Chapter Seven

208 9 6
                                    

WHITE ceiling, sound of a beeping machine at si kuya na nakabantay sakin. Yan yung bumungad sakin pagkamulat ko palang ng nga mata ko.

"O-oh teka, tatawag lang akong doc--"I cut his words off. Bahagya ko syang hinigit mula sa palapulsuhan nya.

"Wag na, kuya. Okay lang ako,"Pinilit kong umimik pero nanghihina pa rin ang boses ko.

Wala namang nagawa si kuya dahil request ko na mismo yon. Bumalik na sa pagkaka-upo si kuya at ramdam kong balisa sya. Nakatingin sya sa kawalan at parang may gustong sabihin sakin.

"Sana panaginip na lang tong pangyayari na to,"Bulong nya. Bumaba ang tingin nya sakin, puno ng lungkot ang mga mata nya at napabuntong hininga sya.

Sana nga...

"May gusto kang sabihin noh?"Tanong ko. Pinilit kong magtonong masaya at ngumiti ako kahit ang hirap para sakin.

"Ikaw, alagaan mo nga sarili mo! Umalis lang ako saglit, inatake ka na naman daw, tss."Parang pinilit nyang palabasin na galit sya pero parang nadurog yung puso ko nung biglang tumulo yung luha nya.

"K-kuya..."Sambit ko at pakiramdam ko ay konti nalang ay tutulo na rin yung mga luhang nagbabadya. "Narinig ko yung kanina."

Tila napatigil sya sa pagluha at kumunot ang noo. Naguguluhan sa sinabi ko. Nag-aalinlangan ako kung itutuloy ko ba yung sasabihin ko dahil pakiramdam ko ay saksak yon sa sarili ko.

"Ang alin?"Tanong nya at pinunasan ang mga luha nya.

"Y-yung sinabi ng doctor..."

[ Flashback... ]

After years, andito na naman ako sa pinaka-ayokong lugar.

I'm sick of this hospital. Halos kalahati ng buhay ko ay dito ako nagstay. Pakiramdam ko nakakulong ako dito. Parang wala akong pag-asang makaramdam ng kalayaan.

I sighed and looked around me. Nasa private room na ko at walang ibang tao bukod sakin. Natatakot na ko sa lugar na to, ayokong mabuhay na nandito lang ako nakakulong.. nakakasakal.

Kahit nanghihina pa rin ako ay tinanggal ko yung nakakabit sa ibabaw ng palad ko at nagtangkang lalabas. Nang mahawakan ko ang pinto ay may narinig akong pamilyar na boses sa labas. Hindi ko tinuloy na buksan ang pinto at piniling pakinggan sila.

"How's my sister, doc?"Tanong ng pamilyar na boses. Hindi ako pwedeng magkamali, si kuya yon.

I heard a sigh. I don't know pero dun palang ay kinabahan na ko. Bumilis kaagad ang tibok ng puso ko at alam kong delikado yon para sakin.

Tanginang sakit to.

Imbis na pansinin yon ay binaling ko ang atensyon ko pabalik sa usapan nila.

"She's doing good, as of now..."Sagot ng doctor pabalik nang may mahinang boses. My brows furrowed when he said 'as of now'

Please tell me this is not the same thing I have in mind.

"What do you mean by that?"

"She's..."Parang ang hirap para sa doctor na bitawan yung mga salita. Kasabay ng kaba ay ang takot na nararamdaman ko. "Her heart condition worsen and..."

Worsen? Fvcking tell them I'm okay!

Gusto kong lumabas don at sabihing okay ako. Gusto kong putulin yung mga kasunod na sasabihin nya. Kasi putangina natatakot ako. Gusto kong marinig na okay ako, na magaling na ko and I don't need to stay in this hospital room any longer!

Nakaka-suffocate...

"Anong worsen? Doc, she takes her pill every day! How can her heart problem worsen?!"I got startled by kuya. Gusto ko rin sabihin yung mga salitang sinabi nya.

I mean, paano? Damn it, I take those medicines everyday na sawang-sawa na ko!

"Those pills weren't enough. From the start alam naman nating surgery ang kelangan nya para malagyan ng machine to help pero she's still young.. her body wouldn't have been able to take it."Paliwanag nya at this time, alam ko na kung saan to patungo.

"Then anong gagawin namin? Tell me! More medicines? Kahit ano! Just let her get better, please doc..."His voice cracked and at that moment, kahit hindi ko sya kita, alam kong umiiyak si kuya.

Please, don't let my kuya cry...

"We're sorry to say this but.. your sister's terminally ill."

I knew it...

Nabitawan ko ang doorknob at pakiramdam ko ay walang lakas ang buo kong katawan. Nagsimulang manlamig ang mga kamay ko at puno ng luhang nagbabadyang bumagsak ang mata ko. I felt so fucked up.

I'm scared. Alam kong mahina ako noon palang pero I never thought na this day would come. Yeah, alam kong darating talaga yung araw na mamatay din ako pero I wasn't expecting it to be this soon.

Ang dami ko pang gustong magawa sa buhay ko. I still kept on dreaming of being genuinely happy. Yung walang iniisip. That was my ultimate dream.

All my life, puno ng hirap at burden nalang. Bata palang ako nung lagi na kong nakakulong dito sa apat na kantong kwarto dito sa ospital. Inggit na inggit ako non sa mga batang malayang nakakapaglaro sa labas. They look so happy playing with their friends or siblings. Kasi ako, kahit mismong kuya ko nilayo sakin.

Nung nakalabas naman ako from the hospital they immediately sent me to a school. It was a handful of burden. I had to get first place every time. I needed to meet their expectations kahit na nahihirapan ako. I had to take the course that I didn't even want.

I was never free.

Then, ganto? Well fuck everything. All of a sudden, maririnig ko nalang na may taning na buhay ko.

Is it really a crime for me to be happy? To be free?

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now