Chapter Fifteen

185 9 5
                                    

"ANY left appointments?"

"None, ms. Kim. You're done for today na po,"Sagot ni ms. Jang at tumango ako, feeling a bit relieved.

"You can go home na,"Sabi ko habang may bahagyang ngiti. She thanked me at nagpaalam bago umalis ng office ko.

Tumingin ako sa wrist watch ko at pass 11 na. Kinailangan kong mag-overtime dahil umalis ako kaninang umaga. I didn't regret it though, I guess mas okay na rin na nakapag-pahinga ako kahit konti lang.

Kinuha ko yung phone ko para tawagan yung driver ko pero mas naagaw ng text mula kay mom ang atensyon ko. I exhaled a large amount of air matapos kong mabasa yon out frustration. Walang katapusang sermon na naman to once na nagkita kami.

Sino bang anak nila? Si Jongin? Parang mas may pake pa sila don sa lalaking yon kesa sakin, tss.

I didn't want to go home dahil alam kong mag-isa lang naman ako don. Gusto kong magkaron ng paglalabasan ng nararamdaman ko pero pakiramdam ko ay hindi naman nila ko maiintindihan. Wala akong magawa kundi sarilinin lahat ng nararamdaman ko.

Napasuklay nalang ako sa buhok ko gamit ang mga daliri ko at tinawagan ang driver ko para masabihan sya na pababa na ko sa parking. Nang makarating ako don ay agad akong sumakay at nagdrive na yung driver ko.

Nanatili akong tahimik at parang walang buhay habang nakatingin sa labas. Gusto ko sanang pumunta lang kahit saan mag-isa pero pati yon ay hindi ko magawa.

I can't drive alone kasi tuwing susubukan ko ay parang lagi akong aatakihin. Iba yung pakiramdam ko at may kung ano akong nakikita sa isipan ko. Sumasakit ang ulo ko at parang naninikip ang dibdib ko. Now that I've thought of it, it's the same feeling nung una kong makita si Taehyung. Weird.

Sa sobrang weird nung pakiramdam minsan naisip ko na baka doctor lang katapat nito, baka may sayad lang ako o kaya naman minsan naisipan ko nang pumunta sa albularyo, pero never kong ginawa.

Nang makarating na ko sa bahay ay nagshower na ko at nagsuot ng pajama ko, uminom na rin ako ng gamot kahit di ako nagdinner. Wala naman akong gana tsaka nalipasan na rin siguro ko ng gutom.

Ilang beses kong pinipilit yung sarili ko na matulog pero parang ang imposible non. I checked my phone at malapit na mag-one ng madaling araw. I sighed in frustration at tumayo mula sa kama ko.

Dumeretso ako sa cr at binuksan ang isang cabinet. Bumungad sakin ang sleeping pills ko. Nag-aalinlangan akong kinuha yon, pinag-iisipan ko kung iinom ako. Matagal na kong tumigil sa pag-inom non dahil pinagbabawalan ako kaya madalas akong nahihirapang matulog, katulad ngayon.

Binalewala ko yung nasa isip ko at kinuha yung lalagyan. Tinaktak ko sa kamay ko yun at tatlo ang nakuha ko. Naghehesitate pa rin ako dahil alam ko yung pwedeng mangyari sakin pero kelangan ko rin ng tulog ngayon kaya agad kong ininom yon.

Bumalik na ko sa kama ko at this time, nakatulog na ko dahil sa epekto ng sleeping pills.


"WHAT'S this doing here?"Magkasalubong ang kilay na tanong ko kay ms. Jang nang makita ko ang box na may singsing sa loob.

"Si madam Kim po yung nagdala nyan, engagement ring nyo raw po,"Dahan-dahang sambit nya, nababahala sa magiging reaksyon.

Gusto kong ilabas yung galit at inis ko pero pinigilan ko yon at mariing napapikit.

"Get rid of it,"

"M-miss Kim, b-baka po magalit sakin si madam Kim,"Nakatungong sagot nya.

"She can't fire you, ako yung boss mo. I can take care of her, so just get this away from my sight,"Sabi ko kaya wala syang nagawa kundi kunin mula sa table ko at umalis ng office ko.

Napabuntong hininga ako at napa-upo sa swivel chair ko. Talagang pinupush na nila yung engagement na yon. Pakiramdam ko ay nasa kompanya lang yung pakielam nila. Kahit ata malaman nila na may taning na buhay ko, wala pa rin silang ibang aalalahanin kundi pera at kapangyarihan.

Napabalik ako sa realidad nung biglang bumukas yung pinto at bumungad sakin ang galit na si kuya.

"Jennie Kim, bakit hindi mo sinabi sakin?!"

"Pre, teka, kumalma ka muna,"Awat ni Yoongi na kakadating lang din kasunod sina Namjoon at Hoseok.

Napatayo ako sa kinauupuan ko at nagtataka silang tiningnan. Bakas ang galit sa muka ni kuya habang pinapakalma naman sya nina Namjoon.

"Sinabi ang alin? Anong sinasabi mo?"Naguguluhang tanong ko.

Biglang kinuha ni kuya yung remote at binuksan yung TV. Agad na bumungad samin ang news habang naguguluhan pa rin akong nakatayo at nakatingin don.

"Heir of KIM Incorporate, publicly announces his engagement to JNK company's CEO, Jennie Kim,"

Nanlaki ang mata ko at natigilan sa kinatatayuan ko. Kitang-kita ko pa kung paano syang pekeng ngumingiti habang nasa harapan ng mga camera.

"Yes, it's true. We're currently engaged and the wedding will take place soon enough,"Taas noong sabi nya.

Napakuyom ang mga kamao ko at napakagat sa ibabang labi ko para pigilan ang galit ko. Kung pwede lang ay sinugod ko na sya para kwelyohan at suntukin ng ilang beses.

"Bakit hindi mo sinabing ginawa pala sayo yan nina dad?!"Galit na baling sakin ni kuya.

Naiintindihan ko naman yung pinanggagalingan ng galit nya at alam kong may kasalanan din ako kaya hindi ko sya masisi.

"I didn't want you to get worried..."

"I'm your damn brother! I could've talked to mom and dad para pigilan to!"Sagot ni kuya. Pilit syang pinapakalma nung tatlo pero galit talaga sya.

Hindi ko magawang sumagot. Naghahalo-halo na yung emosyon ko. Galit, inis, pagsisisi at kung ano-ano pa. Buti na lamang at hindi sumasabay ang sakit ko sa puso.

"Pre, ayokong mangielam pero kumalma ka muna. Walang patutunguhan to kung magpapadala ka sa galit,"Sabi ni Namjoon at hinawakan sa braso si kuya.

Napabuntong hininga sya at napapikit nang mariin.

"Let's talk later,"Mahinahong sambit nya at bahagya akong tumango.

Akmang lalabas na sina kuya pero napatigil sila nung bumukas muli ang pinto at pumasok ang secretary ko

"Ms. Kim, someone's here to see you,"

"Sino?"

Please lang, sana naman hindi to dagdag sa problema ko.

"Jung Krystal po."


_____

a/n: Happy o sad ending?? Help meh. Natutukso akong gawing sad ending.. dejk.

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now