Chapter 31

7 3 0
                                    

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga katagang binigkas ni Matthew. I never imagined na ngayon niya ko tatanungin sa araw mismo ng kaarawan ko at nandito pa sila Tita Lin at ang parents niya. It's not that I'm not ready to say yes to him now. Nabigla lang talaga ako. Pero sa kaloob-looban ko, I feel soooooo kilig!

I quickly pray to God in my mind. Tiningnan ko din ang mga mukha ng mga kasama ko. They all look happy and I can feel their sense of approval.

"Zane?" Medyo napatagal ata ang pag-iisip ko hindi ko namalayang hinihintay pala nila ang sagot ko. Medyo nahiya naman ako doon, but hindi naman siguro nakakahiya ang magtanong kay God kung approve ba siya di ba? Anyways..

"Uhm… Oh sorry. M-My answer is…"

Parang feeling ko napatigil ang paghinga ng lahat sa aking magiging sagot.



"Yes. Yes, Matt. I will marry you, ay este! I-I want to be your girlfriend! Oo, yun.. aha-ha.. "

I can't help but to hide my face with my hands after I said those words kaya hindi ko nakita ang naging reaction ni Matt. Pero rinig na rinig ko naman ang malakas na tawa ni Billie. Tong babae to talagaaa!! 

"Mom, dad can we hug?" Rinig kong parang excited na tanong ni Matt sa parents niya kaya napatingin ako sa kanila. Nakita ko naman ang masasayang mga ngiti nila.

"Of course you can. Just remember your boundaries, son." Sagot naman ni Pastor Vlad.

Sa permission nila Pastor Vlad, bigla namang napatingin sa direksyon ko si Matt na sobrang laki ng ngiti. Tuloy yung puso ko, nagtatambol na sa tuwa!

"Zane, may I hug you?"

"YES PLEASE!" malakas na sigaw naman ni Billie.

"Bessy!" Nahihiyang tawag ko naman sa babae at natawa na naman ng sobrang lakas. Napa-iling na lamang ang mga elder namin sa ginawa niya pero may ngiti naman ang mga ito sa labi. Sanay na siguro talaga sila rito sa kalokohan nitong si Billie.

"Zane?"

"A-Ah, of course! Of course, Matt." Sabi ko at unti-unti kaming naglapit sa isa't-isa hanggang sa nagkayakapan na nga kami. At ang masasabi ko lang?

Ang sarap sa feeling! My gasshhh!! Ang sarap pala i-hug si Matt.. Napa ayieehhh naman si Billie tapos nagpapalakpak pa sa tuwa.

"Finally! Official na! Thank you Lord!" Sabi pa niya. Napatawa na lamang ako sa inasal ng bestfriend ko.

"Thank you for saying yes, Zane. I love you. " Matt suddenly said between our hugs. Kinilig naman ako ng bongga sa huling sinabi niya kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko.

Ahhhhh!!! Lord, pakalmahin niyo po akooo!

"Thank you din, Matt. Thank you for loving me and of course, I-I l-love you too. " mahinang sabi ko sa kanya.

Gosh, medyo nakakahiya pala to ah. Pero masarap pa rin sa feeling. hahaha

Matapos ang aming nakakakilig na moment ay inaya na ko ni Tita Mildred papunta sa sasakyan nila para ibigay ang aking regalo. Na curious tuloy ako bakit nasa sasakyan pa ang regalo.

 

"Omygash, where did Zenny go?" Biglang tanong ni Tita habang may tinitingnan sa loob ng sasakyan nila.

Huh? Sinong Zenny? May bata ba silang Kasama?

"Tita, okay ka lang po ba? "

"Not quite. My gift for you dear, I think it's lost. Wait up. Zennyy? Zenny,  where are you?" Ani ni Tita tapos pumasok sa sasakyan nila. Gusto ko sana siyang tulungan pero tumanggi ito.

Taming The RainNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ