Chapter 26

13 3 0
                                    

Billie's Pov

Kanina ko pa hindi ma contact si Bessy. Gusto ko lang malaman kung okay ba Ssya roon sa Papa Niya. Pinapunta kasi siya ng Papa niya ron sa bahay nila. Medyo bored din ako doon sa apartment dahil wala akong ka chicka.

Humiga nalang ako sa bed ko at nagmuni-muni na muna. Pero ilang sandali pa ay naisipan kong lumabas para puntahan si Kuya Matt. Dun na muna ako makikipagchikahan sa kanya. Pero nang lumabas ako, nagulat ako sa aking Nakita.

"Bessy, you're here- Wait, wait, Esther, anong ibig sabihin  nito? Bakit magkasama kayo ni Arth?"

"Cause they're dating obviously." Bigla namang sabi ni Kuya Matt sa gilid ko na ikinabigla ko sabay alis nang hindi man lang lumilingon. Kitang-kita ko naman sa mukha ni Bessy ang kalungkutan at parang gusto niyang habulin si Kuya Matt pero parang pinipigilan lang niya ang sarili niya.

Wait, nasa labas pala si Kuya Matt ng apartment namin? Ba't Naman di Siya kumatok? Wait nevermind!

I'm so shocked to see Bessy and Arth together. But sabi nga sa Bible, don't be quick to judge. So I didn't. Alam ko namang si Kuya Matthew lang talaga ang laman ng puso ni Bessy, kahit di pa sila officially mag on. Pero crush din kasi ni Bessy yang si Arth dati kaya medyo may Duda Ako. Mygash, lagot sa akin ang babaeng ito mamaya.

End of Billie's Pov


Naintindihan ko naman kung bakit galit sa akin si Matt. Para tuloy dumoble ang sakit na nararamdaman ko. Hindi pa ko naka get over dun sa sinabi ni Tita kanina then na misunderstood pa kami ni Arth.
Thankful naman ako dahil hindi ako iniwan ni Bessy. Pero alam kong hindi niya ko titigilan hanggat hindi ako nagpapaliwanag sa kanya.

"Girls, paano punta na ako kay Tiff. Tumatawag na eh." Paalam naman ni Arth na siya nagbigay liwanag naman sa mukha ni Bessy.

"Teka, ibig sabihin ba nito walang namamagitan sa inyo ng Bessy ko?"
Natawa naman si Arth sa sinabi ni Bessy.

"Tropa lang kami nitong si Esther no. Sige guys I really need to go na. Baka kami pa ang mag-away ni Tiff at mabasted ako ng di oras." Mabilis na paalam ni Arth at kumaripas na ng takbo.

"Mygash, Bessy sorry! Buti nalang di ako nag judge agad. Thanks God talaga sa wisdom. Wait puntahan natin si Kuya Matthew!"

"Teka wag muna. Hayaan na muna natin siya." Honestly hindi pa kasi ako ready na kausapin siya.

May bumabagabag kasi sa aking isip. Lalo na nang nalaman ko na ayaw ng family ko kay Matt. Dahil lang isa siyang born again. Iniisip ko kung itutuloy ko pa ba ang nasimulan namin o wag nalang. Ayoko din Kasi na masaktan si Matt dahil sa kung anong sasabihin ng mga Tita ko sa kanya. Ayokong maranasan niya ang naranasan ko sa kamay ng mga Tita ko.

"Bessy, okay ka lang ba talaga? Anong nangyari sa pagbisita mo sa bahay ng papa mo?" Tanong naman ni Bessy sabay hila sa akin papasok sa apartment.

Hindi na muna ako nagsalita at hinayaan si Bessy na hilain ako sa loob.
Pagkarating namin sa room namin ay doon ko na sinabi kay Bessy ang lahat ng nangyari. As usual na sermonan na naman ako ng aking bff. Pero hindi ko sinabi sa kanya ang doubt feelings ko about Kay Matt. I'll ask and let God help me fix this.

"Kaya Pala ganun nalang ang reaksyon ni Kuya Matt kanina. Binabaan mo na nga ng telepono tapos nakita pa niya kayo magkasama ni Arth."

"Bessy, ayoko kasing pati siya, insultohin ng Tita ko pagnagkataon. Kaya ayokong magkita sila."

"Naku Bess, wala ka bang tiwala kay Kuya? Let me ask you a question. Do you really love Kuya Matthew? "

Natigilan naman ako sa sagot ni Bessy.
Do I really Love him? Yes I like him but how do I know if I really love him? Hayss.. Ang gulo!

"I think I'm not in that stage yet..?"

"So nasa like stage ka pa. I understand. Dumaan din kasi ako diyan. But bessy, it's not up to you to decide. Desisyon kasi ni kuya na ligawan ka. And if he doesn't want to go through all that trouble with your tita's, let him speak for himself. Talk to him about it and let him decide."

Hindi naman ako makasagot doon dahil tama din naman kasi si bessy. Pumunta na ko sa room ko after naming mag-usap ni Billie. Napagod din kasi ako sa buong araw ko doon kina Papa. Pagkahiga ko, di ko maiwasang mag isip nang malalim. Ilang sandali pa, I decided to come to God and speak to Him.

While I was praying, I realized something. I remember those moments where in ipinaglaban ko Ang faith ko laban sa mga Tita ko. I chose not to listen to my Tita's and continued to follow Jesus. Now, Matt isn't just any guy I met one time and screwed with. He is a decent guy and a man of God no less kaya why am I deciding to let him go dahil lang sa sinabi sakin ni Tita Rosa? Totoo ba talagang concerned Ako Kay Matt o baka concern na naman ako dahil baka ano na naman ang isipin ng mga Tita ko sakin?

After praying, I made up my mind and decided to type a message to Matthew. But before I can send it, my phone ping and saw it was from Matt. My heart beats so fast nininerbyos kung ano ang mababasa ko galing sa kanya.

Esther, let's talk. I'm at Billie's room.

Huminga ako nang malalim bago siya nireplayan.

To be continued....


Taming The RainWhere stories live. Discover now