Chapter 22

12 2 0
                                    

Today's the last week of our class before Christmas vacation. Sobrang dami ng mga nakatambak na gawain sa school dahil nga papalapit na ang Christmas break. Kasalukuyan akong naghahanda ng mga dadalhin ko dahil pupunta kami ngayon sa isang farm doon sa kabilang bayan. Malayo-layo kasi ang byahe kaya kailangan kong umalis ng maaga.
Sinubukan kong katokin ang kwarto ni Billie pero mukhang tulog pa ata. Paano ba naman 5 am pa kasi. Tsaka mamaya pa din naman ang pasok niya. Bumaba na ako para mag abang ng jeep papuntang school.

Fast forward...

Nasa school na ako at medyo kaunti pa lang ang nandito. Ito talagang mga kaklase ko nasanay na sa Filipino time. 5:30 ang usapan pero malapit ng mag 6 eh wala pa yung iba.
Nag vibrate naman ang phone ko na agad ko namang tiningnan kong sino ang maagang nag chat sa akin. Guess who? Of course the one and only Matt. Nagsmile Naman ang Lola niyo matapos basahin Ang good morning message niya tapos Dali Dali ko namang siyang binigyan Ng reply. We chatted for a while bago nag umpisang umandar ang school bus.

Nakinig lang ako ng worship songs sa buong byahe sabay tulog na din kasi maaga akong nagising kanina.
Nagising ako sa ingay ni Lindy at ng iba Kong kaklase. Minulat ko naman ang mga mata ko ng may sumundot sa tagiliran ko. It's Lindy ang katabi ko.

"Beh! Gising na nandito na tayo. Tara na mag picture taking tayo doon oh! " Sabay turo niya sa mga magagandang bulaklak.
Nag ningning naman ang aking mga mata sa ganda ng paligid. Kaya excited akong bumaba sa school bus. Nag bigay muna ng announcement chu-chu ang aming adviser bago kami pinayagang mag picture-picture.

"Esther, dito ka. Picturan Kita." Sabi naman ni Lindy habang hawak ang kanyang dalang camera. Kaya todo post naman ang lola niyo na animoy parang model. Pinicturan ko din si Lindy. Nakakahiya kasi na ako lang ang maraming picture di ba?

After naming mapagod ni Lindy sa kakapicture, ay bigla kaming ginutom. Nakalimutan kong di pala ako nakapag breakfast kanina. Excited lang talaga siguro ako.
Buti nalang maypa free breakfast ang school. Thanks Lord! Save ang tiyan ko sa gutom. Haha

Pagkatapos kumain ay balik tanaw Naman Ang Lola niyo sa tanawin nitong farm na to. Super ganda talaga at sobrang lawak ng lugar! May taniman ng iba't ibang klaseng bulaklak at mga halaman. Pero Ang pinakapaburito ko sa lahay ay ang lavender. I love color violet kasi. Palagay ko nga ay doon ako kumuha ng maraming pictures.
Tuwing tininitingnan ko ang mga bulaklak ay hindi ko maiwasang humanga sa Panginoon, dahil sa ganda ng mga likha niya. Biruin mo, iba-iba ang katangian, kulay at ganda ng mga bulaklak! Isn't God so amazing?

May taniman din ng mga prutas sa bandang kanan ng lugar, pero hindi pa namin napuntahan iyon. Hindi pa kasi kami nakakalahating libutin ang area ng mga bulaklak. Ginutom kasi kami kaya kumain na muna ulit Kami.

3 days and 2 nights kami dito sa farm na to. O diba parang nag tour lang? Sabagay educational tour naman talaga ito para sa mga Agriculture students.
After naming kumain ay tumungo kami sa Lugar na pagstayhan namin for this tour. Mga 10 minutes away lang ito sa farm kung lalakarin. Dahil mayaman ang school namin at maypa school bus chuchu wala pang 5 minutes ay nakarating na kami sa farmtel, short for Farm Hotel. Di ba ang bongga? Hindi halatang pinag isipan talaga ang pangalan.

Nang makababa na kami sa school bus ay nag assign na sina ma'am ng mga rooms namin. Bali dalawang tao sa isang room and of course girls lang ang pwede magsama. Sana naman si Lindy pa rin ang ka room mate ko.

"Esther, your room mate will be Tiffany. " Mygashh!! Dudugo na naman ang ilong ko nito. Pano ba naman Kasi spokening dollars ang ka roommate ko.

"Hey Esther! we're roommates!" Excited naman na sabi niya. Spokening dollars man pero mabait si Tiffany. Kaya okay na rin.

"Yes gurl! Let's go let's see our room." Sabi ko naman sabay hila sa kanya.

Sumunod naman siya sa akin. Pagdating namin sa room na amaze ako dahil ang ganda ng design ng kwarto. Napaka cozy dagdag pa dito ang magandang view, na kitang-kita ang kabuuan ng farm.
May maliit ding balkonahe na perfect pag magdevotional sa umaga plus coffee. Makaka spend time ka talaga kay Lord!
Sobrang tahimik at maaliwalas din ang paligid. Grabe ka Lord ha.

I thank God in my mind. Sobra-sobra kasing kasiyahan ang binigay niya sa akin. Hindi lang saya pati na din ang kapayapaan na sa kanya ko lang nakuha. Kung may desisyon man ako sa buhay na hinding-hindi ko pinagsisihan, iyon ay ang pagtanggap ko kay Jesus sa aking buhay.

"Esther! Someone is looking for you!" Matinis na Sabi ni Tiffany.

Sino naman ang maghahanap sa akin sa araw na ito?

"Who is it?" Pasigaw kong sabi mula dito sa balcony.

"It's Josh!" Sigaw naman niya pabalik sa
akin.

Wait? Sinong Josh? Wala naman akong kilalang Josh. Matingnan nga.

Naglakad ako palabas ng room namin at pumunta SA may pool area. Nasa may pool area daw Kasi yong Josh dude. Habang naglalakad pilit kong inalala kung may na encounter ba akong Josh. Pero kahit anong pilit ko pag-alala, wala talaga akong na-aalalang Josh. Kaya Naman tinawagan ko nalang si Bessy. Baka kasi kilala niya yon.

"Hello Bessy. Nasaan ka?" Tanong ko ng masagot niya ang aking tawag.

"Bes, nasa classroom ako. Haler?"

"Sorry, bessy hehehe peace."

"Tss. Anong bang ganap at napacall ka sakin?"

"Ah, Kasi Bes may kilala ka bang Josh?"

"Huh? Sino yan? Ikaw ha, isusumbong kita kay Kuya Matthew. Sige ka."

"Ano ka ba! Nagtatanong lang Naman eh, sumbong agad? Bunganga mo talaga Bes."

"Ito naman di na ma joke. haha Pero back to Josh kemerot, hindi ko yan kilala. Bakit mo naman natanong?"

"Ah e-h wala naman. I'll save the chicka pagbalik ko. Tsaka babae, may klase ka pa! Sige na byeee thanks!!" Sabi ko sabay end ng call.

Bumuntong hininga na muna ako bago nagpatuloy sa paglakad papuntang pool area kahit sobrang init ng panahon. Mag a-alas dose na din kasi. Ang bilis ng oras! Parang kanina lang nung nag breakfast kami. Ngayon maglu-lunch na.

Ma chat nga muna si Matt. Baka kasi magalit na may kikitain akong ibang lalaki. Jowa lang ang peg ni gurl! Charott! Haha Loyal to no.

Focus na focus ako sa CP ko habang nag tatype ng message para kay Matt ng biglang may nagsalita sa harap ko.

"Where are you going, young lady?"

When I looked up, I was surprised for a bit.

"Wha... Matthew?!"

Why is he here?!



To be continued...

Taming The RainWhere stories live. Discover now