Chapter 17

10 2 0
                                    

After I told Billie everything that happened sa bahay ng Tita ko through text, she told me na pumunta sa Ginhawa Cafe.     At dahil malayo-layo ang bahay ng Tita ko sa cafe, I rode a jeepney to get there. Hindi pa kasi ako nakakauwi kaya I decided to just give her a message.

Nang makasakay na ako ay biglang may nagpatong sa lap ko ng isang cute na bookmark na gawa sa acrylic. May mga disenyo itong bulaklak sa loob at may nakasulat ditong "Smile. You look so beautiful."

Bigla naman akong kinilig dahil dun. When I looked to see who gave me the bookmark, I then saw bright woman with a curly hair and has a cute dimple on her cheek smiling at me. She was the one who gave me the bookmark. In all honesty, she is beautiful and her white dress suits her perfectly. She looks like an angel from heaven.

"Pansin ko kasing parang may bumabagabag sa iyong isipan. I hope you don't mind me giving you that bookmark. I made that by the way." She said

"Thank you po. Honestly, down talaga ako ngayon. Salamat po talaga. By the way, ang ganda ng pagkagawa niyo nito. I can't help but admire your taste in art tuloy." I said enthusiastically.

"It's God who blessed me with that kind of talent. hehe"

God? Isa ba siyang lover of God? Ang ganda naman kung ganun!

"Right! Ah, maaari ko po bang malaman ang pangalan niyo?"

"Grace." ani niya ng nakangiti. Wow, kahit pangalan, Grasya. Haha  "You are?"

"Ganda naman po ng pangalan niyo! Grasya. haha I'm Esther po pala. Nice to meet you po. "

"Wow, a name from the bible! Then I hope everything will be well for you, Esther. Manong, para ho! Una na ako sayo ha. Bye Esther! "

"Bye ate Grace!" I said feeling cheerful all of a sudden.

What a nice way of cheering me up Lord. Tas ang sweet ah? Mahal mo talaga ako no? Yieehh haha

Mahigpit kong hinawakan ang bookmark na binigay ni ate Grace sa akin. And as I did, bigla ko nalang naalala yung sinabi ni
Kuya Matthew sa akin nung nag bible reading kami. That if you trust in God, then you are still able to be happy during troubles.

Tapos, naalala ko rin yung sinabi ni kuya Matt na.. teka.. ba't si Kuya Matthew lagi ang lumalabas sa isip ko?

Aish! Esther, erase erase! Verse lang ang alalahanin mo okay? Wag na ang lalaki.
Lord, guard my heart please…

Saktong pagbaba ko sa jeep ay naramdaman ko ang mahinang ambon ng ulan. Hala!

Sa kakaisip ko siguro kanina hindi ko na namalayan na makulimlim na pala ang langit. Pero imbes na tumakbo, I decided to enjoy the rain habang naglalakad patungong cafe.

Nang makarating ako sa cafe ay agad kong chi-neck kung nabasa ba ang loob ng bag ko. Buti't wala namang nabasa dahil leather pala ang ginamit kong bag ngayon. Gosh. Pati anong bag ang dala ko nakalimutan ko pa. Uy Esther, ano na gurl?

Habang nasa labas ako ng cafe, bigla namang may nag open ng door at nagsalita.

"Bessy, why are you so tagal? Don't tell me naligo ka na naman sa ulan??"

"Bes, kalma lang okay? Don't worry. I'm fine. Pumasok nalang muna tayo. Nilalamig na ko eh."

"Eh mas lalamigin ka naman sa loob. Airconditioned kaya di ba? Pero buti nalang at may towel dun sa loob. Let's go."

Pagkapasok namin sa cafe, naabutan kong nag-uusap sina Kuya Matthew at Kuya Jacob. Hindi na sana muna ako mag-ha hi sa kanila dahil mukha silang busy pero bigla naman akong napansin ni kuya Jacob. Nasa dako kasi namin nakatingin si Kuya habang nakatalikod naman samin si Kuya Matthew.

Taming The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon