Chapter 4

40 7 0
                                    

Ngayon ang unang araw ko sa trabaho. Medyo kinakabahan ako pero feeling ko naman kering-keri ko yun. Para sa allowaaaaance!!!! at ipooooonn!!!! haha prolong para bongga!

 5:30 pm ang end ng classes ko everyday except Friday until Sunday. 6PM ang pasok ko sa trabaho and I will be spending 5 hours there. Medyo late na 'kong makakatulog but atleast I can still sleep, right? 

" Bessy, ready kana ba sa 1st day mo? " Excited na bungad sakin ni Billie habang kumakaway sa may bench ng tambayan namin.

Nauna kasing matapos ang kanyang klase kaya tumambay muna siya ron. Favorite tambayan namin ang lugar nayun dahil napakapresko ng hangin na dumadampi sa aming mga balat. Napapalibutan kasi ito ng mga puno at mga bulaklak kaya ganun. Kitang-kita din ang mga ulap mula rito kaya sobrang nagustuhan namin ito ni Billie.

"Ready na! Ako pa!" Natatawang sagot ko nang makarating ako sa bench.

Tumambay muna kami ng very slight sa tagpuan namin dahil may oras pa naman. After 15 minutes ay napagpasyahan na naming tumungo na sa Cafe para makapaghanda na 'ko for work. Ayokong ma late sa unang araw ko kaya naglakad na kami papunta doon nang medyo maaga. Malapit lang naman ito kaya mabilis naming narating ang aming paroroonan. 

Nang makarating kami ay agad akong nagpalit ng uniform. 

Sobrang cute ng uniform ng cafe! Light brown na long sleeves with cute little lace ribbon sa gitna. Ang skirt naman ay color light brown din. Ito ay below the knee na may black stockings para walang makita na eklavu pag nagtatrabaho.

Pinagmasdan ko ang aking itsura sa salamin. Tapos, naglagay ako ng pulbo at kaunting lip tint sa aking labi para di ako masyadong maputla. Inayos ko din ang buhok ko at tinali ito upang maaliwalas akong tingnan. Nilagyan ko din ng hairnet ang aking buhok for sanitation purposes.

Nagligpit na ako ng aking mga gamit pagkatapos kong mag-ayos. 

"Bessy! You look great!"

"Thanks Bessy!" sabi ko sabay ngiti. Nag thumbs up naman siya sakin. "PUnta na pala ako sa itaas! You know na, bible study is on!"

Oo nga pala. May bible study ngayong araw na'to. Too bad may trabaho na'ko rito. 

Tumango lang ako kay Billie at tuluyan na siyang umakyat sa itaas na bahagi ng Cafe para simulan ang kanilang Bible study. 

Nung wala na siya, tumungo na ko para simulan ang trabaho ko. Ako ang kumukuha ng order ng mga customers tapos si Kuya Jacob at ang kanyang wife na si ate Eli naman ang gumagawa ng mga order.

Si Kuya Jacob at Ate Eli nga pala ay obviously, workers din dito sa Cafe. Si Kuya ang gumagawa ng kape and other drinks while si Ate naman ang gumagawa ng pastries at cakes. Paminsan ay tinutulungan ni Kuya si ate sa paggawa ng pastries pag di siya masyadong busy at vice versa. 

Oh diba? Talk about relationship goals, right? 

Napakatalented nilang dalawang mag-asawa! Sure ako na marami akong matututunan sa kanila.

Dahil sa tulong nina kuya Jacob at ate Eli, napadali ang trabaho ko. Tumulong din sakin si Billie after niya sa Bible Study kaya hindi ako masyadong napagod going to and fro. Masakit nga lang ang binti ko kakalakad, pero walang kaso! Keri parin naman. 

Pagmalapit na ang closing hour ng cafe, I changed the sign sa glass door from OPEN to CLOSE. Nagsimula na rin kaming maglinis ng tables at mga upuan. 

Matapos naming gawin ang mga dapat ayusin ay nagligpit na kami ng mga gamit namin.

"Bessy!" Nabitawan ko ang bag na hawak ko sa biglang pagsigaw ni Billie.

"Kalma lang Bes! Makasigaw naman to 'kala mo naman may sunog o anu. "

Taming The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon