Chapter 25

10 3 0
                                    

Ito na ang pinaka hihintay ko. Ang Christmas break!!!!

 I really love Christmas talaga. Parang ang saya kasing pagmasdan ang iba't ibang kulay ng mga parol at mga palamuti tuwing pasko. Higit sa lahat, inaalala din natin ang kapanganakan ng ating Panginoong Hesu Kristo. Tsaka birthmonth ko din sa buwan na ito! O di ba, double celebration? Tipid na ko sa handa! Feeling ko tuloy bongga ang birthday ko lagi kasi hindi nawawalan ng handa. Ikaw ba naman mag birthday ng pasko right? 

Anyways, back to today's agenda tayo. Papunta pala ako sa bahay nila Papa ngayong araw. Inaya kasi nila ako sa bahay nila. At dahil hindi ako nakapunta sa birthday ng kambal last month, pumunta na ako. Para na din makabawi at makapagbonding ako sa cute kong mga kapatid! 

Medyo malayo ang bahay nina Papa dito sa amin, at hindi ko pa kabisado ang lugar. Ito kasi ang unang beses na pupunta ako sa bahay nila.

Honestly, di ko maiwasang mag overthink na baka maligaw ako o kung saan ako dadalhin ng driver na sinasakyan ko. Napa pray tuloy ako kay Lord kasi parang bigla akong natakot sa mga pinag-iisip ko.

"Bessy, sure ka bang kaya mong pumuntang mag-isa?" Nag-aalalang tanong ni Billie. Ramdam niya din siguro ang kaba ko kasi kanina pa ko pa balik-balik ng lakad. 

"Oo naman bessy. Mag book nalang kaya ako sa grab taxi para safe?" 

"Bessy, pwede namang magpahatid ka Kay Kuya Matthew ah. Ba't kailangan mo pang mag grab?" I know Billie wanted to help me pero hindi ako pwedeng magpahatid kay Matt sa bahay nina Papa. Baka kasi anong isipin nila eh. Tsaka ayaw ko na ding abalahin si Matt. May mga gawain din kasi siya sa araw na ito.

"Wag na, Bes. May meeting kaya sila ngayon para sa Christmas party ng church."

Sumangayon naman si Billie sa akin. After ng ilang minuto kong pag-iisip ay naisipan ko ng umalis. Nag grab taxi nalang ako in the end.

Ka chat ko din si Tita Sierra habang naka sakay ako, para daw hindi ako maligaw. After 30 minutes ay nakarating na din ako sa aking destinasyon, thanks to God.

Sinalubong naman ako ni Tita Kasama ang aking mga Kapatid. Si Papa naman ay nasa loob daw naghahanda sa mesa ng mga pagkain. Mag-aalas dose na din kasi. 

"Tita, sorry I'm late po. Ito po pala para sa mga kapatid ko. Belated Happy Birthday my beautiful sisters!" Sabi ko kay Tita sabay abot ng mga laruan na binili ko sa toy kingdom kahapon.

"Salamat iha. Naku nag-abala ka pa. Kids, say thank you to your ate Esther for the toys."

"Tenkyu achi Echther" sabay naman nilang sabi. Ang cute talaga!

Inaya ako ni Tita papasok sa kanilang bahay. Agad naman akong lumapit kay Papa para mag mano, bilang pag bigay galang sa kanya na siya ring ginawa ko kanina Kay Tita Sierra.

"Mabuti naman at nakarating ka Esther. Kamusta ka na?." Mahinahon ang boses ni Papa ngayon. Hindi kagaya dati na halos pagalit siyang magsalita. Feeling ko tuloy biglang nawala ang galit ko sa kanya. Hindi pa rin kasi ako masyadong nakaget over sa ginawa niya sa akin noon. But I'm trying my best to forgive and forget. 

"Okay lang po ako pa. " Matipid kong sagot. Medyo naiilang pa kasi ako sa kanya.

"Mabuti naman. Kamusta naman ang pag-aaral mo?" Tanong ulit ni Papa ng makaupo na kami sa mesa.

"Okay lang po. Mag thi-third year college na po ako next year."

"Oh that's good to hear. Aral ka lang ng mabuti. Napag-usapan pala namin ng Tita Sierra mo na kami na ang sasagot sa allowance mo. Is that okay with your mom?" Bigla naman akong nagulat sa sinabi ni Papa. Hindi ko lubos akalain na binigyan ako ng sustento ni Papa. Never kasi siyang nagbigay sakin simula nung nagkahiwalay sila ni Mama

Taming The RainWhere stories live. Discover now