Chapter 7

14 5 0
                                    

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na kasama ko na si Mama. Napaka-meaningful nang mga moments na aming nabuo at madami akong natutunan sa kanya. I witnessed how strong she is because of the Lord. Two weeks lang siya mamamalagi rito sa Pinas at sobrang bilis nang panahon kasi 1 week na ang nakalipas simula nang dumating siya.

Napag-usapan din namin ang nangyari noong doon pa ko nakatira kina Tita. Araw-araw daw kasi tumatawag si Tita kay Mama para mag-chicka ng kung ano-ano. Sadly, most of it are lies. Kaya nga inakala ni Mama na nagrebelde ako at natuto nang magbarkada kasi palaging sinasabi ni Tita na late na akong umuuwi sa bahay. Doon mas nadisappoint si Mama sakin.

Mama and I talk with each other heart to heart every night after we pray.
She also bought me a new phone para hindi nako makihiram sa spare phone ni Billie. Napag-usapan na din namin ni Mama na lilipat nako ng apartment  dahil ayaw na niyang makitira pa ako kay Billie. Sobra-sobra na raw kasi ang tulong na nabigay nina Bessy samin at ayaw naman ni Mama na abusuhin ang kabaitan nila.

Kakagising ko lang pero parang ayaw ko ng bumangon dahil sa mangyayari mamaya. Pano ba naman kasi, pupunta raw kami ni Mama kina Tita Naura ngayon. Ang Tita kong sobra-sobra ang pahirap na pinadanas sakin.

Gusto kasi ni Mama na magka-ayos kami. Because as a Christian daw, we need to promote peace and we should Love as what Christ commanded us to do.

"Esther, tapos ka na ba jan? " rinig kong tawag ni Mama sakin mula sa labas ng kwarto ko.

"Ma, hindi pa po. Pwede po bang wag na tayo tumuloy?"

"Anak, pinag-usapan na natin to kagabi di ba?"

I sighed at that. "Okay ma. Maliligo na po ako."

Lord, kayo na po bahala sa akin.



Fast-forward

Pagdating namin sa bahay nina Tita, si Veda lang ang nadatnan namin dun kasi namalengke raw si Tita ayun sa kanya. Halos di naman makatingin si  Veda samin nang nakita niya kami ni mama.

Gusto ko sanang isumbat sa kanya na takot na ba siya dahil nandito na ang mama ko at handa akong ipaglaban nito. Pero mas nanaig ang kabutihan sa puso ko. Buti nalang at kasama ko ang Diyos. Dahil kung hindi, ewan ko nalang talaga.

Hinintay muna namin si Tita para makapag-usap na kami ng maayos. Buti at hindi nagtagal ang aming paghihintay dahil maya-maya pa ay dumating na din siya.
Nang magkita uli kami ay di ako halos makapagsalita. Grabi kasi ang sakit na na-idulot niya sa akin noon at hindi ko alam kung pano ko siya patatawarin.
Si mama naman ay nakipag-beso sa kanya.

"Esther anak, maiwan muna namin kayo ni Veda. Sa veranda lang kami mag-uusap ng Tita mo."

Tumago lang ako kay mama kahit ayaw kong maiwan mag-isa dito kasama si Veda.

"Ang kapal naman ng mukha mo para bumalik pa rito sa bahay namin!" pag-inarte ni Veda nang wala na sina Mama.

"Ayoko ng gulo, Veda. Pwede ba? Pumunta kami ni Mama dito para maging maayos ang lahat." Mahinahon kong sabi sa kanya.

"Hmmph!"

Buti nalang di na siya nagsalita pa. Nakakapagod na kasi makipagbangayan sa kanya. Naalala ko din ang payo ni Bessy na bilang anak ng Diyos, huwag tayong makisama sa gulo. Bagkus piliin natin ang pakikipagbati at kapayapaan.

"Esther, punta ka nga rito nak." rinig kong tawag sakin ni Mama kaya tumungo naman ako sa veranda nila Tita.

Kinakabahan man ay kailangan kong maging matatag at magpatawad kahit na mahirap.

"Esther, patawarin mo ako. Alam kong sobra-sobrang pagpapahirap ang ginawa ko sayo. Sana mapatawad mo ako." biglang ani ni Tita sakin na ikinagulat ko.

Taming The RainWhere stories live. Discover now