Chapter Thirty-two

73 6 0
                                    

MATAPOS ang paglalaro namin sa arcade ay nag-uli lang kami nang bahagya ni Taehyung bago tumulak na ulit kung saan. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin nya sinasabi sakin kung saan. Well, it's fine, I trust him at alam kong hindi naman nya sisirain yon.

Habang nasa byahe ay panay kwentuhan pa rin kami habang may patugtog. The sun was slowly setting and skies now have a tint of blue, purple, and turning black. It's too pretty that it feels surreal.

I was eating snacks dahil medyo nagugutom na ko. Dahil nagdadrive sya ay pinilit nya kong subuan ko raw sya ng snacks.

"Tss, damulag," Asar ko at sinamaan nya ko ng tingin pero agad ding bumalik sa daan.

"Pasalamat ka nagdadrive ako," Sabi nya at tatawa-tawa na lang akong sinubuan ulit sya ng fries na galing sa mall kanina.

Natapos kaming kumain at madilim na ang kalangitan. Ang tala at buwan sa langit ang naghahari ngayon matapos ang araw kanina. If I'm asked whether to pick the sun or the the moon and stars, I would pick the sun.

If I was the old me na hindi alam na bilang na lang ang araw ko, I'd totally pick the moon and stars since when they're up at the skies, I feel at peace. Now that I know I don't have that much time left in my hands, I don't want to see the night skies because no matter how pretty and surreal it is, it still means that it's the end of the day.

I don't wanna see the sun set. I just wanna let it stay up there so the time could stop for a moment. Akala ko dati handa na ko kapag dumating ang araw na to kasi alam ko sa sarili ko na lahat naman tayo darating sa point ma matutuldukan din ang buhay natin. I actually even wished for mine to end sooner pero ngayon, there's this small part of my heart that doesn't want this lifetime to end for me.

I want to stay but time says no.

Muli na naman akong nalulunod sa hindi mabilang na laman ng utak ko nang magsalita si Taehyung.

"Antok ka ata, pwede ka namang matulog. Gisingin kita kapag nandon na tayo," Sambit nya.

"Baka antukin ka kapag wala kang kausap," Nag-aalalang sabi ko pero umiling sya.

"Okay lang, kaya ko. I'll keep us safe, don't worry," He reassuringly said kaya naman tumango na lang ako.

Naisip ko na mas mabuting matulog na lang muna ako kesa lunurin ako ng mga iniisip ko. I glanced at him for a moment before I drifted off to sleep.

Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Ang mga nakapaligid saking pader ay kulay puti at may kaunting design na mga frames, may kaunting mga furniture rin. Tumungin ako sa bintana at kita kong gabi na.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang mabangong amoy na alam kong may nagluluto. Sinubukan kong sundan kung saan yon nanggagaling, nagkanda-ligaw-ligaw pa ko dahil wala akong alam sa lugar na to.

"Ha? Ano raw? Teka, saglit lang, isa-isa! Wag ka mag-rap, hindi ka si gloc9!"

Si Taehyung. Sinundan ko ang pinanggagalingan ng boses na yon at sa wakas, nahanap ko na ang kusina.

Bumungad sakin ang likod ni Taehyung. Nakaharap sya sa lutuan at may nagpplay na video na nakapatong sa counter, parang tutorial ata yon kung paano magluto.

"Pucha, ang dali panoorin tapos nung ako na gumawa gusto ko na lang tumawag ng 8-7000," Kausap nito sa sarili nya.

Tahimik akong napatawa. Kahit hindi ko kita ang muka niya pero parang kita kong litong-lito na sya sa ginagawa nya.

"Magluto ka na lang ng ramen," Sabat ko.

"Ayoko nga, wag ka pakielaman dyan," Parang wala sa sariling sabi nya. Bigla syang napaharap at gulat nung nakita ako. "Ay, gago!"

To My Last Life || TaennieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon