Chapter Thirty-five

55 3 0
                                    

Trigger warning / mention of death. read at your own risk.


Kim Taehyung's POV

"WE now introduce to you, the new chairman and CEO of KIM company, mr. Kim Taehyung!"

I did it.

Lumaban kami kina kuya at hindi ako binigo ng mundo. Nalinis ang pangalan ko at naibigay ang kompanya sa'kin katulad nang sinabi ni dad.

Dad, I hope you're proud of me.

As for my step mom and kuya, they have pending cases dahil nalaman namin na sila ang nasa likod nang pagkawala ni dad at ng iba pang anumalya. It angered me, sobra, but I didn't want that anger to fill me up and drive me.

Sumagi sa isip ko na 'wag na ituloy ang mga kaso kina kuya, lalo na at nalaman din namin na magkakaroon ng anak si kuya at si Krystal but people told me that it was only a small price to pay for the things that they've caused. Hindi lang sa'kin kundi pati na rin sa mga naapektuhan nila. Mahirap sa pakiramdam na alam mong isa ka sa dahilan kung bakit hindi masasaksihan ng isang ama 'yung pagsilang ng anak n'ya pero life isn't always in anyone's favor.

"Gago, congrats, pre! Mamahalin ka na talaga, jowain mo naman ako!" Parang tangang bungad ni Jungkook sa'kin matapos ang event.

"Pre, wag. Sa'kin ka na lang," Epal pa nitong si Jimin.

"May jowa ako, anong pake ko sa inyo?"

"Medyo leche ka sa bandang 'yan." Pairap na sabi ni Jimin, palibhasa wala pa ring jowa 'tong mga 'to.

"Celebratory drink tayo dali, kupal," Pag-aaya ni Jungkook pero mabilis akong tumanggi. "Pabibo, bakit hindi?!"

"Sabing may jowa nga ako at pupuntahan ko!"

"Magbreak muna kayo, ako muna jowain mo!"

"Gago ka, Jeon Jungkook!"

"Pre, kanta ka nga paubaya, eemote lang ako dito," Tapik ni Jungkook kay Jimin na sinapok s'ya dahil sa kagaguhan n'ya.

Bago pa kung saan mapunta usapan namin ay nagpaalam na 'ko sa kanila para puntahan si Jennie. Miss na miss ko na jowa ko, grabe 'yon.

Huli kaming nagkita ay noong inihatid ko s'ya pauwi sa kanila na ilang linggo na ang nakalipas. Pero sa kabila no'n, palagi kaming magka-usap sa text o kaya sa tawag. A day never passes by without us talking to each other, hindi man matagal pero at least we give time. Understandable since both of us are heads of our own companies.

She was always there to cheer me in this battle. Palagi n'yang sinasabi na kaya ko. Palagi s'yang naniniwala sa'kin at isa sa napakaraming rason para mahulog ako nang mas malalim sa kan'ya.

Hindi ko mapigilan na ngumiti nang makasakay ako sa kotse ko at inilabas ang phone para itext si Jennie. Naghintay ako nang ilang sandali para alam ko kung saan ko s'ya pupuntahan. Masyado akong masaya ngayon dahil sa wakas ay natupad ko ang binilin sa'kin ng tatay ko.

Lumipas ang kaunting oras pero wala pa rin s'yang sagot sa text ko, kaya naman naisipan ko na tumawag na lang. Pero kahit ilang beses pa akong tumawag ay hindi n'ya 'to sinasagot. Siguro ay busy kaya naman nag-iwan na lang ako ng message sa kan'ya na papunta ako sa office n'ya.

Puno ng pag-aalala ang isip ko pero isinantabi ko 'yon dahil dapat ay masaya ako ngayon. Sinubukan kong 'wag mag-isip ng kung anu-ano at imbis ay intindihin na lang siguro dahil marami s'yang responsibilidad.

Nang makarating ako sa ay agad na bumungad ang pagbati sa'kin ng mga empleyado roon. Hindi lang siguro dahil kilala ako dahil sa KIM company kundi pati na rin sa pagiging boyfriend ni Jennie. One of the many perks, I guess.

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now