Chapter 36

11 2 0
                                    


"She.. mom, do I know her?"

Halos hindi ako makahinga nang magsink in sa utak ko ang salitang lumabas sa bibig ni Matthew.

"Do I know her?"
"Do I know her?"
"Do I know her?"

Paulit-ulit itong nag e-echo sa aking isipan.

Alam kong hindi lang ako ang nagulat sa katanungan niya dahil kahit sina Tita at Tito pati si Bessy ay gulat na gulat sa tanong ni Matt.

" Matt, what are you talking about?" Gulat na tanong ni Tita dahil wala akong masabi sa pagkakataong ito.

Kinalma ko muna ang aking sarili, dahil baka nga naman pina prank lang ako ni Matt.

"Matt naman, tigilan mo nga ako. Mukhang okay ka na naman. Marunong ka nang magjoke eh. Ha-ha" awkward kong pagkasabi sa kanya.

Pero imbes na tumawa, kumunot ang noo ni Matt. "Joke? Why would you think I'll make a joke at times like these?" Tanong ni Matt sa tonong hindi ko pa narinig galing sa kanya.

Sa aking nakikita parang naiirita pa siya sa akin saka galit na rin.

"M-Matt.."

"Kuya, this is not a good joke. Nasasaktan si Bessy." Sabi ni Billie in my defense.

"Why would I joke with someone I don't even know? Come on, Bills you know me better than that." Sabi niya na may halong badboy ang pagkasabi.

Para akong sinaksak ng espada sa pinagsasasabi ni Matt.

Hindi niya talaga ako naaalala? Dahil ba ito sa nangyari sa kanya?

"Kuya, she's my bestfriend and your gi-" pagsisimula ni Billie pero pinatigil ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa braso niya.

"Bes?"

Umiling-iling ako sa kanya na wag ipilit dahil kakagising lang din kasi ni Matt. Hindi magandang mastress siya.

"Matt, did you- Do you really not remember Esther?" Si Tito Vlad naman ngayon ang nagtanong.

"Even you Dad? Who is she to me anyway? She my girlfriend or what? Or my new fling rather? Pffftt! Haha"

"F-Fling?"

Lalo akong nanghina sa narinig ko.  Hindi na nga niya ako na-aalala, tapos naturingan pa niya akong fl-fling? New fling??

"Yeah fling? Don't tell me you took our relationship seriously? On top of that, I can't believe I took you in. I mean no offense but.. you look plain to me. Wow, I never thought I would pick such a plain woman as you. Even your name is plain like you- "

"Son, that's enough." Pagsingit ni Tito nang hindi na nakayanan ng puso ko at napaluha na ako sa sakit na naramdaman.

Nakatingin lang ako kay Matt, habang lumuluha kaya nakita kong napatigil siya sa pagsasalita. Nakatingin rin siya sa akin habang nagsasalita siya kaya tumingin siya sa ibang direksyon.

"Esther, I think it's better if you leave for now. Billie, ikaw munang bahala sa kaibigan mo." Sabi ni Tita kaya naman hinila ako Billie.

"Yes Tita. Bes, let's go."

Tumango lamang ako sa kanya dahil natatakot akong baka hindi ko kayanin ang sakit at umiyak sa harap nilang lahat ng pagkalakas. Sumunod ako kay Billie sa labas at umupo kaming dalawa sa waiting area.

"I'll go get the doctor. Maybe a part of his brain was damaged or something.. Hopefully it's nothing serious, Oh God help us. Esther, I apologize for what my son told you. But please know that he doesn't seem sober right now. Maybe epekto lang ng kung anong medisina.. Iha, you know how much my son loves you. " Sabi ni Tita sa akin at inabot ang pisngi ko.

Taming The RainDove le storie prendono vita. Scoprilo ora