chapter 33

12 2 0
                                    

Today is Hearts Day!


Never akong nag celebrate nito being single all my life. Hindi ko na naisip yun dahil baka pagalitan ako ni Tita nung nasa puder pa niya ako. Kaya ayon, single for life ang lola niyo since birth.


Hindi ko din naranasan mabigyan ng flowers, chocolate o kung ano-ano pang pa andar ng mga lalaki. Takot kasi ako sa mga lalaki dati. Ikaw ba naman sasabihan ng Tita mo ng,


" Esther, wag kang makikipag-usap sa mga lalaki. Lolokohin ka lang niyan! Bubuntisin ka at iiwanan. Tingnan mo nangyari sa anak ni aling Floreta. Nabuntis ng lalaki tapos iniwan pa! "


Kaya nga nung una naming pagkikita ni Matthew, takot na takot ako sa kanya kaya napagkamalan ko siyang rapist at magnanakaw. Anyways enough of my past na, kasi ma lelate na ako sa klase ko.


Nagmadali akong bumaba dahil ilang minuto nalang ay malelate na ako. Nauna na kasi si Bessy sa school dahil mas maaga ang klase niya sakin.

Si Matthew naman ay may pinuntahan silang mission ng Dad niya para mag share ng word of God. Kaya ngayon, solo flight ang lola niyo!


After 134483 minutes ay nakarating na ako sa school. Pagdating ko sa classroom namin, may isang minuto pang natira bago magsimula ang klase namin.


Thank you Lord at di ako late!



Pagkarating ko sa school, puno ng mga heart design ang paligid ng school. May mga confession board pa at maypa sounds pa ng love songs. Mahina lang naman dahil may klase pa.

Half day lang ang klase namin ngayon dahil may program mamayang hapon. Nasiyahan naman ako ron dahil makakauwi ako ng maaga.


Ilang sandali pa ay nagsimula na ang aming klase.



Habang nagsasalita ang aming guro, hindi ko naman mapigilang humikab.

Napakalumanay kasi niyang magsalita kaya di ko napigilan ang makaramdam ng antok. I decided to look away at napatingin ako sa labas para naman mabawasan ang antok na nararamdaman.

Nang tumingin ako, may nakita akong nagkukumpulang mga tao. Sa gitna ay may dalawang estudyanteng babae at lalaki. Ang lalaki ay may inabot na flowers sa babae. Dahil dun, todo hiyawan naman ang mga nanonood.


Napangiti naman ako roon.


Nanliligaw kaya yung lalake sa babae?


Dahil sa nakita di ko tuloy maiwasang mamiss ang aking nobyo. Si Matt.

Naalala ko kasi ang pagkasweet niya sa akin. When he has the opportunity to do so, he will make something that will make me kilig! Hahaha


Kumusta kaya yun?


Ano kayang magandang regalo para sa kanya ngayong hearts day? Ilang araw ko nang inisip kung anong ireregalo ko sa kanya pero wala naman akong maisip. Buti at may free time pa ako. Makakabili pa ako ng regalo para sa lalaking mahal ko.


Ay kili-


"Esther, what are you smiling about?" Biglang sabi ng guro ko kaya napatingin ako sa kanya.



Pagtingin ko naman, nakatingin sakin ang guro ko pati na ang mga kaklase ko.



Oh my gashhhh!! Kakahiya!!



Nakita siguro nila ang pagngiti ko sa kawalan na parang tanga.



Yan kasi, isip pa ng nobyo habang nasa klase day! Ayan tuloy nahuli ka...



Taming The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon