell tong si Taehyung. Nakatunganga lang ako sa kanya pero sa loob-loob ko, gustong-gusto ko nang layasan tong bwisit na to.

"Ayoko na. Puta, suko na ko!"Reklamo ni Taehyung. Napahilamos sya sa mukha nya at humarap sakin na para bang nilayasan na sya ng pasensya nya.

"Sino ba naman kasing tanga ang dadalhin ako dito pero wala manlang susi?"Pagpaparinig ko at ngumiwi naman sya sakin.

"Jennie,"Tawag nya at tinaasan ko lang sya ng kilay. "Sirain mo nalang kaya yung pinto..."

Napakunot bigla ang noo ko. Hindi ko maintindihan kung nagbibiro ba tong mokong na to o seryoso talaga syang gigibain na lang namin para makapasok. Medyo imposible nga lang kasi ang laki nung pinto, gago ba to?

"Seryoso ka?"Tanong ko habang pumipikit-pikit mga mata ko.

"Sayo, oo,"

"Bobo ka talaga-"Hindi ko naituloy yung sasabihin ko nung bigla kaming nakarinig nang malakas na busina. Dahilan para mapalingon kami kung saan nanggaling yon.

"Hoy! Sino kayo?! Anong ginagawa nyo dyan?! Magnanakaw ba kayo?!"

Ako? Magnanakaw? Halika rito at isasampal ko tong black card ko sayo!

Akmang sisigawan ko na sana yung nagsabi non pero naunahan ako ni Taehyung na magsalita.

"Ipatumba kaya kitang pandak ka, ha?"

"Huh? Taehyung?!"Sigaw nito. Kita ko pa kung paano nya binaba yung sunglasses nya at sumilip sa bintana ng kotse nya para makita nang maayos si Taehyung.

Mabilis nyang pinatay yung makina ng kotse nya at lumabas para salubungin si Taehyung. Malapad ang ngiti nito habang bigla nyang niyapos si Taehyung. Naiwan naman akong nagtataka sa inaasta nila.

"Tol, pota kelan ka pa bumalik? Wala manlang pasalubong?"

"Saka na, kapag tumangkad ka na- aray! Pakyu ka, tol!"Reklamo ni Taehyung dahil binatukan sya nito. Habang ako, eto, nakatunganga lang sa kanila.

Nang tingnan ko sya nang diretso ay biglang napakunot ang noo ko. He looks oddly familiar pero hindi ko rin matukoy kung saan ko ba sya nakita. I just shook off those thoughts dahil siguro feeling ko lang yon.

Na-realize siguro nila na nandito ako kaya napabaling atensyon nila sakin. Bahagya pa kong tinuro nung lalaki na parang tinatanong kung sino ako habang nakay Taehyung ang tingin nya.

"Ah, tol, mamaya ko na ipapakilala yan. Papasukin mo muna kami, pwede? Baka gibain na nyan yung pinto eh."Sabi ni Taehyung, dahilan para mapakunot ang noo nung kaibigan nya habang sumama naman ang tingin mo sa kanya. "Asan ba yung isang tukmol? Kanina pa kami doorbell nang doorbell, walang nasagot."

"Ipupusta ko lovelife ko, tol, nag-ooverwatch yon."Sagot nito habang binubuksan yung pinto gamit yung susi nya.

Hindi na sumagot si Taehyung at agad din namang bumukas yung pinto. Pina-una nila kong pumasok dahil 'ladies first' daw. Nang makapasok ako ay agad na bumungad sakin ang maiklin hallway at living room.

I looked around, malawak sya at may konting kalat yung bahay. Hindi na rin naman ako nag-expect nung nakita kong lalaki ang nakatira.

"Jeon Jungkook, bumaba ka dyan, nandito na jowa mo!"Sigaw naman nito at agad na kumunot ang noo ko.

Parang pamilyar din yung pangalan pero mas nangibabaw sakin yung tanong kung sino bang tinutukoy na jowa nito? Of course, hindi ako yon. Mas lalong hindi si Taehyung... unless? No, wag tayong mag jump into conclusions, pucha.

Pero you know what's weird? Pakiramdam ko nakasama ko na sila before. Medyo tangang conclusion pero it felt nostalgic...

_____

Share ko lang! May bago akong book na parang last month ko pa ata ginagawan ng drafts kaya napagdesisyonan ko na ipublish soon hihi. Abangan nyo nalang, mag-uupdate ako dito once na napublish ko na, thank youuuu!!

- Cha♡

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now