Chapter Fourteen

152 5 6
                                    

KASALUKUYAN akong nakatayo ngayon sa harapan ng kompanya ko habang iniisip kung saan naman ako pupunta ngayon dahil sa katangahan ko kanina.

Nasa parking lot yung driver at sasakyan ko pero hindi ko magawang pumunta don. Baka mamaya don nakapark yung sasakyan ni Jongin, edi nagkasalubong na naman kami, walang kwenta pagmumuka kong tanga sa kausap ko kanina.

Tatawagan ko na sana yung driver ko pero napatigil ako nung may tumigil na sasakyan sa harapan ko. It's a black Mercedes Benz.

Binili ba ko ng driver ko ng bagong sasakyan?

Tinted yung mga bintana kaya hindi ko makita kung sino yung nasa loob. Biglang bumaba yung bintana at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino yon.

"A-anong ginagawa mo dito?!"

Kim Taehyung in you area.

"Sinusundo ka,"Nakangising sabi nito, dahilan para magsalubong ang kilay ko.

"At kelan pa kita naging driver?"

"Ulol, masyado akong gwapo para maging driver mo,"Pagyayabang pa nya kaya sarkastiko akong napatawa sa kanya.

"Ha ha gandang joke ah, pasado ka ng clown,"Asar ko at ngumiwi sya sakin. "Bakit ba andito ka?"

"Tumawag ka lang naman sakin kanina at dumada ng hindi ko maintindihan,"Sabi nya at nanlaki ang mga mata ko.

Hindi naman siguro sya yung natawagan kk kanina diba?

Nagmamadali kong kinuha ang phone ko mula sa shoulder bag ko at binuksan ang call history ko. Halos mapamura ako nung makita kong sya nga yung natawagan ko. No wonder parang hindi boses ni kuya o alin man kina Namjoon.

Infairness, sarap sa ears nung deep voice nya.

I shook off those thoughts at binaling nalang ang atensyon ko sa kanya na nakangisi naman ngayon. Talagang muka pang mang-aasar ha! Pero biglang naging seryoso yon at nanlaki ang mga mata.

"Sakay na, kita ko na si kuya Jongin!"

Na-alarma ako bigla at hindi na ko nag-aksaya ng oras at mabilis na sumakay sa kotse nya. Nang makasakay naman ako ay biglang tumawa si Taehyung. Kumunot ang noo ko sa kanya habang nagtatakang nakatingin sa kanya.

"Tinatawa-tawa mo dyan? Magdrive ka na paalis!"

"Kingina, sabi ko na si kuya na naman tinatakbuhan mo eh!"Sabi nya at humagalpak ng tawa. Sarap isubsob sa manibela nung muka nya eh.

Pakiramdam ko ay kumukulo ang dugo ko sa kanya nung mapagtanto kong na-fake ako. Kung legal lang pumatay sa oras na to, pinaglalamayan na talaga tong katabi ko, promise.

"Moon ka ba?"Tanong ko sa kanya habang may pekeng ngiti, bigla naman syang napatigil sa pagtawa at binigyan ako ng mapang-asar na tingin.

"Yie, ikaw ha? Bakit? Kasi ako ang nagbibigay liwanag sa madilim mong mundo?"

"Hindi,"Sagot ko habang unti-unting napawi ang ngiti ko na napalitan ng nagbabantang tingin. "Moon-tanga ka. Magdrive ka nalang, pwede?!"

Tinaas nya ang dalawa nyang kamay na parang sumusuko na. Umirap lang ako kaya naman binaba na nya yon at agad na nagsimulang magdrive.

"San tayo, lods?"Tanong nya.

"Anywhere,"Simpleng sagot ko.

Tumango si Taehyung at nabalot na kami ng katahimikan. This time, hindi sya awkward. Hindi ko alam pero I just feel comfortable around him kahit hindi naman kami ganon ka-close. Dapat nga umiiwas din ako sa kanya kasi kapatid nya si Jongin pero he just feels different from his brother.

After a few minutes, nakarating kami sa mall. We decided na kumain muna ng breakfast, total pareho naman kaming hindi pa nag-aalmusal.

"Hindi ka ba busy? Balita ko nagtatrabaho ka na rin sa company nyo,"Tanong ko bago sumubo ng salad ko.

"Mamaya pang hapon pasok ko don, ako kasi nagbabantay kay dad sa umaga,"Sagot nya while eating and I nodded. "Ikaw? CEO ka pa naman."

"Busy pero kelangan ko rin ng break, I can't get stressed,"Sagot ko at kahit labag sa loob ko, kinain ko na yung salad. Damo na naman!

Pagkatapos namin magbreakfast ay pumunta kami sa bookstore. May kelangan daw kasi syang bilhin kaya hindi na ko umangal at sumama nalang.

"Hindi ka ba pipili ng sayo?"Tanong nya habang patuloy sa paghahanap nung libro na kelangan nya.

"Nope, hindi naman ako mahilig magbasa,"Sagot ko at napatingin sya sakin na may ngiti.

"Apir, ako din,"Sabi nya habang nakataas ang isang kamay. I bit my inner inner cheeks para mapigilan yung sarili ko na ngumiti. Muka kasi syang bata, lalo na dahil sa ngiti nya na parang rectangular.

Ngumuso sya nung nilampasan ko sya at hindi umapir. "Grabehan talaga, tsk!"Reklamo nya at bumalik na sa paghahanap.

Nakita kong may kinuha syang libro mula sa shelf at hindi naman ako nag-abalang alamin kung ano yon. Naglakad kami papunta sa ibang section, wala lang, maniningin lang.

"Ay bawal ka dyan, baka masunog ka! Tabi!"Sabi nya at hinigit ako.

Nagsalubong ang kilay ko sa kanya habang nagpipigil naman sya ng tawa. Lumingon ako palikod para makita kung ano ba yung tinutukoy nya.

Religion section, puro bible.

"Kingina ka, ha!"

Susuntukin ko sana sya pero mabilis syang naka-iwas habang tawang-tawa pa. Parang lalong mapapadali buhay ko dito sa ungas na to.

Matapos yon ay binayaran na nya yon at naglakad-lakad kami dahil wala na kaming ibang gagawin dito. Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang may maramdaman na kakaiba. Nandito na naman yung pakiramdam na parang nangyari na to noon.

Nagtataka na talaga ko dahil tuwing sya yung kasama ko, lagi nalang ganto. Minsan nga tinatanong ko na yung sarili ko kung nagka-amnesia ba ko o kaya naman na-untog ako, ganon.

"Kelangan ko nang bumalik sa office,"Sabi ko dahil naalala ko yung mga gamot na kelangan kong inumin.

Tumango sya. Naglakad na kami papunta sa parking area at hinatid kaagad ako pabalik sa company.

"Kung kelangan mo ulit ng kasama, tawag ka lang sakin."

_____

a/n: HALP MEH, kennat paking decide dheje :'))

Balak kong gumawa ng series pero hindi ko alam kung Stray Kids? TXT? Treasure? NCT? hALPppPpP.

Edit [10 | 03 | 20]

Wala sa pinagpilian ang magkakaron ng series dahil kasama sa debut line-up bb Jake ko🤩 Enhypen Series soon! Sana support nyo pa rin yon!

To My Last Life || TaennieWhere stories live. Discover now