Chapter Twenty

162 10 4
                                    

"I'LL be sleeping here."

Agad na napabaling sakin ang atensyon nung dalawa, hindi makapaniwala sa narinig nila. Kahit ako hindi rin ako makapaniwala sa pinagsasabi ko. I don't know kung bakit parang ang komportable ko na sa kanila.

"Hindi sa ano ha- pero lalaki pa rin kami, hindi ka ba uncomfortable?"Nag-aalalang tanong ni Jimin pero agad akong umiling kasi hindi naman talaga.

"No.. I just know na you guys are not that kind of people,"Sabi ko at kita ko pa kung paano bahagyang napangiti yung tatlo. "So, may extra room ba dito? Or kung wala okay na sakin dito sa living room."

"Wala pero dun ka sa kwarto ni Taehyung matulog, hayaan mo na tong tukmol dito."

"Jeon Jungkook, halika rito at isasako kita."Banta ni Taehyung at agad namang tatawa-tawang nag-bow si Jungkook na akala mo don nakasalalay buhay nya.

Pero sa huli, sa kwarto ako ni Taehyung matutulog since sya na mismo nag-offer nung nagprisinta akong sa living room na lang matulog. We agreed to not eat dinner anymore since ang dami na naming nakain kanina, legit na patay gutom na kami kung kakain pa kami jusko. Nanghiram din ako ng damit kay Taehyung kase alangan namang ipangtulog ko tong slacks at polo ko.

Binigyan ako ni Taehyung ng hoodie nya tsaka sweatpants ni Jimin dahil sobrang laki naman kung kay Taehyung. Nagbihis ako sa cr sa loob ng kwarto nya habang busy sa living room yung tatlo. 

Nang matapos ako magbihis ay agad akong lumabas ng cr at tiningnan yung sarili ko sa full legth na salamin. Naloka na lang ako dahil pwede ko na atang dress yung hoodie ni Taehyung sa laki, okay lang yung sweatpants pero.. pota yung hoodie talaga. Grabe muka akong hanger, pucha.

Hindi na ko nagreklamo kesa pagtiisan kong matulog nang nakasuot ng formal kong damit noh. Naglakad na ko pababa at agad na bumungad sakin yung tatlo na nag-iingay habang nakaharap sa TV at naglalaro ng VR si Jungkook.

"Tangina mo, pag ako talaga na-dead ihahampas ko sayo tong flower vase!"Reklamo ni Jungkook kay Taehyung na panay ang pang-aasar sa kanya. Busy naman tumawa tong si Jimin kaya ayon nahulog pa sa bangko amp.

May normal pa ba sa bahay na to?

Lumapit ako at binato si Jungkook ng unan bago umupo sa sofa kaya agad tong napasigaw. "Hoy, putangina sino yon- aCK SANDALE MAMAMATAY AKO GAGO!"

Napahalakhak kami kay Jungkook na panay reklamo matapos ma-dead sa laro. Akala mo batang inagawan ng candy.

"Oh, tama na. Baka magsumbong pa yan sa mama nya- aRAY!"Napatigil sa pang-aasar si Taehyung dahil binato sya ni Jungkook ng unan. Tumawa lang kami nang tumawa ni Jimin dun sa dalawa dahil parang mag-jowang nag-aaway. 

Lumipas ang oras nang hindi namin namamalayan dahil masyado kaming nalibang sa presence ng isa't-isa. Nung sumapit ang pass 10 ng gabi, nagsimula kaming ligpitin yung living room bago kami umakyat sa taas para matulog. Akala ko nga dito matutulog sa living room si Taehyung pero nagtalo pa silang tatlo dahil gustong makitulog ni Taehyung sa kwarto nila. Kaya ayon, sa kwarto ni Jungkook sya manggugulo.

"Goodnight, dream of me!"Sigaw ni Taehyung at kumindat pa kay Jungkook, Jimin at sakin. Nginiwian ko lang sya habang nag-yucks pa si Jimin at umarteng kinikilabutan si Jungkook. 

Agad din kaming pumasok sa mga kwarto namin. Dumeretso ako sa kama at amoy na amoy ko yung pabango ni Taehyung. It smells great though. Binalot ko yung sarili ko sa kumot habang isang lamp shade lang sa may tabi ko ang ilaw. 

Gabi na pero hindi pa ko nakakaramdam ng antok. I kept on tossing and turning but still, I couldn't go to sleep. Halos kalahating oras na rin siguro akong pa-ganon-ganon pero buhay na buhay pa yung pakiramdam ko.

To My Last Life || TaennieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora