Chapter 34

10 1 0
                                    

1 year later..

Esther's Pov

Finally today is the day! Ang pinakahihintay ko ang graduation day!

Sa wakas ay nagbunga na din lahat ng paghihirap namin ni mama. Finally, gagraduate na ko! Mas Masaya sana kung nandito si mama pero kaka renew lang kasi ng contract niya at nakauwi na din siya last year nung birthday ko. Kaya si Papa, Tita at ang kambal lang ang dadalo sa graduation ko.

"Bessy, finally graduation na natin! Papicture tayo ng marami later ha." Excited na sabi ni Billie na sobrang ganda ngayon sa suot niyang modern filipiniana na dress, kulay black ito na hanggang tuhod at naka heels pa.

Ako naman ay naka white modern filipiniana dress. Bali magka pair ang dress namin at pina customized pa talaga namin ito. Di naman halatang excited kaming dalawa, di ba?

After naming mag make up at mag-ayos ay agad na kaming bumaba dahil kanina pa nag hihintay ang aming mga prince charming sa baba.

Sa totoo lang kinakabahan ako. Marami mga katanungan sa aking isipan kagaya ng paano ako after ng graduation? Matatanggap kaya ako agad sa a-applyan kong trabaho? Ano na ba ang magiging buhay ko after the graduation?

"SNAP!"

Natigil ako sa aking pagmumuni-muni ng biglang may pumitik ng mahina sa noo ko.
Si Matthew pala. Di ko namalayan nasa harapan ko na pala siya.

"Okay ka lang? You look nervous."

Infairness, gumagaling na siya magtagalog.

"Ngayon naman nakangiti? I am really now wondering if you're okay or not, Zane."

Nakangiti na pala ako?

Tumawa ako ng mahina roon. "I'm fine, Matt. You look handsome as always."

"Mm, really? Hindi kaya, iniiba mo lang ang usapan?"

"Okay lang talaga akoooo! Lika na't baka malate pa tayo."

"Fine, if you're sure."




~Fast forward~


Matapos ang graduation ceremony at mga picture taking kasama si Matthew, Billie at mga classmates ko ay pumunta na ko sa kinaroroonan nila Papa para magpa picture din. Sasama din ako ngayon kina Papa para doon mag dinner sa bahay nila.

Gusto ko man ipakilala si Matthew sa kanila pero parang inunahan ako ng takot. Oo alam kong ang sama-sama kong girlfriend dahil parang kinakahiya ko si Matt, pero kasi.. Wala din namang ideya sila Papa na may boyfriend ako. Tapos hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin sa kanila.

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Matthew sa akin kanina nung sinabihan ko siya na kina Papa ako sasama at na hindi ko siya pwedeng isama. Hindi na lamang niya ako tinanong kung bakit dahil alam naman niyang hindi ako magsasalita sa rason. Ilang beses ko na kasing ginawa iyon at umabot pa nga sa puntong hihiwalayan ko na lamang siya dahil sobrang nahihiya na ako sa ginagawa ko sa kanya pero hindi bumitaw si Matt sa akin.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na kami sa isa't-isa. Nakita kong gustong lumapit ni Matt sa akin pero hindi na tumuloy. Ngumiti lang siya sakin at lumakad na palayo habang nakabulsa.
Napakagat na lamang ako ng labi. Gusto ko siyang sundan at sabihan na hindi ko siya kinakahiya. Pero bigla akong tinawag ng isa kong Tita.

"Esther, halika na."

"A-ah, opo Tita. Bye Bessy. Ingat kayo."

"Bye." sabi ni Billie na parang walang gana at sumunod kay Matt kasama si Kuya Paul.

Taming The RainWhere stories live. Discover now