Chapter Thirty-four

45 2 0
                                    

HULING araw. Huling araw ng paglalakbay na 'to. Huling araw ng kami.

Tumingin ako sa tabi ko at ang tanging bumungad sa'kin ay ang mukha ni Taehyung. Hindi ko mapigilan na malunod sa mga mata at ngiti n'ya. Nasa mga mata n'ya ang buwan, bituin, at kalawakan... hawak ng mga mata n'ya ang buong sansinukob.

"Last day na natin ngayon dito... babalik na tayo. babalik na tayo sa reyalidad bukas..." Sambit ko.

We were again at the terrace of the villa, staring at night skies while holding each other. His hug was warm. He felt like my solace.

"Malapit na 'yung paghahanda namin para labanan sina kuya," He said. "Nakakatawa na pamilya kami pero tinatapon nila lahat para saan? Para sa pera?" He let out a humourless and painful laugh.

Hindi ko magawang magsalita. His words was like he's telling the thoughts in my head, we were the same. Alam kong nagbabago na ang mga magulang ko, pero looking back, we live in a household where everybody goes nuts and would be ready to throw you out for money and power. Funny that they're called "family" but doesn't treat you like one, it was only kuya who did. Just like what they say, I guess it's easier to forgive than to forget.

"Anyway, 'wag na natin pag-usapan 'yon," Sabi n'ya at bahagyang ngumiti. "Maalala ko pala, how are you feeling these days? Hindi ka na inaatake katulad dati?"

It hit me. Dapat ko bang sabihin sa kanya? But he already has too much worries in his mind, ayokong dumagdag pa.

"Uhm... Yeah, hindi naman malala 'yung noon kaya hindi na 'ko inaatake ngayon," I lied. I lied through my words and through my light smile, hoping that he wouldn't see any signs of it.

"Ay, ayos yan, boss! Kasi kung hindi mo inaalagaan sarili mo, mag-aapply na lang akong private doctor mo. Change of careers," Biro n'ya.

"Baka naman maging si doctor quack quack ka lang kamo," Asar ko pa sa kanya. He showed an offended look that made me chuckle.

Saglit kaming nabalot ng katahimikan. Napabaling ako sa kanya at nagtagpo ang mga mata namin. Nakatingin s'ya na para bang hindi n'ya magawang alisin ang tingin n'ya sa'kin.

"Nasabi ko na ba?" Biglang tanong n'ya, dahilan para mapakunot ang noo ko, hindi alam kung anong tinutukoy.

"Ha? Ang alin?" I asked, confused.

"You look so pretty when you smile. Mas maliwanag ka pa sa tala at buwan sa langit."

Alam na alam talaga nito kung paano ako kukunin, eh. He never fails to make me feel that my existence is something to be cherished.

"Bola ka na naman."

"Luh, 'di ah. Dribble mo nga 'ko kung talaga."

"Mema mo talaga, Kim Taehyung."

"Crush ka by the way nitong mema na 'to."

Ayon na naman s'ya. 'Wag ganyan, Taehyung. Lalo kang humihirap bitawan, eh.

Muli kaming nabalot ng katahimikan, sobrang payapa, sobrang komportable, sobrang gaan. Totoo nga na home is not a place, home is where your heart is because he feels like home─ no, he is home.

Muling napako ang tingin ko sa kan'ya, sa hindi malamang dahilan, napakaraming bagay at tanong ang tumakbo sa isip ko.

"Alam mo, Jen... nung araw na nagkakilala tayo, hindi ko alam kung bakit pero hiniling ko na sana hindi 'yon 'yung huling araw na makita kita," He storied. "At araw-araw akong magpapasalamat sa mundo na kasama kita hanggang ngayon."

Pakiramdam ko pati 'yung puso ko binabalit sa yakap. He just makes me feel things that no one can.

But the world is bittersweet.

I know to myself that this dream will eventually end.

I'll wake up from this dream no matter how much I desire to stay.

Hindi ko tuloy mapigilan na magtanong. Bakit ganito ang mundo? Bakit kung kailan mayroon na 'kong rason para magpatuloy, saka naman ako pinagkaitan ng pagkakataon?

"Taehyung, paano kung..." I trailed off, not knowing kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko, but he looked at me like he's telling me to continue 'cause he'll listen. "Paano kung nakasalungat pala sa'tin ang mundo?"

"Kung nakasalungat man sa'tin ang mundo, sasalungat din tayo. I'll love you against all odds."

And that was the cue for my tears to start welling up. Hindi magiging sapat ang salitang 'mahal' sa nararamdaman ko para sa kan'ya.

Kahit papaano, nagpapasalamat ako sa mundo kasi kahit gaano kadilim, kahit gaano kabigat, mayroon akong uuwian at uuwian.

To my remaining days, I've spent you well.

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now