Chapter 12

12 3 0
                                    

Maaga kaming nagising nina Billie at Chasty. Di ko pala nasabi pero si Chasty ang pangatlo naming kasama ni Bessy sa cabin.
7 am kasi ang call time kaya kailangang agahan namin ang paggising.
Palaro session naman ang ganap sa araw na ito. At medyo excited ako dahil dun!

Matapos kaming mag-ayos at magbihis ay dumiretso na kami sa malaking cottage na kilala din sa tawag na God's Banquet. Dito kaming lahat kumakain ng meals.

Maganda ang disenyo ng cottage. Mararamdaman mo talaga ang cozyness dahil sa warm colors na disenyo nito. Tulad na lamang ng mga painting ng pottery at mga dried flowers na nasa bawat mesa.

Kumuha muna kami ng pagkain bago naghanap ng ma-uupuan. Nang makakuha na kami ng pagkain ay naupo kami sa pwestong tanaw na tanaw ang magandang Hardin. Iyan yung gusto kong puntahan kahapon. Malapit lang pala ito sa cottage? Ang cool naman.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain at mas kinilala ko pa si Chasty. Sobrang pare-pareho talaga sila ng awra ni Billie lalong-lalo na pag si Lord ang pinag-uusapan namin.
Patapos na kami sa pag kain ng magtanong si Chasty kay Billie ng di ko inaasahan.

"Bills, did you meet my brother already?" She asked.

Ano yun? Nirereto ba ni Chasty yung kuya niya kay Bessy?

Dahil wala naman akong alam kong sino,  nagpatuloy na lamang ako sa pag kain.

"Yes, I meet him kahapon."

Kahapon? Don't tell me..

Ay hindi! Andami kayang lalaki kahapong nameet ni Billie. Baka iba yun.
Pero kay Paul lang din naman nagreact si Bessy nang ganun. So baka…si Paul nga??

"Did you talk na ba? You know, he's still waiting for you until now."

Hindi naman umimik si Billie dun kaya nagpatuloy sa pagsasalita si Chasty.
"Look, I know that I should not interfere about what happened. But Bills for your sake, please give him a chance to tell you his side."

Napatingin naman ako kay Billie dun tapos kumain ulit.

"Thanks Chasty. But I'm not ready to talk to him as of now. Sorry."

"It's okay, Bills. Sorry for asking."

Tumango lang si Billie sa kanya bilang sagot at nagpatuloy na sa pagkain.

Pagkatapos nun, natahimik na kaming tatlo. Omygash! Ang awkward na tuloy bigla.

Pero sana Lord kung si Paul man talaga ang pinag-uusapan nila, sana makipag-usap na si Billie sa kanya para di na siya mahirapan. Hindi kasi mawala sa isip ko ang biglaang pag-iyak ni Billie kahapon eh.

Matapos naming kumain ay tahimik parin ang dalawa kong kasama. Kaya naisipan kong ako nalang ang magliligpit ng pinagkainan namin at ilagay ito sa washing area. Pero nag-insist si Chasty na siya nalang daw ang gagawa.

Hinayaan ko nalang siya. Mukha kasing kailangan niya ding huminga sa awkward atmosphere dito sa table namin.

"Bessy, okay ka lang ba?" Concerned kong tanong sa kaibigan ko.

"Kakayanin Bessy. I'll tell you everything later. Sa ngayon kasi, hindi pa talaga ako handa."

"Okay. But Bessy, okay lang din naman kahit di mo muna sabihin-"

"I will tell you. You're my bestfriend after all. But later nalang talaga." ani niya at ngumiti nang tipid.

Tumango naman ako sa kanya at ngumiti narin.

"Just so you know, I never told anyone about this. But maybe kuya Matthew already know about it since Paul is his best friend."

What?? Mag best friend sila ni Kuya Matthew??

Taming The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon