Chapter 9

15 5 1
                                    

Napabalikwas ako sa tunog ng alarm clock ko, at doon ko lamang napag-alamang I am late for my next class.

Sa totoo lang, I already woke up earlier na talaga at 5 am to do my devotional and prayer. Pero nakatulog pala ako ulit so pagising ko, 9:30 am na and my next class is 10 am!

Today's a little different because Billie is not here. She has a 3 days trip to Bohol for their tour. Kasi nga Tourism Management ang kinuha niyang course at every near end of semester ay nagto-tour sila.

Grabe, ang bilis ng panahon. Parang kahapon lang kami nag enroll for 1st year college at ngayon ay mag se-second year na kami. Anyways, super late na ako kaya binilisan ko ang pagkilos ko. Mabuti nalang at na ready ko na lahat ng bag at books ko kagabi.

After ko mag-ayos ng lahat ay dali-dali akong lumabas at nilock ang apartment ko. I also unplugged all the cables before I left, for safety purposes.

Mygash Lord! Late na talaga ako dahil 9:50 na! Magpapalate na lang siguro ako ngayon. Early bird naman ako lagi eh.

Pupunta na sana ako sa sakayan ng jeep ng may humintong sasakyan sa harapan ko.

Turns out, it's him again. Si Matthew dude!

Dahil sila nga ang may ari ng building nato, at sa harap lang ang bahay nila, di talaga maiiwasan na magkrus ang aming landas.

"Esther, are you going to school?" aniya pagkatapos niyang binaba ang window malapit sa driver seat.

I nodded at him in response.

"Hop in. I'm going to the cafe today."

Mygash! Life saver.

Di na ko nag-inarte pa at dali-daling sumakay sa back seat. After all, ayaw na ayaw ko talaga malate.

"Thanks."

"No worries." He smiled and started to drive.

Tahimik lang kami sa buong byahe pero napapansin ko na panay nakaw tingin niya sakin. Pero di tayo mag-assume dahil baka guni-guni ko lang yun.

Dahil malapit lang ang apartment sa school, parang 5 minutes lang pag sasakay ng jeep at 15 minutes naman kung lalakarin, nakarating agad kami sa school.

Nagpasalamat ulit ako sa kanya bago bumaba sa sasakyan at tuluyan ng tumakbo dahil 9:57 na. Buti na lang at nasa 1st floor lang ang klase ko ngayon.

Nakarating ako sa room namin at exactly 10:00. Grabe ka Lord, exact time talaga! I thank God in my mind.

Back then as a child, I always had a habit of speaking to God about everything. Even though I know that He sees everything I was doing, I still want to tell Him everything. Because it gives me comfort. I'm glad to know na hindi pala ito nawala sakin.

The class started and my subject for today's class is Soil Fertility Conservation and Management. It's one of our major subjects, kaya di talaga pwedeng ma late.

I just focused on my class and did my best to answer all of my quizes.

Fast forward..

After ng klase ko ay dumiretso na ko sa Ginhawa Cafe para sa part time job ko. Yes. Hindi po ako tumigil sa pagtatrabaho. Kasi kailangan kong tulungan si mama. But it remained a secret from my mom.

Nakakapanibago lang ang araw nato kasi wala si Billie. Buti nalang at ka-close ko na sina Kuya Jacob at Ate Eli. Kaya di na ko masyadong nahihiya sa kanila. May pagka introvert din kasi ako. Hindi nakikipag-usap sa di ko kilala. So I'm glad na medyo naging close kami para naman hindi ako masyadong na o-awkward.

Taming The RainOn viuen les histories. Descobreix ara