Chapter Nineteen

200 8 5
                                    

Jennie Kim's POV

"HA?! Fiance?!"

Tumango nalang ako at kumain ng pizza, pinilit ko na magmukang parang wala lang sakin yung sinabi ko na yon. Sensitibong topic yon para sakin pero ayokong ipakita o ipaalam sa iba. Umiwas din ako sa mga tingin ni Taehyung dahil alam kong alam nya yung impact non sakin. He even saw me cry my eyes out.

"Eh bakit-"Magtatanong pa sana si Jimin pero naputol yon dahil bigla syang sinungalngalan ng pizza sa bibig ni Taehyung. Nanlaki mga mata ko habang tatawa-tawa naman tong si Jungkook.

"Tol, ang sarap nung pizza diba? Sige, kain ka lang. Stay healthy, bhie!"

"Tangina mo, Taehyung! Sunduin ka na sana ni Satanas!"Banta ni Jimin at sinapok. Grabe pa rin ang halakhak ni Jungkook habang nakatitig lang ako sa kanila habang kumakain ako. Priorities first.

Nagpapasalamat ako actually kay Taehyung dahil ginawa nya yon. Don't get me wrong, hindi ko gustong sungalngalan si Jimin.. medyo lang, chour. Ayoko lang na magtanong pa sya though hindi ko sya masisisi dahil wala naman syang idea sa mga nangyayari.

Natapos kaming kumain at nagligpit na rin agad kami pagkatapos. Binaling ko atensyon ko sa bintana at nakitang padilim na. Halos isang oras ata kaming kumakain dahil puro daldal ginagawa namin. I didn't wanna go home. I jut feel so lonely there. Konting oras lang kaming magkakasama pero hindi ko alam kung bakit parang komportable ako sa kanila at para bang ang panatag loob ko.

"Gusto mo na ba umuwi?"Tanong ni Taehyung sakin. "Grabe titig mo sa labas eh."

I bit my lower lip, nag-aalinlangan kung sasabihin ko ba but I still did. "... Can I go home a bit later?"

Napakunot ang noo ni Taehyung. Hindi niya siguro inaasahan yung sagot ko. Well, ako rin. Hindi ko nga rin alam kung  bakit ako nandito in the first place.

"Seryoso ka ba? Hindi ka ba busy?"Tanong nya at umiling ako kahit na marami pa talaga kong gagawin. I don't wanna go home, okay? "Sige, sabi mo eh..."

Hindi ko mapigilan na ngumiti. It's been years nung tumambay ako sa bahay ng kaibigan ko- maybe I could refer to them as friends na, hindi naman nila ko patutuluyin nang ganto kung hindi diba? Naalala ko mga kaibigan ni kuya. Dati lagi silang nasa bahay at doon tumatambay pero simula nung maging adults kami, puro nalang kami trabaho at sa office nalang din kami nagkikita.

Bumalik kami sa living room at nakita kong nasa sofa si Jimin at nagphophone. SI Jungkook naman ay naglilipat ng channel sa TV habang may pagkain sa kamay. Seryoso, hindi ba nabubusog tong taong to?

Umupo ako sa solo seat na sofa, katapat non yung inuupuan ni Jimin. Nasa gitna yung malaking sofa kaya andon si Jungkook at Taehyung. Ilang minuto ang lumipas at hulaan nyo kung ano pinapanood namin ngayon.. sige na, sasabihin ko na... Dora the effin explorer. 

"Hoy, tangina ang bobo ha! Sabing nasa likod mo, punyetang to. Ipupukpok ko tong lamesa sayo eh!"

"Jennie, kalma, maawa ka kay Dora!"

"Lubayan mo yung table, maawa ka, kapapalit lang nyan!"

"Patayin na kaya natin yung TV? Baka maging kriminal pa tong taong to dahil sa Dora na to."

Jimin ended up changing the channel of the TV dahil baka daw madamay pa yung inosenteng table at TV nila sa kagigilan ko. First time kong nanood ng dora buong buhay ko kasi kahit nung bata pa lang ako, I hate cartoons. I only liked Barney, lol. We just watched a movie na nakita namin and it's better than that dumb explorer. 

Tumingin ako sa wrist watch na suot ko at nakitang malapit na pala mag-8 ng gabi. Hindi ko manlang na-realize yon dahil masyado akong nalibang sa company nila. Though nanunuod kase kami ng movie, hindi nawawala yung daldalan.

To My Last Life || TaennieDonde viven las historias. Descúbrelo ahora