Chapter Nine

179 9 0
                                    

FINALLY, matapos ang ilang araw na pagdurusa ko sa pagkain ng dahon, nakakain na rin ako ng chicken at kanin. Heaven to!

"Kuya, maalala ko lang,"Panimula ko, puno pa ng pagkain yung bunganga ko kaya ngumiwi sakin si kuya. "Sinong nagdala sakin dito nung inatake ako nung minsan?"

Napatigil sa pagkain si kuya at parang inaalala kung sino. Kahit ako kasi ay hindi ko matandaan. Wala akong ibang naalala kundi yung pag-iyak kong mag-isa don sa labas.

"Hindi ko rin alam eh..."Sagot nya matapos ang pag-iisip. "Lalaki raw pero di naman nagpakilala, basta sinugod ka lang sa E.R nung inatake ka."

Medyo nadismaya ako pero binalewala ko nalang yon at kumain nalang kami. Gusto ko lang sana syang pasalamatan. Atichona ako pero medyo marunong pa rin naman ako tumanaw ng utang na loob. Kung hindi kasi dahil sa kanya, baka natuluyan na ko nang mas maaga.

"Maalala ko, nagtataka na sina dad kung bakit di ka umuuwi tsaka wala ka raw sa office,"Banggit ni kuya, dahilan para mapataas ang kilay ko at mapatigil sa pagkain.

"Tss, napapansin pa pala nila presensya ko?"Puno ng pagiging sarkastiko yung tono ng boses ko at napatawa nalang. "Anong sinagot mo?"

"Sabi ko nasa business trip ka pa,"Sagot nya at tumango nalang ako.





"HOY anong ginagawa mo ditong babaita ka?!"

"Uhm.. surprise?"

"Bumalik ka don sa ospital! Sinong may sabi sayong umalis ka don ha? Tanga ka ba?"Sunod-sunod na reklamo ni kuya at pilit akong pinapalabas ng opisina nya. Sinamaan ko sya ng tingin kaya napatigil sya sa kakatulak sakin.

"Kuya, yung doctor yung nagsabi sakin na pwede akong lumabas. Kaya kung may tatawagin kang tanga, yung doctor yon!"Reklamo ko at nagsalubong ang kilay ni kuya.

"Ah, pareho kayong tanga nung doctor."

"Aba, gago to ah,"Bulong ko at nginiwian sya.

Dumeretso ako nang upo sa sofa nya kaya sumunod sya. Magkatapat kami ngayon at hanggang ngayon, mukang di pa rin naniniwala sa pinagsasabi ko si kuya.

Ikaw nalang kaya mag-doctor, sismars?

"Babalik ka don sa ospital o ipapadeliever pa kita?"Banta nya pero di ako natinag. Tol, doctor kakampi ko, hoy.

"Mas marunong ka pa sa doctor ha? Sabi nya pwede daw akong umalis basta ingat lang ako palagi sa pwedeng maging cause ng heart attack ko!"Sabi ko at hinagis sa kanya ang isang medyo maliit na envelope kung nasan yung lista ng bilin nung doctor.

Agad nyang sinalo yon at sya na mismo ang nagbasa. Sa wakas, ang sarap sa tenga! Natahimik kami ng panandalian dahil busy magbasa si kuya.

Go, kuya abstract pa naman magsulat yung doctor.

Habang naghihirap si kuya sa pagbabasa ay saktong kumatok yung secretary nya. Sumagot naman si kuya kaya agad syang pumasok.

"Sir, pinapatanong po ni Madam Kim kung naka-uwi na si Ms. Jennie, sasabihin ko po ba?"Tanong nya at bago pa makapagsalita si kuya ay inunahan ko na.

"Sabihin mo kaluluwa lang nung anak nya yung nandito!"Salubong ang kilay na sabi ko. Napasapok si kuya sa sarili nyang noo at napatawa naman ang secretary ni kuya.

"Bakit daw?"Tanong ni kuya sa secretary nya.

"Kung nandito na raw po, pumunta raw po kayong dalawa for family dinner,"Sagot nya. May inabot syang papel kay kuya. "Yan daw po yung address."

Kumunot ang noo ni kuya. "Sige, wag mo na silang tawagan. Hayaan mo na,"Sabi ni kuya at tumango yung secretary nya. Nag-bow pa ito bago tuluyang umalis palabas.

Nang maka-alis sya ay agad kong kinuha mula kay kuya yung papel na inabot kanina. Kumunot ang noo ko nang makitang address yon ng isang fine dining restaurant.

"Anong trip nila, dad?"Nagtatakang tanong ko.

"May pakana na naman yan,"Sagot ni kuya at tumayo na para pumunta sa desk nya.

Bumuntong-hininga ako at tinupi yung papel para maging airplane at pinalipad. Sumandal ako sa sofa at pinagmasdan yung papel na mapadpad sa sahig.

"Kuya,"Tawag ko sa kanya. Tinaasan nya ko ng kilay habang may inaasikaso syang paperwork sa desk nya. "Di ako pupunta."

"Gusto mo bang magwala sa galit sina mom at dad ha?"

Hindi ko magawang sumagot. Napa-iwas ako ng tingin sa kanya. Naalala ko yung sinabi ni dad noong bumisita sya. Pakiramdam ko kasi ay may kinalaman yung dinner mamaya don.

"Ikakasal? Tanginang yan,"Bulong ko at bahagyang tumawa mag-isa. Bigla akong nakaramdam ng bagay na tumama sa ulo ko. "Aray! Bobo, bakit mo ko binato?!"

"Nabaliw ka na ba nang tuluyan ha? Utak mo ata yung may sakit, hindi puso,"Sabi ni kuya. Inirapan ko sya at akmang babatuhin sya ng unan mula sa sofa pero hindi yon natuloy dahil nakarinig kami ng tawag.

Agad tiningnan ni kuya yung phone nya para malaman kung sa kanya yon. Nang makitang walang tumatawag sa kanya ay bumaling sya sakin. Kinuha ko yung phone ko na nasa bag ko at sakin nga. Bumungad sakin ang tawag na nagmula kay mom. Kahit labag sa loob ko ay sinagot ko na.

"Hello,"Walang buhay na sabi ko.

["I sent your clothes to your secretary. Also, tell your kuya na magready na para sa dinner mamaya,"]Bungad ni mom na stern ang tono ng boses. ["Both of you can't be late."]

Napa-irap ako at gusto ko sanang magbunganga sa kanya pero parang kahit para don ay wala akong gana. Hindi na ko sumagot at binaba ko nalang yung tawag.

Inis kong tinabi yung phone ko sa bag, isinukbit ko yon sa balikat ko at tumayo. Nagtatakang napalingon sakin si kuya.

"Oh, bakit muka ka na namang pinagkaitan ng mundo?"

"Tss, gumayak ka na raw. Inutusan na tayo ni madam, baka magbunganga na naman yon,"Sabi ko pero bumuntong hininga si kuya at umiling.

"Di ako makakasama, ang dami ko pang tatapusin,"Sabi nya at tinuro pa yung tambak na papel sa harapan nya. "Ikaw na muna bahala magsabi."

Umirap ako sa kanya at gusto ko talaga syang hampasin ng kahit ano. Sasabihan nya ko na pumunta pero sya pala ang hindi? Aba leche, daya tong ungas na to ah.

Pero dahil wala ko sa mood na magbunganga kay kuya at wala rin naman ako sa mood na mabungangaan nina mom, inirapan ko nalang si kuya bago lumabas ng office nya.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapa-isip sa kung ano na namang trip nina mom at dad. Kung ano man yon, isa lang ang hinihiling ko. Sana hindi ako atakihin ng sakit sa harapan nila.

Bakit? Dahil hindi sila katulad ng ibang mga magulang. Imbis na mag-alala sa kalagayan ko, gagawin pang panlaban sakin.

To My Last Life || TaennieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon