Chapter Twenty-four

124 7 1
                                    

"HOY, Kim Taehyung, tulala ka na naman dyan,"Sita ni Jungkook, dahilan para mapakurap ako at bumalik sa wisyo.

Nandito kami ngayon sa isang resto-bar at hinihintay si Jimin na dumating. Hindi pa kami nakaka-order kaya panay reklamo ni Jungkook dahil ang tagal daw ni Jimin.

"May problema ka ba? May nangyari ba kanina? Pinaglabasan ka na naman ba ng sama ng loob ng kuya mo?"Sunod-sunod na tanong nya pero umiling ako at bahagya pang napatawa. Yung mukha nya kase parang ready na rumesbak.

Pero sa totoo lang, kanina pa bumabagabag sa isip ko yung mga nangyari kanina. Simula ron sa sinabi nung matandang babae, sa narinig ko na 'plano' nina kuya at ng step-mom ko, yung hindi paggaling ni dad at yung narinig kong usapan nung nurse at nung tumatawag sa kanya.

Lumipas naman ang konting oras at sa wakas ay dumating na si Jimin. Agad kaming nag-order pero wala munang ano mang alak dahil kinabukasan ay may trabaho pa kami. Tigok kami nito isa-isa kung sakali.






Jennie Kim's POV

"DRIVE me to my parents' place."

"Yes po, miss Kim."Sambit ng driver ko at nagsimula nang patakbuhin yung sasakyan.

At the whole ride, wala akong ibang ginawa kundi tumitig sa labas habang punong-puno ng isipin ang utak ko. Balak ko kasing sabihin sa mga magulang ko na wala talaga kong balak magpakasal kahit anong pilit nila sakin. Mas pipiliin kong malugmok sa kakatrabaho hanggang sa mamatay ako kesa pakasalan yung Jongin na yon.

Bigla ko namang naisip yung mga inakto nya nung huli kaming magkita sa opisina ko. Bakas talaga sa mukha nya ang pagka-apekto nya kay Krystal. Ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi nya piliin si Krystal, lalo na't nalaman na nya ngayong magkaka-anak na sila. Nagpapakatanga lang talaga sya sa kakasunod nya sa utos ng magulang nya.

Sa lalim ng pag-iisip ko ay hindi ko naramdaman ang tagal ng byahe namin at nakarating na pala kami sa bahay. Pagkapasok ko pa lang ay ramdam ko na ang malakas na pagtibok ng puso ko. Bago magpatuloy ay pinilit ko na ikalma dahil hindi makakabuti para sa kalagayan ko yon.

Nang kahit papano ay mapakalma ko na ang sarili ko, dumeretso ako sa taas kung saan naroroon ang opisina ni dad. Tiyak akong nandon sya ngayon dahil gabi na at siguro ay naka-uwi na sya mula sa company.

I was about to go in but halted nung marinig ko ang boses ni kuya. Hindi ko sya ineexpect na pumunta dito dahil pareho naming ayaw manatili sa bahay na to. Sino nga ba ang gugustihin, diba?

"Itigl nyo yung kasal nung kapatid ko sa sa gagong lalaki na yon, please lang."Narinig kong sambit ni kuya habang nakasilip ako sa maliit na siwang ng pinto.

"Ang kulit nyo talagang magkapatid, noh?"Parang nagtitimping tanong ni dad. "Sinabi ko nang itutuloy ang kasal sa ayaw at sa gusto nyo."

"Fuck that crap. Wala ba kayong pakielam sa nararamdaman ni Jennie, ha?!"Biglaang taas ng boses ni kuya na ikinagulat ko. Gusto kong pumasok sa loob at awatin na si kuya pero hindi ko magawa.

"Don't you dare raise your voice and curse at me right here at my territory, Kim Seokjin!"

"Who the hell cares?! Kapatid ko na yung pinag-uusapan dito-- tangina, anak nyo kami!"Sigaw ni kuya at biglang tumayo, kasunod nito ang laking gulat ko nung sinapak sya ni dad. Napakuyom ang mga kamao ko.

"You, bastard! I'm your dad and you have no rights to disrespect me like this!"Sigaw ni dad. Kuya let out a humorless laugh bago magsalita.

"Dad? Since when did you even act as one?"Nangingilid ang luha ni kuya pero halos umigting na ang panga nya sa galit. "Wala ka naman kayong alam ni mom kundi pera, career, luho-- putangina, paano naman kami?!"

"Baka nakakalimutan nyo na lahat ng ipinakain at ibinagay namin sa inyo nang ilang taon, ha?!"Panunumbat ni dad.

"Responsibilidad nyo yan, bakit mo isusumbat sakin yan? Utang na loob pa ba namin to? Anong klaseng ama ka?"

"Shut your mouth and leave! Baka makalimutan kong anak kita at magdilim ang paningin ko sayo."

"Mukang matagal mo na atang nakalimutan dahil kahit kelan mukang di naman sumagi sa isip nyo yung nararamdaman namin,"Sambit ni kuya at inayos ang damit nya ngunit deretso pa ring nakatingin kay dad. "Para lang sabihin ko sa inyo, hindi ako papayag na ipakasal ang kapatid ko. Mas pipiliin ko yung kasiyahan ng kapatid ko kahit na anong sabihin nyo."

Bigla kong naramdaman ang pagtulo ng luha ko at biglaang pagsikip ng dibdib ko. Akmang lalayo na ko sa may pinto para hindi ako makita ni kuya pero huli na dahil nung palabas na sya ay nanlaki ang mga mata nya nang makita ako pero bigla yong nabalot ng pag-aalala nang mapayuko at mapahawak sa ibabaw ng dibdib ko.

"Jennie! Shit, gago, anong nangyayari sayo?!"Nag-aalalang tanong nya at sinalo ako bago pa man ako tuluyang mawalan ng lakas dahil sa paninikip ng dibdib ko.

"H-hindi ako makahinga..."Kinakapos na sambit ko na parang halos hindi na ata marinig.

"What's going on out there?"Narinig kong tanong ni dad.

Hindi ko alam gagawin ko. Wala akong lakas pero ayokong makita ni dad na inaatake ako. Hearing those words earlier, sapat na yon para hindi sabihin sa kanila yung karamdaman ko, tutal wala naman silang pakielam samin. 

Bago pa man makalapit samin si dad ay mabilis akong binuhat ni kuya sa likod nya at mabilis na tumakbo. Sa sobrang hirap nang paghinga ko ay naiiyak na ko.  Huli ko na lang naalala ay ang pagpikit ng mga mata ko at pagkawala ng kamalayan ko...



_______________

a/n: hi, hello, antagal ko rin palang walang update. sori na huhu😔👈 bawi ako, tru na dis kasi christmas break naman tsaka papasko ko na rin yie hihi.

n W WEYZ, HAPPY 6K SA AGAINST ALL ODDS TSAKA HAPPY 18K SA MASK OF LIES HUHU LABYUOL🥺💜

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now