Chapter 32

4 2 0
                                    

Parang kailan lang nang nag celebrate kami Christmas at bagong taon. Ngayon naman, ay month of Love na! Kaya sa mga nag-iibigan diyan kagaya ko char haha, i-make sure natin na si Lord ang foundation ng mga relasyon natin.

Anyways, ngayon ay maghahanda na ako para sa Love banquet na gaganapin mamaya! Ito ay isang Christian event para sa mga youth na kagaya ko. Excited na ako!
Prom ang temang susuotin namin kaya 1 week ago palang ay nag shopping na kami ni Billie ng susuoting gown. Actually ayaw ko sanang mag gown dahil nahihiya ako, kaso mapilit itong bff ko dahil gustong-gusto niya talaga mag dress up lalong-lalo na ang mga princess style.
Kinakabahan din ako dahil may duet performance kami ni Matthew mamaya. Nag practice naman kami pero di parin maiwasang hindi ako kabahan dahil first time kong kakanta sa harap ng maraming tao.

I chose to wear a Violet elegant dress at tinernohan ko ito ng violet na heels na may maliit na glittery crystal. Nagpamanicure pedicure din kami ni Billie kahapon at pinili ko din ang kulay na violet. Di naman halatang pinaghandaan talaga namin ang once a year event na to di ba? Haha

"Bessy, are you done? OMG! Bessy, you look so amazing!" Bungad niya sa akin pagkabukas niya ng pintoan sa aking kwarto.

Ngumiti naman ako ron. "Almost.  You look so good too, Bes! Palagay naman ng eyeliner oh. Ang perfect kasi ng pagkalagay mo sa mata mo." Natawa naman ang babae sa sinabi ko.

"Sure, sure Bessy!"

Sobrang ganda ng outfit ni Billie dahil parang ikakasal siya sa kanyang awra ngayon. Gusto niya raw kasing Bride of Christ ang awra niya today. Nakasout siya ng white gown na short lang but not that short. Just above the knee. May white crystals na kumukinang ang design at pinatongan niya din ito ng furry jacket na super fluffy at may pa crown at veil pa ang babae. O di ba? Feeling ko may taong sobrang maglalaway sa kagandahang handog ni Bessy ngayon! Kaya lang hindi pa nagpapakita ang taong yun. But I'm sure na pag andito siya, baka hindi yun makatiis at biglang magpropose. Haha

After naming makontento sa aming mga outfit at awra ay bumaba na kami dahil almost 1 hour nang naghihintay si Matt sa amin. Kanina pa siya nag text pero ngayon palang kami natapos. Oh well, girls will always be girls ika nga nila. Haha

Pagdating namin sa baba ay natulala naman ako sa ka gwapohan ng aking nobyo na malayo palang ay tanaw ko na. Kasalukuyan siyang naghihintay sa amin sa labas ng sasakyan. Hindi naman mainit dahil alas singko na ng hapon. Bagay na bagay sa kanya ang suit and tie! Napaka masculine niyang tingnan! Ay naku, baka ako pala ang naglalaway rito at bigla nalang magpropose. Hahaha

Lord, thank you for giving him to me.

Lumakad ako patungo sa kanya at feeling ko parang nagslow motion ang paligid ko nang magtama ang aming mga mata. Feeling ko naman para akong naglalakad sa aisle patungo sa groom ko. Iiyak na ba ko?

Ay naku, drama lang ang peg, Esther?

"You look so beautiful, Zane." Sabi niya nang makalapit na ako sa kanya.

"You look so handsome too, Matt. Pwede magpropose? " Biro kong sabi na medyo hindi biro kaya napatawa naman siya sa sinabi ko.

"Uy, uy, uy, ano tong narinig ko ha, Bessy? Magpakipot ka naman! Anong propose ka jan? Dapat ang lalaki ang magpopropose!"

Natawa naman ako sa sinabi ni Bessy. "Joke lang naman. Masyado kang seryoso."

"Whatever, Esther. Alam kong magaganda at mga gandang lalaki itong angkan namin pero wag kang padadala sa kagwapohan lamang! Anyways, how about me kuya Matt? How do I look?" Ani ni Bessy at nag turn around pa.

Taming The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon