Chapter 35

11 2 0
                                    

Naghintay ako na sagutin ni Matt ang telepono ngunit hindi niya ito sinagot.

Nagtampo kaya siya sakin?


Sinubukan kong tawagan siya ulit pero wala pa ring sagot. Napakagat labi na lamang ako. Ngayon lang kasi ako hindi sinagot ni Matt eh.

Hindi na kaya ako papansinin nun? Anong gagawin ko?


Napakamalas naman talaga o. Sa graduation ko pa talaga kami nagkatampuhan. Hindi ko naman siya masisisi. Kung ako siguro ang ikinahiya ni Matt, baka hindi na ako nagpakita sa kanya. Kaya sobrang namangha ako sa pasensya niya sa akin.

Godly man nga naman.. hehe


Naka ilang dial na ako pero hindi pa rin siya sumasagot.


Hahayaan ko na lang kaya muna siya?


Pero never akong hinayaan ni Matt nung nagtampo ako sa kanya. Never niya akong iniwan pag malungkot ako. Siguro oras na para ako naman ang gumalaw ngayon.


Pupuntahan ko na lamang siya sa bahay nila. I would kneel if needed be para lang patawarin niya ako.

Hahakbang na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Biglang kumabog ang puso ko iniisip na baka si Matt na iyon. Pero nang tingnan ko ang caller ID, si Billie pala ito.


Atleast, hindi nagtampo sa kin ang babaeng to.

"Hello bes, sorry talaga kanina. Pero may balita ako- Bes? Umiiyak ka ba?"

Sumisinghot kasi si Billie sa kabilang linya.


"Ano bang nangyari?"


'Bes, si Kuya Matt ..'


...


Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa ospital dahil tanging iniisip ko lang ay ang sinabi sa akin ni Billie.

'Bes, si Kuya Matt naaksidente. He's in critical condition right now.'

Tumakbo ako patungo sa front desk at tinanong agad kung saan nakaconfine si Matt.

"Saan nakaconfine si Matt?"


"Full name po mam?"


"Matthew Hackenson !!" Sabi ko nang pasigaw sa babae.

Nakita kong parang nagulat siya sa ginawa ko pero sa ngayon hindi ko na pinansin iyon. Ang tanging gusto ko lang ay makita ang boyfriend kong si Matt.


"Please sabihin niyo sakin kung nasaa-"


"Bessy! Dali!" Tawag sa akin kaya napalingon ako sa kanya.


"Billie!" Sabi ko at tumakbo sa kaibigan ko.


Nakita kong namumula ang mga mata ni Billie. Kakaiyak niya siguro iyan.


"He's at the emergency room." Sabi ni Billie at sabay kaming tumungo sa emergency room.

Doon nakita ko sina Tita at Tito Vlad pati na rin si Kuya Paul. Andun din sina kiya Jacob at iba pa.


"Esther, iha."


"Tita, si Matt..Tita" sabi ko kay Tita na mangiyak - ngiyak.

"Calm down, Esther. The doctors are doing their best to help my son inside."

"Tita, magiging okay naman si Matt, di ba, Tita?"

Nagkatinginan roon sina Tita at si Tito.

Taming The RainWhere stories live. Discover now