Chapter 18

13 2 0
                                    

Ngayon ay balik aral na ako pagkatapos ng short break namin dahil sa araw ng mga patay. Sa susunod na buwan ay magpapasko na kaya kahit nakakapagod mag-aral, at least I have something to look forward to. At sobrang excited na ang lola niyo! haha

Ang subject namin sa araw na ito ay Principles of Agricultural entrepreneurship and Marketing. Kung saan kailangan namin mag propose ng Business Plan about Business Agriculture. Madami din kaming mga case study na dapat pag-aralan at kailangan din namin mag field study.
Pagkatapos nun may dagdag pang mga gawain ang mga minor subjects namin na ani moy parang major subject kung maka-asta! Hays.. nakaka-stress ng beauty! Pero laban lang sa buhay para sa kinabukasan.

And since we are talking about stress, let me tell you my way of coping with stressful events. Actually, I have a different way of coping my stress. It's simply magdasal ganun. Mas gumagaan kasi ang pakiramdam ko kapag nakakausap ko si Lord. Kakaiba ang pakiramdam eh. Hindi man nawawala ang problema, pero bigla namang nawawala ang bigat na nadarama ko. Para bang kinuha Ni Lord lahat ng bagaheng dala-dala ko ganun.

After ng klase ko ay diretso agad ako sa cafe. Pagod man ako sa buong araw pero kailangan ko pa ding magtrabaho para naman makapag-ipon. Kahit papaano makatulong naman ako kay Mama. Puro nalang kasi siya utang dahil malaki pala ang perang pinapadala niya kay Tita lagi dahil sinabi nito sa kanyang malaki raw ang pambayad ng tuition fee ko kahit ang totoo, scholar ako therefore, free ang tuition fee ko.

Inamin ko nalang din kay mama kalaunan na nagta-trabaho ako dito sa Ginhawa Cafe. Feeling ko kasi hindi maganda ang magsinungaling lalo na at Kristiyano tayo.

"Bessyyyy! " Bati ni Billie sa akin. Kararating niya lang din kasi galing school. Hindi na kasi kami magkasabay dahil medyo iba na yung schedule namin. Pero mabuti na rin at nagkikita pa rin kami sa cafe.

"Hi Bes! Kumusta sa klase?"

"Hay naku Bes, alam mo bang FOLA (Foreign language) ang subject namin ngayon? Sobrang haba ng discussion kanina tapos mag e-exam na next week. Nakaka-stress! Pero keribells to!"

"Ay Bessy same. Hindi nga lang exam pero field study naman."

"Haha That's fine! Kaya natin to Bes! Remember..."

"Jesus got yah!" Sabay naming sabi with matching hand gesture pa tapos natawa.

Pagkatapos nun ay pinagpatuloy ko na ang aking trabaho. Tumulong na din si Billie sa akin. At after mag close ng cafe, hindi na muna kami umuwi ni Billie. We stayed there for a while to study for our lessons and do our assignments. Para wala na kaming poproblemahin kinabukasan. Friday kasi today at Saturday bukas kaya okay lang kahit mag sleepover pa kami dito sa cafe! Charot lang! haha

Maya-maya pa ay napatingin ako sa orasan. Nakita kong 12 midnight na pala. Tiningnan ko si Billie at nakita kong busy pa rin siya sa pagkabisado ng mapa ng Pilipinas. Wala ba tong planong umuwi?

"Bessy." Tawag ko sa kanya.

"Oh" wala sa sarili niyang sagot.

" Di pa ba tayo uuwi?"

"Mamaya na please.. Give me 30 minutes more. Nasa Mindanao part na naman ako eh."

"Sige."

Sa totoo lang inaantok na ako. Pero hindi ko naman magawang iwan si Billie rito mag-isa. Tsaka ang dilim na sa labas. Bali-balita pa naman ngayon na may puting van na nangingidnap ng bata o mga kaedad lang din namin ni Billie.

Kaya hinayaan ko nalang muna siya. I just pray to God tapos gag cellphone na lang muna para hindi ako makatulog. Natapos ko na din kasi ang mga case study ko eh.

Nang ma open ko ang phone ko ay nagulat ako na may halos 10 messages ako sa messenger. Many missed calls din from my mom. Oo nga pala. Naka silent ang phone ko. Ayaw ko kasi ng distractions pag nasa school ako.

Taming The RainWhere stories live. Discover now