Chapter 24

13 3 0
                                    

Today's the last day of the tour. Binigyan din kami ng free time para mag enjoy bago kami umuwi. Naghiyawan naman ang aking mga kaklase ng I announce ni ma'am ang magandang balitang iyon. Sa mga nakaraang araw kasi ay napuno ang mga utak namin sa mga aralin at Field study. Kaya isa ako sa mga abot langit ang tuwa dahil sa free day na inanusyo ni ma'am.

Tsaka makakabonding ko na din sina Billie at Matthew na paparating na raw dito. Umuwi na din kasi sila after nilang mag overnight nung unang araw ko dito sa tour. Kina umagahan ay maaga din silang umuwi dahil may pasok pa si Billie sa school at may meeting pa na dadaluhan si Matthew. Hindi na nga ako nakapag pa alam sa kanila dahil maaga din ang call time namin.

Habang naghihintay ako kina Bessy ay bumalik muna ako sa room namin ni Tiffany, para mag-ayos ng gamit. Naligo na din ako at nagbihis para ready to go na kami sa aming pamamasyal mamaya. Pupunta kasi kami sa sunflower farm, na isa din sa mga tanyag na pasyalan dito.
Medyo malayo-layo na nga lang siya dito sa farm. Pinayagan din kasi kami ni ma'am mamasyal kung saan namin gusto.

Iilan lang kaming nagstay for the extended time na binigay ni Mam while yung iba ay umuwi na. Tapos na rin kasi kami sa mga kailangang gawin therefore there's no reason for us to stay longer. Pero buti at binigyan kami ng chance ni Mam to stay. Sayang din Kasi dahil ang ganda ng Lugar pero Hindi ko man lang maenjoy ang mga tanawin rito. Kaya I grab the opportunity and stayed. What's more is that makakasama ko pa ang dalawang importanteng tao sa buhay ko!

After kong ma secure ang mga gamit ko ay bumaba na ako para salubongin sila Bessy. Malapit na raw kasi sila ani ni Bessy sa chat. Kaya isinukbit ko na ang aking malaking pink na backpack. Sumulyap muna akong muli sa room na tinuluyan ko bago tuluyang bumaba. Hayss.. I will surely miss this place. Sana makabalik ako dito next time. Yung hindi na educational tour kundi bakasyon na.

"Besssyyy" eksaheradang tawag ni Billie sakinh habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan. Kumaway naman ako at pumunta sa direksyon ng sasakyan, kung saan sila nagpark.

"Let me help you with your bag." Kinuha naman ni Matth ang bag ko na agad ko namang binigay sa kanya.

"Thanks Matt"

"No worries. Ba't ang bigat ng bag mo? Did you bring rocks?" Mapang-asar na tanong niya sa akin.

But he's not kidding when he said na mabigat ang bag ko. May bring home Kasi  ang lola niyo ng strawberry, mangga, bayabas at marami pang iba.
Nag fruit picking kasi kami kahapon at free naman daw iyon na dalhin, kasi Kasama na sa bayad namin yon. Kaya sinulit ko na ang aking pag take home.

"Bessy, hula ko nag ala Sharon Cuneta ka noh? Ehem, Balutin mo ako sa hiwaga ng iyong pagmamahal....." May pakanta pa itong pilya kong bff.

"Ha? San naman galing yan?" Ani ko at tinawanan lang siya.


Fast forward…

Kakarating lang namin dito sa Sun flower farm. Right timing nga ang pagpunta namin kasi wala pang masyadong tao at hindi pa masyadong mainit dahil 7 am palang. Kakabukas pa lang din kasi at kami pa ang unang customer sa araw na ito. Nauna na kaming bumaba ni Billie. Iniwan si Matt para magpark. Haha Hindi naman halatang excited kami noh?

Sobrang ganda at napaka peaceful ng paligid rito. Rinig na rinig din ang mga huni ng ibon, na tila ba nagagalak sa aming pagdating. Nagpa register na muna kami ni Billie sa registration booth at nagbayad na din ng entrance fee. Maya-maya pa ay dumating na din si Matthew, kaya pumasok na din kami.
Unang hakbang palang ay sinalubong na kami ng iba't ibang uri ng mga bulaklak na siyang nag pa ning ning naman sa aking mga mata. Syempre nag picture² muna kami bago tuluyang pumasok. May restaurant din sa loob na pwedeng mag dine in kaya hindi na namin po-problemahin ang gutom. May Bilihan din ng souvenirs and other local products.
Madami ding mga spots dito sa loob na perfect for photo shoots. Kaya todo pose kami ni Billie. Buti nalang hindi nagrereklamo si Matthew. Siya kasi ang tig picture namin.

Taming The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon