Chapter 1

63 11 14
                                    


Nagmamadali akong mag-abang ng masasakyan papuntang school dahil sobrang late na ako. Mag aalas diyes na kasi ng umaga at ang first subject namin ay 9:30 am. The main reason lang naman kung bakit late na akong nakalabas ng bahay ay dahil sa dami ng utos ng tita ko. Kung makautos kasi parang ayaw na akong paalisin ng bahay. Mabuti nalang at hindi na ganon karami ang mga taong nag-aabang ng masasakyan. Lagpas na kasi sa rush hour kaya ganun. Tagaktak ang pawis sa mukha ko at ang gulo-gulo pa ng mahaba kong buhok dahil nakalimutan kong magsuklay sa pagmamadali ko.

Nang makarating ako sa school ay patakbo akong pumunta sa room namin at maingat na binuksan ang pintuan.

" Girl! Finally, you're here! " Halos matapon ko ang mga dala kong libro ng lumuwa sa harapan ko si Billie. Ang aking best friend.

" Billie naman! " sabi ko sabay hampas ko sa braso niya.

" Opps! Sorry! Did I scare you?" sabi niya na tatawa-tawa pa.

" Sobra! Akala ko si sir " Nakasimangot kong sabi.

" Absent daw si sir ngayon. Lucky day mo ata girl! Wait, ba't late ka? " Tanong niya nang maka upo na kami sa upuan namin.

Siya si Billie Kate Misaki. Ang bff kong half Japanese na lagi nalang akong pinapagalitan pag late ako. Pero love na love ako niyan. Magka-klase lamang kami nito sa minor subjects dahil magka-iba ang course namin. She's taking up Tourism while me, I took up Agriculture. And even though magkaiba kami ng course ay hindi na masyadong malungkot dahil same school pa din naman kami.

" Sorry na po mam. Alam mo naman si Tita maraming utos. Kala niya ata maid niya ko. " Paliwanag ko habang hinahalukay ang aking bag. Naghahanap ng pulbo at suklay. Feeling ko ang haggard ko kasi.

" Ikaw naman kasi. Sinabi ko na sayong isumbong mo na sa mama mo yan. Ayaw mo namang gawin! Tingnan mo nga yang braso mo! May pasa na naman. Tsk Tsk Tsk"

Si Billie lang ang tanging nakaka-alam sa mga ginagawa ng Tita ko sakin. After all, she's my bestfriend since high school. I have friends but, I trust her more than them. Iba talaga pag bestfriend na mapagkakatiwalaan diba?

" Bes naman. Alam mo namang ayaw ko ng gulo. Tsaka palengkera ang bunganga ng Tita ko. Ibubuka niya palang ang bibig niya, talo na ko dun. " Malungkot kong sabi habang nagpupulbo.

" Hayss. I'll just pray for you bes. Why don't you go with me later? We will have a Bible study with my churchmates. "

" Bes, diba sabi ko sayo ayoko ng mga ganyan? Tsaka di ako papayagan diyan ng Tita ko no. Alam mo naman yun. " Pagtanggi ko

Si Billie ay isang certified Jesus freak. Yan ang lagi niyang tawag sa sarili niya. She has a very strong faith in God. Me? I don't know. I believe in God. But my faith is not as strong as hers. Or maybe, it no longer exists.

Billie has a beautiful face. Her skin is as white as snow. Halatang may lahi. She also has beautiful eyes like a doll's. It's not the usual singkit like what the Japanese people have. Her hair is curly brown that makes her look like a living doll.

" Ok fine. I understand. But I hope you will come with me next time. " Tumango lang ako sa kanya dahil dumating na ang teacher namin sa pangalawang subject.

Matapos ang klase namin ay naghiwalay na kami ni Billie. Major subjects na kasi ang susunod naming klase at medyo malayo pa ang lalakarin namin sa kanya-kanya naming silid-aralan.

" Bessy, see yah at lunch ha "

" Mn. Same place ba? Sunduin mo nalang ako pag nauna kang matapos at kung ako naman mauna, sunduin din kita. "

Taming The RainWhere stories live. Discover now