Chapter Eighteen

163 6 3
                                    

Kim Taehyung's POV

"TOL, hindi mo naman sinabi pinagpalit mo na pala ko."

Maarteng sabi ni Jungkook at pinatong pa yung kamay nya sa ibabaw ng dibdib nya na parang nasasaktan habang nakatingin kay Jennie na muka namang walang pakielam. Ganto ba talaga to makatingin? Parang mangangalmot na to mamaya eh.

"Sabi mo ako lang, tol... ano to?"

"Manahimik ka dyang kupal ka."Sabi ko at binato sya nung sapatos na napulot ko dito sa sahig. Mabilis namang umilag si Jungkook at tatawa-tawa pa nga. 

"HInayupak, tulungan nyo kaya ko dito noh! Ako lang naghihirap dito sating magkakaibigan eh, nasan ang hustisya?!"

Agad kaming napalingon kay Jimin na galing sa may pinto, may dalang tatlong patong ng malalaking container. Mas malaki pa nga ata sa kanya yung dala nya. Hindi na ko nagtataka kung bakit hindi sya tumangkad, hehe.

"Kaya mo na yan, tol. Naniniwala kami sa himala."Asar ko pa habang pinaghawak ko ang palad ko na parang nagdadasal.

"Tangina nyo, wag kayong kakain nang isang buwan!"

Agad kaming nagtinginan ni Jungkook nang nanlalaki ang mata. Mabilis kaming lumapit kay Jimin at kinuha namin yung dalawa mula sa kanya. Si Jimin lang pag-asa naming mabuhay, pareho kaming hindi marunong magluto, pa-good shot na lang kami kay Jimin.

"Kami na magdadala nito, tol!"

"Oo nga, grabe ang sipag mo masyado! Gusto mo munang magpahinga? Papasuntok kita kay Jungkook para sure na tulog ka."Sinamaan ako ng tingin ni Jimin kaya agad akong ngumiti sa kanya na parang wala akong sinabi at dumeretso na sa kusina.

Puro groceries ang laman nitong mga container. Syempre para may supply sila ng pagkain. Mga patay gutom pa naman. Magkakasama kami ditong tatlo dito dati kaso nung umalis ako sila nalang natira, pero syempre dahil bumalik na ko, dito na ko manggugulo.

Dahil mga kupal nga yung dalawa, iniwan nila sakin yung container at ako ang pinag-ayos ng mga yon. Gusto ko silang ibaon sa lupa pero di na ko umangal, baka palayasin pa ko dito.

Sumilip muna ako sa kanila para tingnan kung anong ginagawa ni Jennie kasama nila. Nakita kong kinakausap sya nung dalawa at mukang komportable naman sya kaya di ako nag-alala. Habang nag-aayos ng mga to ay walang ibang laman ang isip ko kundi mga sumpa ko para kina Jungkook at Jimin. 

"Kelangan mo tulong?"

"Ay, putangina! Ama namin, santisima!"Gulat na sigaw ko nung bigla kong marinig boses ni Jennie. Naitapon ko pa yung isang balot ng ramen sa gulat.

"Gulat na gulat?"Nagpipigil ng tawang tanong nya. Ngumiwi lang ako sa kanya at tinuloy ko nalang yung pagliligpit ko.

"Bakit ka naligaw dito?'

"Normal pa ba mga kaibigan mo?"Tanong nya pabalik. Biglang napakunot noo ko. Gustong-gusto ko sanang sabihin na hindi talaga normal yung mga yon. Napulot lang yun sa mental ng mga nanay nila eh. Chour.

"Pag-iisipan ko pa yung sagot dyan, bigyan mo kong mga limang taon."Sagot ko at bahagya syang napatawa.  Bigla syang lumapit sa tabi ko at akmang tutulungan na ko. "Kaya ko na, balik ka na don. Alam kong tarantado mga kaibigan ko, pagpasensyahan mo nalang."

"Sige."Sabi nya at binatawan yung hawak.

Taena.. di manlang magpipilit?

Napa-awang nang bahagya ang labi ko. Grabe, ganto ba talaga to kabilis kausap? Bago pa sya maka-alis ay bahagya ko syang hinawakan sa may pulsuhan, dahilan para mapabaling sya sakin. Nag-aalinlangan pa kong umimik.

"A-ano... Tulungan mo na pala ko."Pahina nang pahina boses ko. Tiningnan nya pa ko sandali bago bahagyang tumawa at dumeretso dun sa pwesto nya kanina.

Tumuloy na ulit ako sa ginagawa ko. Ilang minuto kaming nababalot ng katahimikan pero hindi naman awkward. Pero hindi talaga mapakali bunganga ko, gusto ko na talagang dumada.

"Je-"

"Hoy! Sino sa inyong dalawa umorder ng pizza! Punyeta kayo magbayad, mga mapang-abuso!"Naputol yung sasabihin ko dahil sa malakas na sigaw ni Jimin. Napabaling na naman don ang atensyon namin.

"Akin yan! Tsaka ako naman talaga magbabayad, feelingero ka ah."Sagot pabalik ni Jungkook at dumeretso sa gate.

"Wow ah, may pagkain na kayo dito nagpapa-deliver pa kayo?"Sabi ni Jennie haban nakakunot ang noong nakatingin sa direksyon ng sala.

"Labas na kayong dalawa! Baka lamunin na tong buo ni Jungkook!"

"Sandale, wag kayong patay gutom!"Sigaw ni Jennie at iniwan ako sa kusina na nakakunot ang noo.

Huli na ba ko sa balitang close na agad silang tatlo...?

Hindi na ko magtataka, unang pagkikita pa nga lang namin ni Jennie minura na ata ako non. Grabe, iba tipo ng pagka-friendly nitong taong to.

Lumabas na rin ako at agad na bumungad sakin ang malaking pizza na nakapatong sa coffee table ng living room namin. Naka-upo sa sahig yung tatlo at nakapalibot na sa pizza. Binubuksan palang nila yon.

Inorder to ni Jungkook para sa sarili nya? Tangina... May anaconda ba to sa tiyan?

"Kuha ka nga maiinom dun sa ref, tsaka baso na rin."Utos ni Jimin at napatigil ako sa paglalakad habang nakataas ang kilay.

"Wow, katulong ba ko dito, sir? Bayad ba ko dito?"Sarkastikong tanong ko habang nakaturo pa sa sarili ko.

"Kapag nabulunan kami at namatay sagot mo palibing,"Dagdag ni Jennie habang sarkastikong nakangiti. "Yung pa-kape dapat Starbucks, ha?"

"Tangina... Ayos ah, may dumagdag pang isa sa umaapi sakin."

Kumibit balikat pa si Jennie. Napabuntong-hininga ako at kahit sobrang labag sa loob ko ay kumuha ako ng softdrinks at mga baso sa kusina. Agad kong ipinatong yon sa table at umupo sa pagitan ni Jennie at Jungkook dahil don nalang yung bakante.

Syempre, dahil magkakasama kami, hindi kami kumain nang payapa. Akala ko maiinis si Jennie dahil ang ingay namin habang kumakain tapos yun pala pasimuno pa ng kaingayan leche. Akala ko pa naman sya yung tipong napaka-elegante.. akala ko lang talaga.

"Matanong ko lang, bakit dito kayo napapunta ni Taehyung?"Tanong ni Jimin habang ngumunguya.

"Balak ko sanang maging akyat-bahay tas kayo una kong target ganon."Sabi ni Jennie dahilan para mapasapo kami sa noo namin.

"Ako naman magtatanong."Singit ni Jungkook.

"Grabe, di naman ako na-inform na may pa-Q&A pala dito sa bahay na to."

"Anong meron sa inyo ng Taehyung ko?"

Gusto kong batuhin si Jungkook nung baso. Talagang pinanindigan pucha. Napangiwi pa si Jennie.

"Walang meron samin, kaya iyo na yan."Sagot nya.

Aray. Pinamigay ba nya ko?

"Eh pano kayo nagkakilala? Binudol ka ba nitong tropa namin?"Tanong na naman ni Jimin.

"Dahil fiancé ko yung kuya nya..."

_______

a/n: Btw sorry sa sobrang late na update huhu kaiyaq sa dami ng schoolworks :'))

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now