Chapter 15

13 2 0
                                    

1 year later…

Ang bilis ng panahon at 1 month nalang December na. Nandito ako ngayon sa bahay ng Tita ko. Inimbitahan nila ako dito para daw sa isang diskasyon. Pero kung ano man iyon ay wala ako ideya. 

My life has been good these past months.  Todo focus kami ni Bessy sa pag-aaral, then sa trabaho ko after class and sa Bible study na rin. 

All those times, minsan ko na lang din nakikita si Kuya Matthew. Maybe busy din siya sa mga gawain niya sa paglilingkod sa Panginoon tsaka na rin sa pag-mamanage ng cafe. Pero di ko siya namimiss ha! Wag kayo diyan.

"Esther, tara na. Magsimba muna tayo. Magpapamisa kasi ako sa kaluluwa ng Tito mo." ani bigla ni Tita. 

Nabigla naman ako sa pag-aya niya kaya natameme muna ako, nag-iisip kung ano ang isasagot. Di ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko. 

Akala ko ba may pag-uusapan lang kami? 

Alam ko namang di na bago sa akin ang pumunta dun dahil nga isa din akong katoliko dati. So I know that my tita and my family are well devoted to their faith in being a catholic. Pero kasi, nahihilo ako pagpumapasok ako sa simbahang yun eh. Ewan ko ba. Nakakahiya tuloy kasi pinagtitinginan ako ng mga tao kapag nangyayari yun. Natutumba pa nga ako minsan eh. Akala mo naman kung ano nang nangyari sakin. haha


"Don't tell me Esther you've change your religion? Oh no! That's bad!" ani ni Veda at sabay iling-iling pa. 

"A-Ah yeah. Pero pwede naman ako sumama. I respect every religion naman. " 

Pagkarinig ni Tita sa sinabi ko, bigla naman siyang nagalit. "Ba't ka nagpalit?! Ang relihiyong katoliko lamang ang totoong relihiyon! Mag research ka nga Esther! Bakit? Yan ba ang nakuha mo sa pagsama sa walang kwentang kaibigan mong si Billie? Tandaan mo, mapupunta ka sa impyerno kapag hindi katoliko ang relihiyon mo!" 

Pagkasabi nun ni Tita, bigla naman akong kinabahan. Pero sa kabilang banda, hindi ako nagpatinag dahil alam ko nang walang kahit na anong relihiyon ang makakasagip sa atin kundi si Hesu Kristo lamang. Kaya naman tumahimik nalang ako. 

"Esther, makinig ka sakin. Mali yang ginawa mong umanib ka sa kanila. Kahapon nga lang ay may nakaaway akong Born again kuno! Pinaglalaban sa akin ang Bibliya! Para lang malaman niya, kailangan natin ng Pari para maintindihan ang Bibliya! Naku, palibhasa kasi nagmamagaling!"

Ayan na naman siya. Pinaparinggan na naman si Tita Elina. Magkapit-bahay lang kasi kami eh. Born again christian kasi si Tita Elina at pamilya niya. At Tita being her devoted catholic self, hates born again christians. Kaya hindi maiwasang magalit at mang-away ni tita kahit na sobrang bait naman nung tao. 

"Tita naman, marinig ka po ng kapit-bahay. Baka isipin ano na namang nangyari sa inyo. hehe" mahinahon kong sabi.

"Ay naku, mabuti nga na marinig nila para naman maituwid ang baluktot na paniniwala! " Sigaw naman niya.

"Ma, tama na. Let's respect Esther's belief nalang po. Hindi naman po natin mapipilit ang ayaw di ba? Hindi ba yan ang itinuro ni father sa Misa kahapon?" Pagtatanggol ni Veda sa akin. 

"Hay basta! Esther, sundin mo nalang ang sinabi ko. Mas may alam ako kumpara sayo dahil bata ka pa. Papunta ka palang, pabalik na ako." 

Hays, ayan na naman siya sa linya niyang yan. Sasagot na sana ako nang tumunog ang cellphone ko.

'Jesus be the center of it all, Jesus be the center of it all....."

Bessy wap is calling...... 

Dali-dali ko namang sinagot ang tawag at nagkunwaring teacher ko ang kausap ko. 

Taming The RainWhere stories live. Discover now